Kabanata 51

2.7K 67 22
                                    

"AK! KL! Wag!" Biglang sigaw ni Raizah sabay balikwas ng bangon. Pero agad ding napahiga at napangiwi sa kirot na nararamdam sa kanang kamay. Saka niya palang napansin ang nakakabit na dextrose doon.

"Raiz? Are you okay?" Puno ng pag alala na mukha ni Derick ang nalingonan ni Raizah sa kaliwang bahagi ng kama niya.

Naguguluhan ang dalaga, parang di pa bumabalik ang diwa niya.

"Asan sila AK at KL?" Tarantang tanong niya na panay ang linga sa palibot ng kwarto. Nagbabasakali siyang nandoon ang dalawang kaibigan at hindi totoo ang panaginip niya.

Napatingin siya sa gawi ni Derick ng walang marinig na salita mula rito.

"Derick? Asan sila?" Tanong niya ulit sa basag na boses dahil nagsisimula ng tumulo ang mga luha niya.

Umiling si Derick.

"Sorry" parang hirap na sabi nito.

"Sorry? Bakit sorry? Sorry saan?" Sunod sunod na tanong ng dalaga na napahagulgol na ng iyak.

"Shhh, please calm down" awat ni Derick lalo na't napansin niyang dumudugo na ang kamay ng dalaga kung saan nakakabit ang dextrose.

"No! How can I calm down? Ni hindi ko alam kung ano na nangyari sa mga kaibigan ko" hysterical na sabi ulit ni Derick. "I will find them, Derick help me! Hahanapin ko sila" dagdag pa ng dalaga.

Naawa si Derick sa nobya kaya naman niyakap niya nalang ito ng mahigpit.

"Please calm down, andoon na sila NJ kasama si tito Rein. Hinahanap na nila sila" sabi ni Derick.

"Derick, hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may masamang mangyari sa kanila. Hinding-hindi" hagulgol padin ng dalaga. Siya namang pasok ng doctor at dalawang nurse. Agad nilang tinurukan ng pangpakalma ang dalaga saka inayos ulit ang natanggal nitong dextrose.

"Thank you" sabi ni Derick sa doctor at nurse ng masigurong maayos na ulit ang dalaga.

Napatingin ang binata sa magandang mukha ng nobya. Mahimbing na ulit ang tulog nito dahil sa itinurok ng doctor kanina. Napabuntong hininga siya saka marahang inalis ang iilang hibla ng buhok na nakatabing sa mukha nito.

"I promise you, hindi kana ulit mawawalan ng importanteng tao sa buhay mo" pabulong niyang sabi saka maingat na hinalikan ang dalaga sa noo bago kinumotan hanggang dibdib.

Samantala sa isang lumang gusali na tambakan ng sirang cargo container. Di matigil tigil ang luha ni KL. Awang - awa siya sa sinapit ng kaibigan. Kagabe, habang nakagapos ito pinagsawaan itong bugbogin ng mga knight crest. Pinagpasalamat nalang niya na hindi ito ginahasa dahil narin sa pagmamakaawa niya.

Ngayon, hinang - hina ang kaibigan habang nakapiring ang mga mata at mahigpit na nakagapos sa isang bakal na silya. Parang naulit rito ang ginawa sa kanya ni Patricia doon sa Romblon.

"KL? Okay ka lang ba?" Tawag ni AK kahit hirap na itong magsalita. Mas lalong napaiyak si KL dahil kahit nag aagaw buhay na ang kaibigan, siya padin ang iniisip nito.

"O-okay lang ako AK" sagot nalang ni KL sa malat na boses dahil sa kakasigaw niya mula pa kahapon ng kunin sila ng mga knight crest.

"Kamusta kaya si Raizah" tanong ulit ni AK.

Napakagat labi na si KL. Bakit ba ganito ang nangyayari? Napakabuti ng kaibigan niya. Di nito iniinda ang sakit ng pasa at sugat sa katawan, mas inuuna pa nitong inaalala silang mga kaibigan kaysa sa sarili.

"AK" nasabi nalang ni KL saka humagulgol ulit ng iyak.

"Shhh, wag kang umiyak KL. Maging matapang ka" sabi ulit ni AK saka ngumiti kahit di niya nakikita ang kaibigan. "Kung mawawala man ako, dapat magpakatatag ka. Alam kong makakaya mong harapin ang lahat ng pagsubok. Kakambal yata kita" dagdag pa nito na nagawa pang magbiro kahit nasa alanganing sitwasyon silang dalawa.

Allea Kixzie: The Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon