Chapter 44 "Teal Death Do Us Part"

90 10 1
                                    

"Teal! Wake up." sabi ko habang papunta kami sa emergency room.

Nang makarating kami doon ay muntik na akong hindi papasukin. Pero nagpumilit talaga ako hanggang sa wala na silang magawa kung hindi papasukin ako.

Habang ginagawa ng mga doktor ang kanilang makakaya para salbahin si Teal, hawak hawak ko ang isa niyang kamay at hinihiling na sana lumaban siya. Sana malabanan niya ang sakit niya at bumalik sa'kin.

Ilang segundo lang ang lumipas at bigla nang nagising si Teal.

Napangiti naman ang mga doktor dahil nasagip na naman nila ang minamahal ko.

"Teal." tawag ko sa kanya ng may ngiti sa labi.

Akala ko mawawala ka na.

Akala ko iiwan mo na ko.

Ngumiti naman siya pabalik sa'kin at inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.

"I love you, Regina." sabi niya at hinalikan niya ako.

It was a slow and passionate kiss.

Pero hindi rin iyon nagtagal.

"Teal!"

Hindi na nagtagal ang halik niya sa'kin.

Hindi na siya nagtagal.

"I'm sorry." sabi sa'kin ng doktor habang hinihimas ang likod ko.

"No!" inalis ko ang kamay ng doktor sa'kin ay niyakap si Teal.

"Teal, please come back. Diba sabi mo magpapakasal pa tayo? Diba sabi mo gusto mo pang magkababy? Ano 'tong ginagawa mo? Teal, gumising ka na!"

Habang sinasabi ko ang mga iyon, umaagos ang luha sa'kin mga mata.

Yakap yakap ko pa rin si Teal nang sapilitan na akong kuhanin ng mga nurse at inilayo sa kanya.

"No! He's not dead. Gigising pa si Teal!" sabi ko sa kanila.

But he didn't. Kahit anong gawin kong sigaw na bumalik siya, hindi umubra. He's gone now. Wala na si Teal.

He just let me have our first and last kiss. Sa huli niyang mga sandali, pinili niyang ipakita ang pagmamahal niya sa'kin.

Nakaladkad na ako ng mga nurse sa labas at heto ako ngayon, nakalumpasay sa sahig at umiiyak.

Teal, mahal na mahal kita! Bakit kailangan mo pang mawala?

Ang dami pa nating gustong gawin. Ang dami pa nating planong isasakatuparan. Pero bakit hindi ka lumaban? Bakit hinayaan mong kunin ka na ng langit?

Nagpatuloy lang ako sa pagdadalamhati doon hanggang sa makaramdam ako ng mga pamilyar na yakap.

"Regina, nandito kami para sa'yo."

Tumingala ako at nakita ko si Raph, Daire at Emma na nakayakap sa'kin. Kahit si Graham ay nandoon rin, hindi nga lang siya nakayakap sa'kin.

"Yeah, bessy. Hayaan mo kaming damayan ka." sabi naman ni Daire.

Ilang segundo ko ring pinroseso ang mga sinabi nila.

Damayan? Bakit alam ba nila kung gaano kasakit ang mawalan?

Alam ba nila kung ano ang pakiramdam na makita mo na ang para sa'yo pero kinuha naman siya mula sa'yo?

Hindi! Hindi nila alam ang nararamdaman ko.

"No! No!" sigaw ko at hinawi ko silang lahat.

Tumakbo ako papalayo sa kanila.

Tumakbo lang ako ng tumakbo.

Tumakbo lang ako hanggang sa mapagod ako.

Hindi ko na alam kung saan ako napunta pero alam kong malayo na ito sa hospital.

Umupo muna ako sa sidewalk. Patuloy pa rin ang mga luha sa paglabas mula sa mata ko.

Ito na ba ang parusa sa'kin ng Diyos?

Ito na ba ang parusa sa pagiging masama ko?

Ganoon na ba ako kasama kaya kailangan akong parusahan sa pamamagitan ng pagkuha sa mga taong mahal ko?

Lalo lang bumuhos ang mga luha ko habang iniisip ang paghihirap na nararanasan ko.

Sino naman ang sunod? Kinuha na sa'kin si Teal, si mama, si-

"Miss, okay ka lang?" tanong ng isang hindi pamilyar na lalaki.

Tumingala ako at tinignan ang lalaki.

"Mukha ba akong okay?" pagtataray ko sa kanya.

"Tss, sungit mo naman. Ikaw na nga 'tong pinagmamalasakitan." sabi niya

"Sige na, ako na masungit. Ako na mataray. Ako na masama. Alam ko namang hindi ako mabait. Kaya nga ako pinarurusahan ng ganito!" sagot ko sa kanya at binato ko siya ng panyo.

Panyo na lang ang nabato ko sa kanya dahil 'yon lang ang tanging dala ko. Wala akong dalang cellphone, wallet at kung ano ano pa. Panyo lang talaga.

Pero wait, hindi nga ako naging mabait kaya ako pinaparusahan ng ganito.

Paano kaya kung maging mabait na ako?

"Kuya, I'm sorry sa inasta ko. Pero pwede bang makahingi ng pabor?" sabi ko.

"Wow, pabor agad? Ni hindi ko pa nga alam ang pangalan mo."

Hindi niya ako pwedeng makilala bilang Regina.

Dahil si Regina, masama at walang pakialam sa nararamdaman ng iba. Si Regina, mapanglait at masungit.

"Queenie. Ako si Queenie. Okay na?"

Tumango naman si kuya bilang sagot sa'kin.

"Oh, ano na ang pabor na hinihiling mo?" tanong niya.

"Pwede mo ba ako tulungang maging mabait?"

END OF FIRST HALF

Nineteen Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon