Mabilis na nakabalik sila Raydan at Derrick sa hospital. Samantalang nauna na si KL dahil siya ang sumama sa ambulansya. Di parin matigil ang iyak ng dalaga, masyado siyang nag aalala para sa kalagayan ng binata.
"Lord, malamang galit po kayo sa akin dahil masahol pa sa demonyo ang ama ko. Pero please po nakikiusap ako sayo, iligtas niyo si NJ" dasal niya sa isip habang nakatingin sa pinto ng emergency room. Napahagulgol ulit ng iyak ang dalaga. "Lord lahat po gagawin ko, iligtas mo lang po siya. Kung kinakailangang tuluyan ko na siyang layuan at kalimutan, gagawin ko. Mabuhay lang siya" dagdag pa niya saka napasubsob sa dalawang palad. Saka namang paglapit nila Raydan at Derick. Napapailing ang binata saka tumingin sa pinto nang emergency room.
"Let's just hope and pray that my cousin will survive" malungkot na sambit ni Raydan sabay hawak sa balikat ng dalaga at pagkatapos binalingan niya si Derick.
"Tol, ikaw na ang bahalang tumawag kila Tito Jeadan para malaman nila ang nangyari" sabi niya sa kaibigan. Marahan namang tumango si Derick na bakas din ang matinding lungkot at pag alala sa mukha.
"Puntahan ko muna room ni Tito Rein para sabihan narin sila TJ at Cid" paalam ni Derick.
Tumango naman si Raydan at hindi na nagsalita pa. Saka tahimik na umupo sa tabi ni KL at pipi ding nagdadasal na sana makaligtas ang pinsan.
Ilang minutong lumipas tahimik lang ang dalawang nakaupo sa harap ng emergency room habang hinihintay na lumabas ang Doctor. Pero hindi na kayang tagalan pa ni KL ang kabang nararamdaman kaya naman tumayo siya. Napaangat naman ng ulo si Raydan saka tiningala ang dalaga.
"Alis muna ako" tipid na sabi ni KL at hindi manlang tinapunan ng tingin ang binata.
"Nasa room 012 sila, 2nd floor" sabi naman ng binata na inakalang pupuntahan ng dalaga ang dalawang kaibigan. Tumango lang si KL saka mabilis na humakbang papalayo. Tuloy-tuloy siyang lumabas ng hospital. Wala pa siyang balak magpakita ngayon sa mga kaibigan. O mas tamang sabihin na wala siyang mukhang ihaharap sa mga ito lalong lalo na kay AK dahil sa nangyaring laban nila sa arena. Tuloy-tuloy lang siya hanggang makalabas sa hospital. Pero napatigil siya bigla ng mag matigas na kamay ang pumigil sa kanang braso niya at hinatak siya pabalik.
"Ano-" gulat niyang bulalas ngunit di na natuloy dahil si Raydan ang may hawak sa kanya. Sinundan pala siya ng binata.
"Bakit ka aalis?" tanong nito habang salubong ang kilay. Patuloy lang ito sa paghatak sa dalaga.
"H-hindi naman ako aalis Raydan" mahinang sambit niya. Iniliko siya ng binata papuntang garden ng hospital saka iniupo sa isang bench na nandoon. Matiim niyang tinitigan ang dalaga na ngayon ay nakayuko na.
"Alam mo bang halos mabaliw na ang pinsan ko kakahanap sayo? At ngayon nga nasa panganib ang buhay niya dahil sumugod siya doon para iligtas ka?" may halong hinanakit sa boses ng binata habang sinasabi iyon. Mas lalong nanliit ang pakiramdam ni KL wala siyang maapuhap na salitang sasabihin. Kaya napasobsob nalang siya sa dalawang palad at umiyak. Si Raydan naman napabuntong hininga nalang saka umupo sa tabi ng dalaga sabay tapik sa balikat nito. "I'm sorry" mahina niyang sabi.
Umiling-iling si KL saka tiningala ang binata. Wala na siyang pakialam kung hilam man sa luha ang kanyang pisnge.
"Kasalan ko kung bakit nangyari sa kanya iyon. Kasalan ko rin kung bakit andito rin si AK. Kasalanan ko lahat Raydan" sabi niya sa gitna ng mga hikbi. "Kung bakit kasi sa akin pa nangyari ang lahat ng ito? Bakit ako pa?" dagdag pa ng dalaga na halos hirap ng magsalita sa sobrang pag-iyak. Walang namang magawa si Raydan kundi ang haplosin nalang ang likod ng dalaga. Ilang minuto niya din hinayaan itong tahimik na umiyak saka siya nagsalita ulit.
BINABASA MO ANG
Allea Kixzie: The Gangster Princess
ActionNCJ University Book 2 Writerkuno Allea Kixzie THE GANGSTER PRINCESS Simple lang ang pangarap niya sa buhay. Ang mapagtapos ng pag aaral at alagaan ang mga taong nag aruga sa kanya mula pagkabata. Pero nabago lahat ng iyon ng mangyari ang isang trahe...