Bandang alas diyes nang makarating sila sa pantalan kung saan dumaong ang barko na magdadala sa kanila sa Romblon.
"Ready?" tanong ni Raydan kay AK habang inalalayan itong bumaba mula sa van.
"Ready saan?" takang tanong ng dalaga dahil di niya matukoy kung ano ang ibig sabihin ng binata.
"To marry me!" nagkakamot sa batok na sagot naman ng binata.
Natawa si AK saka mahinang hinampas si Raydan sa braso.
"Ikaw talaga ang dami mong kalukohan!" gigil niyang sabi pero natatawa.
"Aisyt! Tara na nga!" nasabi nalang ng binata baka mapikon pa ang dalaga sa kanya mahirap na.
Hinawakan niya nalang ang kamay ng dalaga saka hinatak na papasok ng pantalan.
Kasunod nila sila Derick at Raizah na magkahawak kamay parin. Simula kasi ng sumakay sila ng van di na binitawan ng binata ang kamay niya.
"Bilisan mo taba!" sabi ni NJ kay KL dahil sila ang pinakahuling lumabas ng van. Medyo nakakalayo na ang mga kaibigan mula sa kanila.
"Ayan na! Teka lang naman!" nakasimangot na sagot ni KL.
"Tss! Taba mo kasi" sabi ulit ni NJ.
"Di naman ah!" depensa ni KL ng tuluyang makababa ng sasakyan.
"Anong hindi!" giit ni NJ. Ang totoo niyan hindi naman talaga mataba ang dalaga, gusto lang siyang asarin ng binata. Aliw na aliw kasi ito kapag namumula ang mukha ng dalaga sa inis.
"Ang sama mo! Diyan kana nga!" sumimangot bigla na sabi ni KL saka mabilis ng iniwan ito.
"Aiyst!" nasabi nalang ng binata saka mabilis na hinabol si KL na tumakbo na para habulin ang mga kaibigan.
Pagka akyat ng dalaga sa barko, sinalubong siya ng dalawa Raizah at AK na nagtataka.
"Himala, nabitawan ka yata ni NJ ngayon!" palatak ni AK sabay tawa ng mahina. Nakitawa din si Raizah rito.
"Sige lang, pagtawanan niyo ako!" mas lalo lang sumama ang mukha ng dalaga saka mabilis ng tumalikod.
BINABASA MO ANG
Allea Kixzie: The Gangster Princess
ActionNCJ University Book 2 Writerkuno Allea Kixzie THE GANGSTER PRINCESS Simple lang ang pangarap niya sa buhay. Ang mapagtapos ng pag aaral at alagaan ang mga taong nag aruga sa kanya mula pagkabata. Pero nabago lahat ng iyon ng mangyari ang isang trahe...