Chapter 21 "Die, bitch"

107 9 1
                                    

“Cheers!” sabay sabay na sabi nila habang hawak-hawak ang kanya-kanya nilang wine glass.

Kasalukuyang nagdiriwang ang lahat ng miyembro ng Margaret Blanch Haters Forever Club. Nagtagumpay ang misyon ko, ‘yan ang dahilan ng party na ‘to. All of us our having a merry celebration because Margaret suffering.

I admit it, I enjoyed the view a while ago.

Paano ba namang hindi ako sasaya? Eh ‘yong mortal kong kaaway naging kaawa-awa na. (I don’t pity her, okay?) Sa sobrang lungkot at sakit na naramdaman niya ay hindi na niya kinayanang magwalk-out. Bumuhos na ang luha niya sa lugar kung nasaan siya.

Para siyang statwa na lumuluha ng dugo. Although her tears aren’t miraculous.

And for me? Well, I was jumping inside because of joy. And I know in time, I’ll be back in the game again. I’ll be the queen of this school, the most evil queen.

But for every good news, there will be always a bad side. I’m stuck with being Bean’s girlfriend.

Makipaghiwalay na kaya ako?

No! Patagalin mo muna.

Yeah, let Margaret suffer more.

‘Yan ang sabi ng inner conscience ko. Tama! Ano pang silbi niya kung hindi ko makikita si Margaret na mas higit pang masaktan?

“Hey.”

Naramdaman kong may humimas sa likod ko.

Lumingon ako at nakita ko siya. Si Jack Bean na mukhang Mr.Bean.

“So, what’s this party all about?” tanong niya habang nililigid ang mata sa buong kwarto

“It’s none of your business.” sagot ko

“Amp.” sabi niya at nagpout siya

Tinakpan ko ang mukha niya gamit ang kamay ko.

“Tigil-tigilan mo nga ‘yan. ‘Di bagay sa’yo.”

“Tss, masungit ka pa rin, cup A minus.”

“And can you stop calling me that?!” sabi ko with irritating look

Ngumiti lang siya ng malapad.

“That’s what I like about you. Keep doing that and I might kiss you.” mapang-asar na sabi niya

Inirapan ko lang siya. Akmang magwowalk-out na ako nang pigilan ako ni Jack.

“Gaano ka pa katagal dito?” tanong niya

“I don’t know. Why?”

“Can I snatch you from them?”

At bago pa man ako makapagreact ay hinila na niya ako palabas nang hindi man napapansin ng iba.

“Where are we going?”

“Some place I know you haven’t went.”

**

“A tree house?” sabi ko habang nakatingala at tinitignan ang tree house sa harap ko

Totoo palang may ganito?

“Mauna ka na.” sabi ni Jack

“Ikaw na, baka bigla mo akong iwan ‘pag nasa itaas na ‘ko.”

“Don’t you trust me?” tanong niya

Should I? Fu- He’s my “boyfriend” nga pala.

Tumango lang ako at nagsimula ng umakyat. Kada step ko ay tumitingin ako sa baba para makita kung nakasunod si Jack.

Nineteen Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon