Chapter 12 "Weird"

155 11 0
                                    

That boy is starting to get to my nerves! Hindi ko kailangan ng nagtatanggol sa akin. I can handle myself!

Pabalik na ako ng classroom.

Kainis talaga! Parang pinagmumukha niya akong weak.

“Tignan mo ‘yang si Regina oh. Mukhang mainit na naman ang ulo.”

Makakasapak talaga ako kapag hindi nagsitigil ang mga bunganga nito.

Pumunta na lang ako sa upuan ko at nagtimpi.

Calm down, Regina.

Hindi naman katagalan bago dumating ang Science teacher namin.

Nagdiscuss lang siya.

Blah.blah.blah

Lahat ng naririnig ko ay lumalabas sa kabilang tenga ko.

Walang nareretain sa utak!

Nilibot ko na lang ang mata ko sa classroom para maaliw.

Si Lucy the nerd lang ang nakikinig.

Paano kaya niya natitiis na makinig kay ma’am?

Iyon namang si Clyde, wala pa ring kupas.

Patuloy lang siya sa pagpaprank sa seatmate niya na iyakin na si Sasha.

Tsk. Tsk. Kawawang Sasha.

At syempre, nakatingin pa rin sa akin ang grupo nila Margaret.

Hay naku! Mga insecure kasi sa beauty ko.

“You have an assignment today. It will be in partners. You need to observe a flower , leaf or plant and do a research paper about it.”

Matapos niyang sabihin iyon ay nagsikilos na ang mgakaklase ko.

“KC! Partner tayo ah.

“Ana Marie, ikaw partner ko.”

“Darren, tayo na lang ha?”

Nagkokontrahan na sila ng kapartner. And as usual, walang lumalapit sa akin.

Hayaan mo na, sanay naman na ako. Mag-iindividual na lang ako.

Kinuha ko na ang gamit ko for the next class sa may locker ko.

Lalala~

“Uhm..” narinig kong may nagsabi sa tabi ko

Tinignan ko kung sino iyon.

Pagkatingin ko ay parang nagulat siya at nafrozen.

Ano bang meron sa baboy na ‘to?!

Tinaasan ko siya ng kilay.

Agad agad naman siyang tumakbo.

Napakaweird talaga niya! Onting onti na lang at mapipikon na ako ah.

**

Pumunta na ako sa may garden ng school.

Bwisit na driver kasi ‘yan eh. Malelate na naman daw siya. Napakakupad!

Gagawin ko na lang ang assignment namin sa Science.

Ano bang magandang halaman?

Biglang may kumakalabit sa akin.

Nilingon ko naman siya.

Parang nafroze na naman siya.

“Ano ba ang problema mo?” sigaw ko sa kanya

Parang natakot naman siya.

“G-gusto k-ko lang n-naman na...”

“Na?!”

“N-na maging k-kapartner kita.”

Sus! Iyon lang pala.

“Tss. Sige. Akala ko naman kung ano.”

Abot hanggang black hole ang ngiti niya.

Bakit ba ang weird ng hippopotamus na ito?

Nag-observe na kami ng mga flowers at ginawa ang research paper.

Okay din pala na may kapartner paminsan-minsan. Equal ang share ng work.

Mabilis naming natapos iyon.

Tinignan ko ang relo ko.

“I gotta go now.” sabi ko

Tumango lang siya at umalis na ako.

**

“Please pass your research papers.” sabi ng Science teacher namin

Tinginan ko si Baboy dahil nasa kanya ang homework namin.

Mukhang hinahalughog niya ang bag niya.

“Hoy piggy bank! Nasaan na iyong research paper natin?”

“Eh... Hinahanap ko nga eh.”

“Ang bagal mo naman eh. Ako na nga!”

Kinuha ko agad ang bag niya.

“A-ako na lang ang maghahanap.”

Ano ‘to? Bakit nandito pa iyong lalagyan ng sandwich at iyong flower na inobserve namin kahapon? Ano siya basurero?

“F-Found it!” sabi niya at nakita na niya ang research paper.

All I can say is...

Weird!

**

“Hoy!” sabi ko at tinawag ko si Hippo

“B-bakit?”

“Aminin mo nga sa akin.”

Parang kinabahan naman siya.

“A-Ano?”

Parang bumilis ang takbo ng puso niya.

“Beggar ka ba? Basurero ka noh?”

Parang nagulat naman siya.

“H-huh?”

“Aminin mo na! Tinatago mo ‘yong lalagyan ng sandwich ko tsaka ‘yong mga bulaklak dahil ibebenta mo noh?”

“Uhh. Iyon ba? A-Ano.. Ano kasi..”

Hala.. Anong nangyari sa kanya?

Humahagulgol ang mukha niya ng pawis.

“K-kasi...”

“What the hell is it hippopotamus?!”

“C-Crush kita!” 

Nineteen Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon