Chapter 25 "The Best Worst Day Ever"

123 9 1
                                    

Pinanood ko ang pagtama ng batong binato ko sa mapayapang karagatan.

Bwisit kang Archie ka! Akala ko magiging masaya 'tong bakasyon ko dahil sa'yo tapos iiwan mo lang ako nang ganoon na lang?

Ibabato ko na sana ang isa pang bato nang may humawak sa kamay ko at pinigilan ito.

"Ginagawa mo pa rin pala." narinig kong sabi ni Archie.

Tss.

~*~

"Ayan ka na naman. Nawawala na naman 'yang itim sa eyeballs mo kakairap sa'kin." pang-aasar ni Archie.

"Tss, 'wag ka kasing ngiti ng ngiti. Nakakairita eh. 'Yong labi mo perfect D."

"Masama bang maging masaya?"

"Para sa'kin, oo. Wala namang magandang nadudulot 'yan eh." sagot ko.

Napakunot naman ng noo si Archie.

"Tatanda ka agad. Punong puno ka ng negativity sa katawan eh. Alam mo, may way ako para kahit papano mabawasan mo 'yan." sabi naman ni Archie.

"Sigurado ka bang tatalab 'yan ha? Naku! Ang dami ko nang nagawang paraan pero sa huli, wala talagang gamot sa kamalditahan ko eh."

"Eh hindi naman na talaga magagamot 'yang kondisyon mo eh. Malala ka na eh."

Pagkasabi niya noon ay nakatanggap siya sa'kin ng isang masakit na palo.

"Ang sadista mo talaga!"

"Thank you!" sabi ko with my sweetest? smile.

"Oh, asan na 'yang way na sinasabi mo?" pagbabalik ko sa topic namin kanina.

"Ganito lang 'yan. Marami kang sama ng loob diba?" sabi niya sa'kin.

Aba oo! Limpak limpak.

Tumango na lang ako.

Lumigid-ligid naman si Archie at pinuno ng bato ang kamay niya.

"Oh, magbebenta ka ng bato?" tanong ko.

Tumawa naman siya.

Mukha ba kong nagjojoke? Seryoso 'yon ah. Loko 'to!

"Kumuha ka ng isa." sabi niya sa'kin.

"Bakit? Eh ang dumi kaya!" sagot ko.

"Huwag ka na ngang umarte dyan. Kumuha ka na lang. Mag alcohol, sanitizer, tissue, disinfectant o lysol ka pa pagkatapos kung gusto mo eh."

"Sabi mo 'yan ah." sabi ko at kumuha na ako ng isang bato.

Tinapon ni Archie 'yong ibang bato sa may bandang harap ng paa niya at nagtira lang ng isa.

May saltok talaga 'to sa utak. Kukuhakuha ng marami tapos itatapon din.

"Ayan, ngayong may hawak ka ng bato, sisimulan na natin."

"Ngayon, mag-isip ka ng kinamumuhian, o kinasasama ng loob mo. Bagay man yan, tao o pangyayari." pagpapatuloy niya.

Nasa pinoy henyo ba ako?

But anyway, ginawa ko ang sinabi niya.

Naalala ko 'yong tatay ko. 'Yong tatay kong puro trabaho ang alam. Ni hindi ko nga matandaan ang mukha niya dahil once in a blue moon pa siya umuwi. Uso naman na ang skype, viber at facetime pero wala talaga siya pakialam sa pamilya niya dito sa Pilipinas.

Buti na lang at hindi siya pumapalya sa pagpasok ng pera para masustentuhan ang luho ko.

Pero kahit na! Wala siyang kwenta.

Nineteen Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon