Chapter 41 "Mission Confession"

111 11 0
                                        

Finally! It's the weekend and I finally got the time for myself.

This is my time to relieve stress and forget all about my stupid problems.

"Miss, kukunin niyo po ba 'tong 5 blouses, 10 skirts at 7 dresses?" tanong sa'kin ng saleslady na may hawak ng lahat ng pinili kong damit.

"Ito pa. Sige, babayaran ko na 'yan." sabi ko sabay tapon sa saleslady ng 4 na top.

Ito ang stress reliever ko, shopping. Sayang nga lang at wala si dad. Mas masaya kung nandito siya at kasama kong namimili.

Naglakad na ako papunta sa cashier at doon binayaran ang lahat ng binili ko.

Pagkabayad ko ay binigay na sa'kin ang mga pinamili ko na nakalagay sa 3 paperbag.

Tss, ito lang ang ayoko sa tuwing magshashopping ako. Kailangan kong magdala ng maraming paperbags.

3 paperbag na agad ang dala ko samantalang isang store pa lang ang napupuntahan ko.

Ano na lang mangyayari sa'kin kapag dumaan at namili na ako sa Forever 21, Uniqlo, Zara, Penshoppe at Bench? Isali mo pa 'yong mga hindi masyadong kilalang store na nagbebenta ng kakaunting magandang damit?

Hay, hanggang sa shopping ba naman may problema pa rin ako?

Kinuha ko na lang muna ang cellphone ko. Tatawagan ko na lang ang mga katulong namin para mayroon namang magdadala ng bibilhin ko.

Pero bago ko pa matawagan ang mayordoma namin, may isang epal na tumawag sa'kin. At dahil hindi naman ako bastos, sinagot ko ito.

"Anong kailangan mo, Raphael?" bati ko.

"Huwag mo nga akong tawagin na Raphael. Parang nanay ko kasi ang kausap ko." sagot niya.

"Wow ha. Ang bata ko naman para maging nanay mo."

"Basta. 'Wag nang Raphael. Raph na lang." sabi niya.

"Fine, Raph. What do you need?"

"Pwede ka ba ngayon?" tanong niya.

"Hindi. Sorry, I'm busy." sagot ko.

"Bakit? Marami ka bang schoolworks? Aba, nagiging nerd ka na, Regina."

"Tumigil ka nga dyan. Hindi ako nerd, okay? Busy lang akong magshopping." sagot ko.

"So, nasa mall ka?"

"Malamang. Saan pa ba pwedeng magshopping?" pambabara ko sabay irap kahit hindi naman niya nakikita.

"Oh, umiirap ka na naman. 'Wag kang high blood." sagot niya.

Nandito ba 'to somewhere at nakikita niya ako?

"Text mo sa'kin kung nasaang mall ka. Pupuntahan kita, okay? Walang angal. Bye!" pagpapatuloy ni Raph at tinapos na niya ang tawag.

Ginawa ko naman ang sinabi niya at tinext sa kanya ang lokasyon ko ngayon.

Nag-ikot ikot na muna ako habang hinihintay si Raph. Okay na rin na puntahan niya ako para may taga-bitbit ako ng mga binili ko.

Kalahating oras na ang lumipas at napagod na ako kakalakad kaya umupo muna ako sa isang bench. Hindi muna ako namili ng damit dahil kailangan ko muna ng taga-dala. At ang taga-bitbit ko ay wala pa rin hanggang ngayon. Bwisit 'yon ah!

Matapos ang ilan pang minuto, tumayo na lang ako mula sa bench at naisipan na maglakad lakad na lang uli nang bigla na lang dumilim ang paningin ko.

Tss, bwisit talaga 'tong si Raphael na 'to. Pinaghintay na nga ako, tatakpan pa ang mata ko.

"Raphael, tigilan mo nga ako." sabi ko.

Nineteen Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon