Chapter 11 "Mr. Right 3: Graham Humber"

185 12 3
                                        

"Don't you remember me? I'm Graham." sabi niya sa akin

Graham?

Sinong Graham?

Processing...

Buffering...

*TING!*

"Graham? Ikaw ba talaga 'yan?"

**

September 2010

"Akin na 'yang sandwich ko!"

Pinapanood ko ang isang batang tinatangkang kuhanin iyong sandwich niya mula sa isang sanga ng puno.

Para siyang tanga. Kahit gaano pa siya tumalon ay hindi niya maaabot iyon.

Tinignan ko ang relo ko.

Matatapos na pala ang recess time.

Agad na akong bumalik sa classroom ko.

"Hi Regina! My mother wants me to give this to you." sabi ng isa kong kaklase

Tss. Palibhasa empleyado ni daddy ang nanay niya. Kaya iyan, ngayong sumisipsip siya sa akin.

"Thanks!" sabi ko at akmang kukunin ko na ang headband na binibigay niya

Mukha namang napangiti siya.

"But no thanks." sabi ko at ibinagsak ang headband at tinapakan

Nakita ko ang gulat sa mukha niya.

Nganga siya eh.

I love that look on her face. Bet na bet!

Bumalik na ako sa upuan ko at hinanda ang mga gamit ko.

Pumasok na ang math teacher namin.

"Good morning, 6-Spring" bati niya sa amin

Binati naman namin siya pabalik.

Biglang may pumasok ng classroom.

"Mr. Humber, you're late again." sabi niya

"I'm sorry, ma'am." sagot niya

"It's okay. Just head to your seat now."

Sinunod naman niya si ma'am at pumunta nasa upuan niya.

"Okay, bring out your graphing paper and compass." utos ni ma'am

Kinuha ko ang graphing paper ko mula sa plastic envelope ko.

Hanap. Hanap.

Asan na ang compass ko?

Hanap. Hanap.

Kakahalughog ko ay nahulog na ang bag ko.

Wow, Regina. What a great katangahan.

Unti-unti kong kinuha ang bag ko at ang mga gamit ko na nahulog.

Kukuhanin ko na sana ang sandwich ko na nahulog din nang napansin ko na nakatitig nang may pagnanasa iyong bata kanina.

"Oh, iyo na. It's dirty." sabi ko at binigay ko ang sandwich ko.

Tuwang tuwa naman siya. Umabot ata ng Andromeda Galaxy ang ngiti niya eh.

Tss. Weird!

**

Pesteng driver 'yan! Napakatagal dumating.

Naghihintay tuloy ako dito sa pangcommoner na shed na malapit sa gate.

Ayoko sa lahat ay iyong pinaghihintay ako eh!

"Gusto mo?"

Tinignan ko ang nagsabi noon.

Nakita ko ang lampang lalaking nalate kanina.

Anong pangalan niya?

Alam ko malapit sa isang pagkain iyon eh.

Bagay sa kanya 'yon kasi halata namang matakaw siya eh.

"Ano 'yan?" sabi ko

"Sandwich." sabi niya

Bwisit! Namilosopo ang loko.

"I mean, what's that for?" sabi ko

Medyo nakapagtimpi pa ako.

"Para sa sandwich kanina."

"You don't need to replace that."

"But I want to."

Ang kulit naman nito. Nakakairita!

"But I don't want to accept that. Go away!"

Umalis naman agad siya.

Buti at kahit papaano ay masunuring bata naman pala siya.

**

"MINE!"

Edi sayo na. Inaagaw ko ba ang bola? Bwisit!

Bakit ba kasi kailangan pang maglaro ng volleyball?

Anong mapapala mo kung nakuha mo ang bola at naipasa sa kabila? Tapos kukuhanin at ipapasa lang din naman ng kalaban mo. What's the point diba?

Pinagmumukha mo lang tanga ang sarili mo.

Buti na lang at madaling natapos ang isang game.

Grabe! Sobrang init. I am so thirsty.

Nagpahinga muna ako doon sa isang bench.

Nakakapagod din kayang umiwas sa bola.

"For you."

Tinignan ko ang nagsabi noon.

Siya na naman. 'Yong lalaking balyena.

Pagkatingin ko sa kanya ay binitawan niya ang bote ng tubig sa tabi ko at tumakbo paalis.

Anong problema niya?

**

Yogurt~

Yay! My comfort food.

Buti na lang at may dessert akong yogurt.

Yummy!

"Naku! Pangitingiti pa siya. Grabe, paano niya nagagawang ngumiti kung sobrang pangit ng ugali niya?"

"Oo nga eh. Buti nga ngumingiti pa siya eh. Akala ko puro irap lang ang alam niyang gawin."

Hay naku! 'Tong mga chismosang 'to, akala mo hindi ko sila naririnig. Palibhasa puro paninira sa ibang tao alam nilang gawin dahil wala silang magawa sa buhay nila eh.

"Hoy! Hindi siya ganyan."

Sino naman kayang nilalang ang nagtangkang magtanggol sa akin?

Baka naman bago lang sa school iyon at hindi pa ako kilala.

"Then what is she like, huh?"

"She's kind and generous unlike the two of you."

Parang napikon ata iyong isa dahil narinig ko na nagcurse siya.

"You're defending the wrong person, pig" sabi noong isang babae

Pig?

Lumingon ako at tinignan ko ang nagbabangayan na iyon.

Siya na naman?!

Nineteen Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon