Kabanata 41

5.2K 105 27
                                    

Ehem.. ehem.. ito na UD.. Hmm ano kaya ang masasabi ng dalawang characters na involve rito? Inaasahan ko ang  reaction's nila, kung sakali mang.. nagbabasa pa sila ng storyang toh.. hihi

O siya, ito na ang UD.. para kay Esther at Raizah.. alam niyo na kung sino kayo.. hahaha.. Mwuahh.

Pagpasensyahan niyo na si writerkuno, nababaliw na naman...

Toinks.. ito na talaga ang UD.. enjoy!

************************************************************************************************************

Tatlong araw ang matulin na lumipas, at tuluyan na ngang gumaling si AK, kahit may mga kunting galos at pasa pa siya sa mukha, di na pinansin iyon ng dalaga. Nakalabas na siya ng hospital, at ngayon nandito siya sa venue ng Unilympics dahil championship daw ng soccer. Iwan niya kung bakit excited na nag-aya si Cid na manood. Si Hans naman, hanggang ngayon di niya pa alam kung ano na ang nangyari dahil dinala ito pabalik ng Maynila, noong nakaraang araw dahil kulang sa mga gamit ang hospital dito sa Romblon.

“Tol Cid! Asan ba diyan ang chicks mo?” tanong ni TJ.

“Wala” tipid naman na sagot ni Cid habang nasa mga NCJ-U soccer team lang nakatingin.

“Lahat naman sila, magaganda Cid. Pumili ka nalang ng isa” pagbibiro naman ni Derick.

“Aisyt’ tigilan niyo nga ako” inis na sabi ni Cid dahil hindi siya sanay na tinutukso ng mga kaibigan. Madalas lang kasi siyang tahimik at seryoso. Minsan lang kung magsalita, kapag importanteng bagay lang.

“It’s time to change your attitude Cid” sabi naman ni NJ na katabi lang nito sabay tapik sa balikat ng binata.

Napabuga naman ng hangin si Cid saka di na nagsalita ulit.

Natahimik muna sila saglit ng magsalita ang nagoorganized ng event para ipakilala ang team na maglalaban.

“VIEJJ-U pala ang kalaban nila” sabi ni Raydan pagkatapos ng pagpakilala at ngayon, isa-isa ng pumasok ang mga players ng bawat teams sa soccer field.

“Expect mo na yan tol! Kahit noon pa man, laging sila ang naglalaban sa Championship” sabi naman ni Derick. Si Cid seryoso lang na nakatingin sa gitna ng soccer field.

“Mukhang seryoso ang isa diyan, wag kayong maingay” sabi naman ni Derick na kay Cid nakatingin. Sila AK, KL at Raizah naman, tahimik lang din. Wala naman kasi silang alam sa mga pinagsasabi ng limang binata.

“Wag niyo nang istorbohin” biro naman ni Raydan.

“Tigilan niyo ako, masama bang manood ng soccer?” sabi ni Cid.

Allea Kixzie: The Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon