Chapter 15 "A New Companion"

139 12 4
                                    

Nakangiti pa rin siya sa akin habang ako ay takang taka pa rin.

“Ikaw na ba talaga ‘yan? Eh diba, no offense ah, pero...” sabi ko

Tumawa lang siya.

“Why are you laughing?” sabi ko at tinaasan ko siya ng kilay

Tumawa na naman siya.

“Pwede explain muna bago tawa? Tsk.” sabi ko at inirapan ko siya

Hindi pa rin siya tumigil sa pagtawa.

Konting konti na lang at masasapak ko na ‘to eh.

“Wait lang. Patapusin mo muna ‘yong tawa ko.” sabi niya

Hindi na lang ako sumagot at hinayaan ko siyang tumawa.

Ano ba naman ‘yan? Kulang na lang humiga siya sa sahig at magpagulong-gulong.

Hinintay ko lang siyang matapos at buti na lang after 537369 years, natapos na siya.

“Okay na?” tanong ko

Tumango naman siya.

“First things first, I know kung ano ‘yong tinutukoy mo kanina. I know that you’re shocked sa great change sa akin. Pero ‘wag ka! Pinaghirapan ko ‘tong katawang ‘to. Dugo’t pawis ang ibinuhos ko dito.” sabi niyaa

“Eewww. Kung dugo’t pawis lang din naman ang binuhos mo, edi sana hindi ka na lang pumayat.” sabi ko

Parang nadown siya.

“’To naman. Tignan mo nga oh, may abs na ako.” sabi niya at itinaas niya ng konti ‘yong t-shirt niya

Parang natulala naman si Emma.

Tsk. Parang ngayon lang siya nakakita ng abs.

“Anong ipinaglalaban mo dyan?” pagtataray ko

“Hay naku. Wala ka pa ring kasing taray. ‘Wag kang mag-alala, kahit ganyan ka crush pa rin kita.” sabi niya ng may kasama pang kindat

Kinilabutan ako.

Grabe! Ilang taon na ang lumipas pero ganyan pa rin siya?

“I think I have to go to the rest room.” sabi ni Emma at kinindatan din ako

Pagkaalis niya ay umupo si Graham sa upuan ni Emma.

“So~” sabi ni Graham sa upuan ni Emma

“So? So bakit hindi ka na lang bumalik sa trabaho mo?” sabi ko

Nadown na naman siya.

“Eto talaga. I just want to ask what brought you here.” sabi niya

It’s my turn para tumawa.

Nakita kong tatanungin na niya ako pero pinigilan ko siya.

“You’re still that weak pig.” sabi koa at nagsmirk ako

Magrereact dapat siya pero pinigilan ko uli.

“And for your information, nandito ako para kumain. Restaurant ‘to diba?” sabi ko

Napakamot siya ng ulo.

“Parang mas tumindi ka ngayon ah. May pinagdadaanan ka ba?” tanongn niya

Napabuntong hininga ako.

“What if I have?” mataray na tanong ko

“Then, I’ll listen. You can count on me. After all, I’m your friend, right?” sabi niya

“It’s none of your business, okay? And didn’t you remember that you left me? Noong iniwan mo ako, natapos na rin ang pagiging magkaibigan natin.” sabi ko

Nineteen Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon