Tinawagan ko si Emma at agad naman siyang dumating kasama ang kotse ko.
Sinabi ko sa kanya ang lugar na kailangan naming puntahan pagkapasok ko ng kotse. Hindi naman siya nag-aksaya ng oras at agad na kaming nagtungo sa Evan City.
"So, sure na sure ka na ba na makikita mo na si Teal for real?" tanong ni Emma habang nagmamaneho.
"Sana. Sana naman hindi ako niloloko ni Stephen." sagot ko.
"Hay naku! Kapag 'yon niloko ka na naman, babalik ako sa Fornia City at ipapasalvage ko siya." naiinis na sabi ni Emma.
Natawa naman ako.
Naikwento ko na rin kasi kay Emma ang nangyari sa'min ni Stephen kaya ayan, nanggagalaiti rin siya sa galit.
"Pero seriously, ano ba talagang meron kay Teal at ganyan ka ka-in love sa kanya?" tanong ni Emma.
Siguro oras na para malaman ni Emma. Siguro ito na ang panahon para makilala niya si Teal, ang first love ko.
~*~
Isa na akong college student. Pero unlike other students na excited na sa mga aaralin nila sa kanya-kanya nilang degree program, ako hindi. Syempre, sila, sila ang pumili ng degree program na kukuhanin nila, eh ako? Ito, stuck sa business administration na mga magulang ko ang may gusto. Pero kung ako lang ang masusunod, gusto kong magfashion design. Kaya lang, alam ko namang hindi papayagan nila mama 'yon eh. Ako lang kasi ang nag-iisang anak at tagapagmana ng kompanya.
"Ang gwapo naman niya."
"Mmm! Papable."
Nadistract ako sa thoughts ko nang marinig ko ang mga maiingay at malalanding katabi ko.
Tss, naalala ko tuloy na nasa auditorium pala ako. Napipilitang lumahok sa freshman orientation na 'to. Wala eh, compulsary.
Tinignan ko kung sino ang sinasabi nilang gwapo at napag-alaman ko na ang tinutukoy pala nila ay ang lalaking nagsasalita sa may stage.
"Good morning, everybody. Teal Cassidy here, not just a schoolmate but also a companion. Feel free to come to me whenever you have queries or dilemmas. And just like what everyone else tells you, welcome to University of Limeron."
Pagkatapos niyang magsalita ay naghiyawan halos lahat ng babae. Halos lang kasi hindi ako kasama sa fans club nila.
Napairap na lang ako sa pinagkikilos ng mga babae na 'to.
Hay, ganyan na ba ang dalagang Pilipina?
Nagpatuloy lang ako sa pagtitiis na manood ng orientation na 'to hanggang sa marinig ko ang mahiwagang salita na "You are now dismissed." Nang marinig ko ito ay agad-agad akong tumayo at naglakad papalabas ng auditorium.
Pero malapit na akong makalabas ng matulak ako pabalik.
Nakita kong nagbibuild-up ang crowd ng babae sa harap ko kaya ako natulak.
Tss! Bwisit na araw na 'to. Bakit ba naman kasi sila nag-uunahan sa pinto? Alam kong gusto na nilang makaalis sa auditorium pero pare-parehas naman kaming makakalabas eh. Hindi naman magbabara 'yong pinto para hindi kami pare-parehong makalabas.
Pero nagkamali ako, hindi pala nila gustong lumabas.
"Miss, okay ka lang?"
May isang lalaking lumapit sa'kin at inilahad ang kamay niya.
Hindi na ako magtataka na siya ang dahilan ng stampede na ito.
"I'm fine. I don't need your help." sabi ko at tumayo ako nang hindi man lang kinuha ang kamay niya.
BINABASA MO ANG
Nineteen Mr. Right
UmorismoNakita mo na ba ang Mr. Right mo? Pwes, si Regina Hills hindi pa. Pero nagkamali siya. Akala lang niya iyon. Dahil nakita na niya ang taong para sa kanya.