Hindi to update hehehe.
Gusto ko lang muna sabihin bago ko tapusin ang story na to 😊😊😊
Dear Readers
Thank you sa inyong lahat! Lahat ng matiyagang nagbasa ng AKTGP mula sa simula kahit 3 years pa siyang na hold pero nandiyan parin kayo. 😊 Salamat sa suporta, nakisama sa kabaliwan ko at nagmahal sa story ba to. Maraming bagay ang nangyari, na hack ang account ko at denilete and mga stories pero nagawa padin nating matuloy ito. Kahit medyo nakakapanghinayang ung almost 1m reads dati, but its okay 😊. Kahit medyo nakakastress ang pagiging trying hard ko sa pag english at wrong grammars hahaha andyan padin kayo. Paulit ulit ko pading binabasa ang mga old comments bago pa madeleted kasi nakakainspired talaga. 😁SUPER THANK YOU sa mga VOTES and COMMENTS specially yung mga hindi talaga bumitaw mula umpisa hanggang wakas. I love you all alam niyo na kung sino kayo. 😘
At sa mga SILENT READERS THANK YOU din sana mag comment at vote din kayo 😊.
Lastly, salamat sa mga taong nagpahiram ng pangalan nila para gamitin ko dito. ☺☺☺
My baby Alexa, Esther at syempre sa ever loyal Empress Rhadz na hindi nabigyan ng justice ang love life hahahah 😂.At syempre kay Patricia na kahit kontrabida ka noong una, pinabait ko naman sa huli diba? 😆😆😆
At sa Marco my Labz di kita na torture tulad ng sabi ko. Wala e, labz kita eh hahahhaa.
Oh siya tama na masyado ng mahaba ang speech ko. Next update finale na :) still thinking kung lagyan ko ng book 3 wala pa kasi akong maisip na plot e. Siguro tapusin ko muna ung ibang story na hindi ko madugtungan hahaha. Sana support niyo din.
ACES The Quadruplets Gangsters
Kwento ng magkakambal na sila Alexandra, Chrisna Mae, Emerald, Shanra Flynn. Ang Flynn sisters na nagpanggap na mga lalaki dahil sa isang bagay na ayaw nilang sundin. Samahan natin ang adventure nila para maayos ang mga maling akala at malinawan ang mga puso nila. Matatagpuan kaya nila ang bibihag sa mga batong puso nila? O baka tuluyang mamayani ang salitang War or Love? 😊
HER LEGEND: Dark Secret Revealed
Kwento ng isang babaeng tinakasan ang nakaraan. Ginawa niyang miserable ang buhay dahil naniniwala siyang iyon ang paraan para pagbayaran ang ano mang maling nagawa.
Siya si Shiela Mae Sanchez taglay ang maamong mukha na iiisipin mong di kayang gumawa ng masama. Pero sa kabila nito, nakataho ang isang maitim na sekreto.
Pero paano kung may biglang dumating at baguhin ang desisyon niya?
Paano kung dumating ang araw na ang bagay na tinatakasan sa nakaraan siya mismong kusang lalapit sa kanya?
Mapoprotektahan niya na kaya ang mga taong natutunan niya ng pahalagahan?
Oh tulad ng mga mahal sa buhay niyang nawala lang sa isang iglap ng dahil sa kanya?
MACADEMIA: The Lost World
Kwento ng apat na ordinaryong kababaihan na biglang nagkaroon ng kapangyarihan dahil sila ang pinili ng espiritu ng mga mahiwagang elemento.
Sila Denace, Eirene, Jamiya at Zoey. May kanya-kanyang kwento ng buhay na nagmula sa iba't ibang panig ng mundo ang pagtatagpuin ng tadhana para sa isang misyon na kahit sa mga sarili nila mahirap tanggapin lalo na ang iligtas ang mundong hindi nila inaakalang nag eexist pala.
Makakaya kaya nilang buhayin muli ang mundong matagal ng naglaho?
Matatalo kaya nila ang hari ng kadiliman na sinasabing pinakamakapangyarihan sa lahat?
Makakaya kaya nilang talikuran ang masaya at payapang buhay na tinatamasa para lang sa iniisip nilang kabaliwan at kalokohang misyon?
O tulad ng mga naunang pinili ng elemento, mabibigo lang sila at tuluyang maglaho ang nawawalang mundo kasama pati ang mundo nila.
Ayan hehehehe ibigay ko lahat ng best para sa mga new stories habang nagiisip ng book 3 sa aktgp .. 😊
Once again THANK YOU VERY MUCH...
Love Lots
Writerkuno 😊
BINABASA MO ANG
Allea Kixzie: The Gangster Princess
ActionNCJ University Book 2 Writerkuno Allea Kixzie THE GANGSTER PRINCESS Simple lang ang pangarap niya sa buhay. Ang mapagtapos ng pag aaral at alagaan ang mga taong nag aruga sa kanya mula pagkabata. Pero nabago lahat ng iyon ng mangyari ang isang trahe...