Kabanata 49

2.6K 54 16
                                    

Sa mansiyon ng mga Viejj, seryosong nag uusap sila Marco Viejj at ang kanang kamay niyang si Greg sa library na nagsisilbing opisina nito.

"I want you to go in that University, Greg" panimula ni Marco.

Habang wala namang nababakas na anumang emosyon sa mukha ng binata na seryoso ding nakatingin sa kanya. Hanggang ngayon di niya padin maintindihan kung bakit gusto siyang papasukin ng amo sa eskwelahang itinuturing nitong karibal.

Iisa lang ang naisip niyang reason.
"I want you to get her back" seryoso ulit na sabi ni Marco. "I know you can do it Greg." Dagdag pa ni Marco na ngayon ay nakakangisi na habang nakatingin sa letrato ni KL.

Lihim na napatiim si Greg, hindi niya akalaing gagamitin din ng amo sa pansariling intensiyon ang anak.

"Magagawa mo ba?" Biglang sumeryoso ulit ang mukha na sabi ni Marco dahil nakita niya na parang nag aalangan ang mukha ng binata.

Marahan namang tumango si Greg kahit alam niya sa sarilibg tutol siya sa gustong gawin ni kaharap.

"Kahit utang ko sayo buhay ko, hinding hindi ko hahayaang mapahamak ang babaeng mahal ko" nasabi niya sa isip.

"Good! Pero itong tatandaan mo, ayaw na ayaw kong tinatrayidor ako" sabi ulit ni Marco na parang nababasa kung ano ang iniisip ng binata.

Marahang tango ulit ang sinagot ni Greg sabay kuyom ng mga kamay. At pagkatapos tumayo na para umalis pagkatapos kumumpas ni Marco na parang itinataboy na siya. Napatiim bagang ulit siya ng tuluyang makalabas sa library at marahang sinara ang pinto. Kuyom ang mga kamay na mabilis siyang naglakad sa hallway patungong hagdan para bumababa. Nasa ikalawang palapag kasi ang kinaroroonan bg library ng mansiyon.

"Well, anong pinag usapan niyo ng magaling kong ama?" Nakataas ang kilay na tanong ni Patricia na halatang nakaabang talaga sa kanya.

Napaismid ang binata.
"Wag mo na akong tanungin, alam kung narinig mo na kung ano ang pinagusapan namin" walang kangiti ngiting sabi nito sa dalaga.

"Fine! Ang tanong, magagawa mo kaya?" Patuyang sabi ni Patricia.

"Magawa ko man o hindi, wala kana dun" gigil na sabi ni Greg saka mabilis ng iniwan ang dalaga.

"You can't Greg, I know you can't" pahabol pa ni Patricia sa pababang binata.

"Yes I really can't do it, because I love her" sagot ng binata sa isip. Pumayag siya sa gusto ni Marco Viejj dahil sa dalawang dahilan. Una malaki ang utang na loob niya sa matanda. At pangalawa, yun ang pinakamadaling paraan para maprotektahan niya si KL laban sa binabalak ng ama nito.

Saktong pagbaba niya ng hagdan, siya namang labas ng mag inang Scarlette at Mommy nito. Tiningnan ni Greg ang dalaga na habang buhay ng ikukulong sa wheelchair dahil napuruhan ito sa huling laban dahilan para mafractured ang dalawang tuhod nito. Napa smirk si Greg dahil kahit ganun na ang sitwasyong ng dalaga, di padin ito nagbabago ng ugali. Maldita padin ito. Tulad ngayon, nakataas kilay ang dalaga habang nakatingin sa kanya. Di na kailangan tingnan ng binata ang ina nito dahil alam niyang tulad ng anak ganun din ito.

"Tss" nasabi nalang ng binata saka parang walang nakita na nagpatuloy sa pag lakad.

"Hey!" Rinig niyang sigaw ni Scarlette pero di na niya ito pinansin. Maraming bagay siyang aayusin, di dapat maabala ng mga walang kwentang tao.

"Walang modo!" Pahabol din na sigaw ng ina nito. Napailing nalang si Greg saka sumakay sa bigbike niya. Kailangan niyang pumunta ng NCJ-U para alamin ang schedule ni KL. At para masimulan na ang pinaplano niya.

Samantala sa dorm, maaga palang nakasimangot na ang dalawa AK at Raizah dahil nagpupumilit si KL na pumasok sa school kahit pa halatang nahihirapan pa itong kumilos dagdagan pa ang bakas ng maliliit na sugat sa kanyang mukha at braso.

Allea Kixzie: The Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon