Chapter 10 "Humberger"

193 16 1
                                    

“Hey, what happened?” sabi ni Emma na nakaabang sa akin sa baba.

Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy lang maglakad papunta sa kotse.

“Hoy ah! Ang galing mong mageskandalo kanina. Bilib ako sayo.”

Nginitian ko lang siya ng maldita smile ko.

Pumasok na kami pareho sa kotse.

“So ano na nga? What happened? Hindi pa rin siya?” sabi ni Emma

Tumango ako.

“He already has a wife.” sabi ko

“Ouch. Okay lang yan, friend. Marami ka pa namang tao na nasa listahan mo diba?” sabi niya at tinapik niya ako sa balikat.

“Friend ka diyan.” sabi ko at inalis ko ang kamay niya

“Tss. Wala ka pa ring kupas.” sabi niya

Nagpatuloy lang siya sa pagmamaneho.

Buti pa ‘tong si Emma kahit papaano ay napagtitiisan ako.

Kahit walang segundong hindi ko siya sinungitan ay hindi niya ako iniiwan.

Baka naman siya ang true love ko?

Joke. Hindi ako lesbian.

“Regina, may request lang ako.” sabi ni Emma

“Ano naman yan? Siguraduhin mo na kaya ‘kong tuparin ‘yan.” sagot ko

“Oo naman. ‘To talaga.”

“Oh, ano na nga?” iritableng sabi ko

“Can we eat at a restaurant with some fresh dishes? Napupurga na ako sa mga processed foods dito eh.”

“Sus. Iyon lang naman pala. Ayun! Magpark ka muna doon sa restaurant na iyon.”

“Yay!”

Tss. Parang bakla naman ‘tong si Emma.

Sinunod niya ako at nagpark sa tapat ng isang restaurant.

‘Humberger’ ang pangalan ng restaurant.

Ano ba naman ‘yong may-ari nito? Hindi ba siya marunong magspell ng maayos? Parang simpleng hamburger lang eh.

“Lika na, Heels.” sabi ni Emma at hinila na niya ako papasok sa restaurant

Tss. Makakalakad naman ako ng mag-isa.

Naghanap na kami ng mauupuan.

Pagkaupo naman namin ay binigay sa amin ang menu.

Ano ba naman yan? Puro hamburger lang?

“Anong best seller niyo dito?” tanong ni Emma sa waiter

“Eto pong Classic Quarterpound.” sagot ng waiter

“Ahh. Sige iyon na lang ang order ko. Ikaw Heels?”

“Iyon na lang din.”

Halos pareparehas lang naman ang mga nasa menu eh.

Habang naghihintay kami ay nilabas ko ang listahan ko.

Henry Miles

Binura ko na ito.

Sino naman kaya ang sunod?

Hindi naman masyadong matagal ang paghihintay namin at dinala ang pagkain namin.

Parang chef ata nila ang nagdala.

“Enjoy your hamburger.” sabi niya sa amin

Nginitian siya ni Emma.

Lumapit sa akin si Emma at bumulong.

“Ang gwapo niya!” sabi ni Emma

“Sus. Marami na akong nakitang mas gwapo pa sa kanya.” sagot ko

Kinain agad ni Emma ang pagkain niya.

“Ang takaw mo naman!” sabi ko

“Hay naku! Sanay na ako sa mga panlalait mo, Regina Hills! Kaya hindi na ako tatablan ng mga ganyan

Inirapan ko siya.

“Regina Hills? Ikaw ba ‘yan?”

Bumalik iyong lalaki kanina at sinabi niya iyon sa akin.

Hinawakan niya ako sa balikat .

“Y-yes, I am. W-who are you?” nagtatakang tanong ko sa kanya

Nineteen Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon