What?
A-Anong sabi niya?
C-Crush niya ako?
Wait. Bakit ako nauutal?
“R-Regina?”
Napansin niya na natulala na ako.
Paano ba namang hindi ako magugulat? Ngayon lang kaya ako nakaranas na magkaroon ng isang taong may crush sa akin.
Hindi ako sanay!
Iniwan ko na lang siya doon at mabilis na tumakbo paalis.
Anong magagawa ko? Eh sa hindi ko kasi alam ang gagawin eh.
**
Science time na. 2nd to the last subject naman ito bago magdismissal. And I’m wishing that this would end now. I want to go home!
Paano ba namang hindi ko gugustuhing umuwi? Eh kanina pa ako kinikilabutan kay Hippo!
Nagkaroon ata siya ng confidence matapos niyang magconfess sa akin kahapon. Buong araw niya akong sinusundan at kinukulit. I can’t take this anymore!
“Okay we will be going to the laboratory. Bring your lab partner.”
Tss. Walang kamatayang lab partner.
Nakita kong papalapit si Hippo.
Oh no, please don’t.
Mag-isip ka ng paraan, Regina! Paganahin mo ‘yang utak mo.
Dumaan sa harap ko si Shaira, siya ang kaklase ko na anak ng empleyado ni dad.
*TING!*
Hinatak ko siya.
“R-Regina!” sabi niya.
“Be my lab partner.” sabi ko
“E-eh k-kasi..”
“Ano? Ayaw mo?”
“Hindi naman sa ganoon. Kaso kasi...”
“Kaso? Bilis-bilisan mo namang magsalita!”
“Aalukin ko na si Margaret eh”
Tsk. Puppet nga pala ‘to ni Margaret.
“Choose, it’s either you will be my partner or I’ll draw your mother down.”
Natakot naman siya at pumayag na sa gusto ko.
Ang galing mo talaga, Regina!
Pinulupot ko ang braso ko sa braso ni Shaira na parang magbest friends kami.
Nang madaanan namin si Hippo ay tinignan ko siya saglit.
“I sooo love being your ‘partner’” parinig ko kay Hippo
Parang nalungkot naman siya.
Hah! I so love seeing sad faces.
I turned to my right.
Parang si Shaira naman ay naglight up.
Inirapan ko siya.
“Can’t you see that I’m lying? Don’t expect anything please.”
Nalungkot na din siya.
Hahaha! That’s priceless.
**
It’s the third time na ang bwisit na driver ko ay late.
Binuksan ko ang phone ko at tinext si mama.
To: Mom
Fire my driver.
Pasalamat nga siya at binigyan ko pa siya ng 3 chances.
Umupo na lang ako sa waiting shed at doon naghintay.
Correction. Ex-driver pala.
Nilabas ko na lang ang favorite book ko.
Ang “Geronimo Stilton”.
Ang cute kaya ng book na ‘to. Hindi boring dahil maraming pictures at iba’t ibang font.
Ang nakakainis lang dito ay sobrang tanga tanga lagi ni Geronimo.
Ganoon ba talaga kapag bida? Tsk!
“Uhm..”
Narinig kong may nagsabi.
Tumingala ako at tinignan kung sino.
Okay, wrong move.
Tumayo agad ako at naglakad palayo.
Bilisan mo, Regina!
“Regina, wait!”
Mas binilisan ko pa ang lakad ko.
Kaya mo yan, Regina!
Biglang may humablot ng braso ko.
Lumingon ako at nakita ang pawis na pawis at hinihingal na Hippo.
Lumunok na lang ako.
“What do you want?”
“Iniiwasan mo ba ako?”
“Ano ba sa tingin mo?” pagtataray ko as usual
“Alam ko naman na ayaw mo sa akin eh. Pero sana sabihin mo na lang ng diretso.”
“Then I’ll do what you want. I don’t like you. Can you leave me now?”
Inemphasize ko talaga ang “I don’t like you”.
Naiiyak na siya pero pilit niyang pinigilan.
Napakaweak naman nito!
“Don’t worry, I’ll grant your wish.”
BINABASA MO ANG
Nineteen Mr. Right
HumorNakita mo na ba ang Mr. Right mo? Pwes, si Regina Hills hindi pa. Pero nagkamali siya. Akala lang niya iyon. Dahil nakita na niya ang taong para sa kanya.