Chapter 46 "Bad Girl Gone Good"

71 3 0
                                    

Weeks have passed and I can say that things are going well. Tinutupad ni Colin ang pangako niya na tulungan akong maging mabait.

Pero syempre, hindi pa rin maiiwasan minsan na lumabas ang pagiging bitch ko. Well, naaamo ko naman ito kahit papaano kaya ayos lang.

At sa pagtagal ko sa bahay nila, napalapit na rin ako sa mga magulang ni Colin, lalong lalo na si Tita Carmen. Approachable kasi si tita kaya hindi ka mahihiyang lumapit at kausapin siya.

Mukha namang masaya ang pamilya nila. Kaya lang hindi ko pa rin talaga nakikita ang ate niya. Ni picture kasi nito ay wala dahil nahihiya daw ito sa itsura niya.

Ngayon, nandito kami sa simbahan na malapit lang sa tinitirahan nila. Linggo kasi at ito ang araw para magsimba kami.

In fairness, dahil sa ilang linggo kong pamamalagi sa kanila, nasasanay na ako sa mga kabanalan at kabaitang ginagawa nila. Kabisado ko na nga ang prayer before meals, huwag ka.

Pero kahit ilang beses na akong nakapunta rito ay namamangha pa rin ako sa mga work of art na nandito.

Sana may talent rin ako sa pagpipinta!

Nakatingala pa rin ako sa mga drawing sa itaas nang maramdaman ko na may humawak sa braso ko.

"Hanggang ngayon, naaamaze ka pa rin dyan? 'Lika na, gagawan na lang kita ng ganyan." sabi ni Colin at hinila ang braso ko papunta sa isang pew.

"Kaya mo? 'Yon ganyan kaganda dapat!" sagot ko.

"Oo ba! Baka mamangha ka sa kaya kong gawin, at ma-in love ka sa'kin."

Muntik ko na siyang batukan dahil sa sinabi niya, pero buti na lang at napigilan ko ang sarili ko.

"Ewan ko sa'yo! Basta gawan mo ako, ha? Teka lang, hindi pa kita nakikitang magpinta. Sigurado ka bang marunong ka?" sabi ko.

"Hindi ba naikwento ko sa'yo noon na nabulag ako? Noong mga panahong wala akong paningin, pinagsisihan ko na hindi ko man lang napahalagahan ang magandang kapaligiran at mga bagay na mayroon tayo. Akala ko talaga noon ay hindi na ako makakakita kay sising-sisi ako. Pero dahil doon, lagi kong ipinapanalangin sa Diyos na sana mabalik na ang paningin ko para makita at mapahalagahan ko na ang mga nilikha niya. Kaya ngayong hindi na ako bulag, pinag-aralan ko ang pagpinta. Para kapag nakarating ako sa isang magandang lugar o nakakita ng isang kaaya-ayang bagay ay maipipinta ko ito. Hindi lang 'yon para sa'kin, para na rin maibahagi ko ito sa iba."

Natigil si Colin sa pagkukwento nang magsalita na ang commentator na magsisimula na ang misa.

Taimtim kaming nakinig at ginawa ang mga ginagawa sa misa.

"Faith o pananampalataya sa tagalog, alam niyo ba ang ibig sabihin nito?" tanong ng pari.

Nagstart na ang homily and from what I can see, mukhang interactive ang pari ngayon.

Pinakinggan ko pa siya dahil mukha namang interesting siyang magsalita. Hindi katulad ng ibang pari na parang kailangan kong lagyan ng tape ang mata ko para manatiling bukas ang mga mata ko.

"Ang galing niyang magsalita, diba?" bulong ni Colin sa'kin.

Tumango lang ako bilang sagot.

"Alam mo, idol ko 'yang si Father Jako. Ang galing niya kasing magsalita. Alam mo ba na noong nakarecover na ako sa pagkabulag ko-" naputol ang sinasabi ni Colin nang sitahin siya ni Tita Carmen.

Father Jako? Hm, his name sounds familiar.

Tinignan ko ng maigi si Father Jako at mas nakinig pa ako sa kanya.

Nineteen Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon