Kabanata 39

7.1K 114 21
                                    

Ito na ang UD.. Para ito sa inyong lahat.. 

*****************************************************************************

 

Maaga palang nasa venue na ng gaganaping Unilympics ang tatlong dalaga kasama ang limang binata. Kailangan nilang pumunta ng maaga doon dahil ngayong taon, sila ang encharge sa katahimikan at kaligtasan ng mga estudyanteng kalahok.

7:00am ng magsimula ang grand opening. At dahil ang VIEJJ-U ang nag champion ng nakaraang taon, sila ang magdadala ng torch at magsisindi upang hudyat na magsisimula na ang paligsahan.

“Ready na ba kayo?” tanong ni Derick sa tatlong dalaga. Nakangiti namang tumango ang mga ito.

“So! Let’s go” aya naman ni Raydan saka inakay sa braso si AK.

“Alagaan mong mabuti yan ah!” pahabol ni TJ na dahilan para mabatokan ni NJ. “Why?” takang tanong niya pero pinandilatan lang siya nito ng mga mata. Nagkakamot ng batok nalang na sumunod ang binata sa mga kaibigan. “Anong mali sa sinabi ko?” tanong pa niya sa sarili.

“Walang mali sa sinabi mo, siguro may naalala lang si NJ kaya ka binatukan” pabulong na sabi ni Cid na parang nababasa ang nasa isip ng binata, habang naglalaro ang mapanuksong ngiti sa labi.

“Huh?” mas lalo lang naguluhang tanong ni TJ.

“Nevermind” naiiling na sabi ng binata saka nauna ng naglakad para mahabol ang mga kaibigan.

Nagsimula na ang parade na pinangungunahan ng naghihiyawang studyante ng VIEJJ-U tahimik lang na nakasunod sila NJ kasama ang iba bang athlete ng NCJ-U seryoso ang mga mukha na parang pinapakiramdaman ang sarili. Kasunod naman nila ang university kung saan nag aaral sila Alexa at Trixie na halos di na inaalis ang tingin sa likod ni NJ. Kahit di niya nakikita ang mukha ng binata kuntento na siya doon. Masaya na siyang nakikitang ligtas ito at masaya.

“Trix” tawag pansin ni Alexa sa dalaga.

“Hmm?” sagot naman nito pero di parin inaalis ang tingin kay NJ.

“Alam mo bang kunting-kunti nalang mabubutas na yang likod ni NJ” pabulong na sabi ulit ni Alexa saka sinabayan ng mahinang hagikhik. Napasinghap naman si Trixie saka mabilis na inalis ang pagkakatingin kay NJ.

“H-hindi naman ako nakatingin sa kanya” tanggi niya pagkatapos sulyapan ulit ang binata.

“Hindi talaga ha?” patuloy na panunukso ni Alexa.

“Bakit di ka nalang magpakita kay NJ Trix” biglang singit ni Hans. Nanlaki naman ang mga mata na napatingin si Trixie sa kapatid.

“Di ko na kailangang gawin yun” mariin na tanggi ng dalaga saka sinabayan pa ng matigas na iling.

“O siya hindi na, wag ka lang umiling ng ganyan baka mabali pa ang leeg mo e” natatawang sabi naman ni Frans na bagama’t bumalik na ang lakas, mababakas padin sa mukha at katawan nito ang mga pasang natamo mula sa mga kamay ng tauhan nila Marco at Sebastian Viejj.

Allea Kixzie: The Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon