Chapter 34 "Traitor"

95 9 0
                                    

*TENENENEN-TENENENEN*

Narinig ko ang tunog ng alarm ko kaya napabangon ako at nagsnooze uli for the 20th time.

Siguro wala pang 1 minute ng marinig ko naman ang ringtone ko.

Kung sino man 'tong umiistorbo sa tulog ko, sasapakin ko kapag nakita ko.

Sinagot ko ang tawag na nanggaling sa isang unknown number at hinintay na mauna siyang magsalita.

-Regina! Si Stephen 'to.-

Damn you, Stephen!

"Oh, anong tinatawag tawag mo ngayon at kailangan mong istorbohin ang tulog ko?"

Masasapak ko talaga 'to kapag nakita ko eh.

-Natutulog ka pa? Anong oras na ah?-

"Mukha bang tulog pa ko? Ito na oh nagsasalita na ko kaya malamang gising na ko."

-Ang sungit mo talaga kahit anong oras.-

"Talaga! Oh, bakit ka ba napatawag at umagang umaga ay iniinis mo ko?"

-Nakalimutan mo na ba? Diba sabi ko kahapon see you? Same time and same place?-

"See you tomorrow! Same time, same place."

Ay! Oo nga. Tss, nakalimutan ko.

"Oo na. Sige na, tama na ang daldal. Mag-aayos pa ko." sabi ko at tinapos ko na ang tawag.

At katulad nga ng sabi ko, nag-ayos na ako at naghanda ng umalis.

Pero bago ako tuluyang umalis ay nagcheck muna ako ng mga social networking accounts ko.

Inuna ko ang twitter para istalk si Teal (naging daily routine ko na 'yan) pero bago ko pa mabisita ang account niya ay napansin ko ang paglobo ng followers ko.

Pati conversations ko ay lumobo. Pero halos parehas lang ang sinasabi at tinatanong nila.

@QueenRegina is Stephen Ashford's new girlfriend!

Is @QueenRegina the girlfriend of @HeyStephen?

Ano bang pinag-iisip ng mga taong 'to? At paano nila nasabing girlfriend ako ni Stephen?

Ito kaya 'yong mga fangirls niya na nakakita sa'min kahapon?

Binasa ko ang lahat ng message nila hanggang sa may nakita akong merong link ng instagram. Pinindot ko ito at tumambad sa'kin ang picture naming 2 na may caption na "It feels so good to be back with her #MyQueen"

Muntik ko nang mahagis 'yong cellphone ko nang nakita ko 'yon.

Eh kaya naman pala inaakala ng mga fans niya na girlfriend niya ako eh. Bwisit na artista 'yan, mapanggawa ng issue!

Matapos kong makita ang lahat ng 'yon ay umalis na ako sa kwarto.

**

Hindi ako pumunta sa restaurant na pinuntahan ko kahapon.

Hindi pa ako handang makita siya.

Iuukol ko na lang ang araw na 'to para makita si Teal. Siguro naman may taping siya ngayon.

Naglakad ako papuntang Warsal Studios dahil malapit lang naman ito. Buti na lang at naipasok ako kahapon ni Stephen dito kaya hindi na ako hinarangan pa ng guard.

Dirediretso lang ako hanggang sa marating ko ang lugar kung saan sila nagshushoot.

Walang Stephen o Teal na umaarte roon kaya pinuntahan ko na lang ng direktor para magtanong.

Nineteen Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon