Chapter 32 "Mr. Right 7: Stephen Ashford"

125 8 0
                                    

At dahil big-time si Ashford, siya na ang nagbayad ng kinain ko at dinagdagan pa niya ang food namin.

Pasalamat siya gutom ako at natulungan ko siyang ubusin ang pagkain namin.

"Ang takaw mo na ngayon ah." asar niya.

"Hindi ah! Gutom lang talaga ako."

"Sabi mo eh." sabi niya at humigop siya sa straw ng juice niya.

"So, paano ka napunta sa limelight, huh?" tanong ko sa kanya.

"Simple lang, gwapo kasi ako." sabi niya with matching pogi sign pa.

"Wow, tinangay ako ng hangin ah."

"Bakit hindi ba ako gwapo?" tanong niya sa'kin habang nilalapit ang mukha niya sa'kin.

Hala, ano namang isasagot ko dito?

G-Gwapo naman siya ata?

Nang hindi ako magsalita ay inilayo na niya ang mukha niya sa'kin.

"Hanggang ngayon ba naman hindi mo makita ang kagwapuhan ko? Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin ako napapansin?"

~*~

Stephen's POV

"Nunal! Nunal!" pang-aasar ko sa isang bata.

Ang laki kasi ng nunal niya eh. Ang galing!

Pero malay ko ba sa batang 'to kung bakit iyak ng iyak. Ang gara!

"Hoy! Tumigil nga kayo dyan. Ang iingay niyo." sigaw ng isang batang babae sa'min.

"Ang lakas ng loob mo ha. Kilala mo ba kami?" sagot ko sa kanya.

Sikat kaya kami ng mga kaibigan ko. Friendly kasi kami! Walang kokontra.

Tinignan niya naman ang mga name tags namin.

"Stephen, Josh at Luke." pamimilosopo nito.

Aba! Iba 'tong babaeng 'to ah.

Akmang susuntukin ko na sana siya nang umiyak siya ng napakalakas.

"TEAAACHHEEER! UWAAA!"

Agad namang to the rescue ang teacher namin.

"What have you done, kids? You don't bully your classmates. You have to love them, okay." sabi ng teacher namin.

"We're sorry ma'am." nakayukong sabi namin.

Nang medyo tumango na ako ay nakita kong nakadila 'yong batang babae.

"Ma'am si Regina po oh!" pagsusumbong ko.

Nang lumingon si ma'am ay finlash naman niya ang angelic pose niya at nagbeautiful eyes.

"Regina's not doing anything to you. You should say sorry to her." sabi ni teacher.

"NO!" sigaw ko.

Ako na nga ginawan ng masama ako pa magsosorry?

"Stephen, you know what I do to kids who don't obey me, right?"

Napabuntung-hininga na lang ako at sinunod na lang ang utos ni teacher.

"Sorry." sabi ko habang nakatingin sa ibang direksyon.

"You should say sorry while looking to the person you're talking to. So that they will feel that you are sincere."

"Sorry." sabi ko but this time nakatingin na ko sa kanya.

"Very good! Now go back to your seats.

Simula noong araw na 'yon, inilagay ko na si Regina sa listahan ng mga taong hinding hindi ko gugustuhing maging kaibigan.

Nineteen Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon