Chapter 23 "The Lifesaver"

126 9 1
                                    

Ilang araw na ang nakalipas matapos ang Jack incident ko. Now, balik na naman ako sa paghahanap ko kay Teal.

Actually, for the first time, sinunod ko ang advice ni Emma. She should thank me!

Kaya eto ako ngayon, busy na nagsusurf sa internet with 28 tabs, lahat ng iyon ay websites tungkol kay Teal.

I know nagmumukha akong desperada at obsessed pero anong magagawa ko? Siya na lang ang katangi-tangi kong alam na nag-eexist pa among all my Mr.Rights.

"Regina, tikman mo 'to. May yogurt 'yan, favorite mo."

Ayy, meron palang isa dito. Pero dapat bang isama ko pa siya sa listahan?

Nang hindi ko siya pinansin ay nilapag na lang niya ang pagkain sa side table ko.

"Sino 'yan?" nagulat ako nang tanungin iyon ni Graham

Hindi naman kasi niya alam ang tungkol sa mission kong hanapin ang Mr.Right ko. Besides, kasama siya sa listahan (as of now) kaya hindi niya talaga dapat malaman.

"Rule #4: Bawal ang tatanga-tanga. Ayoko sa lahat 'yong umeepal pero wala namang alam." sabi ko

"Nagtatanong lang naman eh."

"Pwes, imbes na nagtatanong ka ng mga walang kwentang bagay, gawin mo na lang ang trabaho mo. That's rule #3!" sigaw ko sa kanya

"Ginawa ko na nga 'yong trabaho ko eh. Ayan oh, nandyan na 'yong pagkain mo." sagot ni Graham

"Oh, ayun na nga. Nandito na ang pagkain ko, tapos na 'yang gawain mo sa'kin. Now, leave!"

Napakunot naman ng noo si Graham pero umalis din siya at tumungo sa kusina.

"Hey! Meron ka ba, mali ang gising mo o sadyang normal ka lang at ganyan ka kasungit ngayon?" sabi naman ni Emma na umupo sa tabi ko

Nagpark muna kami sa isang parking lot na malapit sa isang beach, sa pagkakatanda ko Libuma Beach ata ang tawag doon. (weird name, I know. 'yan din ang naisip ko) Mukhang sinusulit ng mga nandito ang nalalabing araw ng summer.

But for me, I just want this summer to end now. Hindi kaya ako makalabas dahil sa init. Bakit ba kasi pinagsabay ang init ng Pilipinas at pagkahot ko? (hoy! walang kokontra)

"Third. Duh, hindi ka na ba nasanay sa'kin?" sagot ko sa kanya

"Well, sanay naman na. Kaso kasi alam ko at nafifeel ko na extra sungit ka ngayon."

Pero medyo BV nga ako ngayon.

Paano ba naman eh lagi na lang palipat-lipat 'tong si Teal. 'Yong tipong papunta pa lang ako ay nasa ibang lokasyon na siya. Paano ko na siya makikita sa lagay na 'yan?

"Ahh, kaya naman pala. Frustrated ka na, girl." sabi ni Emma na isa pang epal

Hinawakan niya ang mouse at pinagcoclose ang mga tabs ko.

"Hoy! Tigilan mo nga 'yan." sigaw ko

"Sabi ko maging fangirl ka lang, hindi maging cctv camera."

Buti na lang at napigilan ko siya sa pagcoclose. Pero isang website na lang ang natira.

"Now, how am I going to track him down?" galit kong sabi

Biglang may tumunog. May notification sa twitter.

Tinignan namin ito pareho.

-Official Teal Cassidy: "Here at Libuma Beach. Hope to see you guys here!"-

"LIBUMA BEACH?!" sabay naming sigaw

Kung sinuswerte ka nga naman oh!

"At the beach now!"

Excited na nagprepare si Emma habang halata namang nagtataka si Graham.

**

What the hell is up with these people? Ganito ba talaga siya kasikat?

Ang hirap makapasok dahil sa dagsa ng tao dito. Paano pa kaya sa loob? Paano ko siya malalapitan?

Hindi ko napansin na kakagitgit ko sa mga hampaslupa dito eh nahiwalay na ako kila Emma at Graham.

Hay, tiis lang Regina. 'Wag mong sayangin ang panahon na ginugol mo sa pagiging "fangirl" niya.

Sa wakas! Nakapasok na ko. Now, ang problema ko ay kung saan ko siya makikita.

Hindi pala problema 'yon. Natural 'yong pinagkukumpulan ng tao ay ang kung nasaan siya. Tumakbo ako papunta sa dagat kung saan may kumpulan.

"Aw! Ano ba?"

"Wag ka ngang manulak!"

"Aray!"

Wala akong pakialam sa mga reklamo ng mga babaeng nasa paligid ko.

Konti na lang, Regina!

Ayan, nakikita ko na siya.

"Teal!"

Okay, halos lahat pala sila ay 'yon ang sinisigaw. How do I make a difference?

Napatingin ako sa tubig.

Oh my! Malalim na pala 'to.

At hindi ko namalayan na lumulubog na pala ako.

"H-Help! H-Help!" sigaw ko

Nakita ko na napatingin si Teal sa side ko.

Eto na! Eto na ang chance k-

**

Unti-unti kong minulat ang mata ko.

Hinimatay siguro ako habang nasa verge na ko ng pagkalunod.

Wait, anong nangyari before noon?

Oh my gosh! Si Teal.

Dumilat agad ako para makita si Teal.

But to my disappointment, hindi si Teal iyon. It was another creature. Okay, human pa rin naman siya.

Nakatopless lang siya kaya kita ko ang six-pack abs niya, (not that I'm into abs) nakatrunks at may whistle na ginawang necklace. Definitely, isa siyang lifeguard.

"Who are you?" tanong ko

"Your lifesaver."

Nineteen Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon