Chapter 58

2.9K 70 67
                                    

Napabalikwas ng bangon si KL ng mapagtantong nasa isang malaking kwarto na siya. Nilibot niya ang paningin, pilit inaalala kong ito nga ba ang kwarto niya doon sa pinagdalhan sa kanya ni Marco Viejj pero di niya maalala. Nawala ang agam-agam niya ng biglang pumasok si Nicole sa kwarto na sobrang seryoso ang mukha. Napatayo ng tuwid ang dalaga dahil sa kaba.

"M-ma'am" nauutal niyang sabi. "S-sorry" dagdag niya sabay yoko. Hiyang – hiya siya sa babae dahil sa nangyari kay NJ. Oo nga pala si NJ kamusta na kaya ito naisip niya kaya nag angat siya ng ulo, pero napayuko ulit dahil hindi niya kayang tagalan ang seryosong tingin ng kaharap. Napabuntong-hininga naman si Nicole alam niyang natatakot ang dalaga sa kanya. Kaya naman hinawakan niya sa kamay ang dalaga saka inakay paupo sa kama nito.

"NJ is already okay" malumanay na sabi ni Nicole. Napaangat naman ng tingin si KL na parang maiiyak.

"Sorry Ma'am, kung di dahil sa akin, di—" sabi ni KL pero pinutol siya ni Nicole.

"Wag mong sisihin ang sarili mo Iha, wala kang kasalanan" sabi ni Nicole. "Hindi mo kasalanan na demonyo ang ama mo" dagdag pa nito.

Tuluyan ng napahagulgol na muli ng iyak si KL. Naalala niya pa ang tagpo sa hospital, kung paanong yakapin ni Trixie si NJ.

Napangiti naman si Nicole ng mapansing natigilan ang dalaga.

"Do you love NJ?" seryosong tanong ni Nicole sa dalaga.

Mahinang tango ang sinagot ni KL.

"How much you love him?" tanong ulit ni Nicole.

"Sobra ma'am, kung kinakailangang layuan ko siya para lang masiguradong ligtas siya gagawin ko. Ganun ko siya kamahal" sagot naman ng dalaga na patuloy sa pag-iyak.

"Bakit mo siya lalayuan kong mahal mo siya?" tanong ulit ni Nicole.

"A-ayaw ko na siyang mapahamak ulit ng dahil sa akin" mahinang sabi ng dalaga.

Napangiti si Nicole. Sapat na ang narinig niya mula rito para mapatunayang mahal nga nito ang anak.

"Hindi solusyon ang layuan si NJ, Iha. Kung talagang mahal mo siya, ipaglaban mo" sabi ni Nicole.

"P-pero—" tanong ni KL pero pinutol na siya ni Nicole.

"Pero ayaw mo siyang mapahamak at masaktan?" sabi ni Nicole. "Wag mong pangunahan si NJ, alam mo kung ano siya. Mahal ka ng anak ko Iha, at alam kong mas masasaktan siya pag nalaman niyang iniwan mo siya" dagdag pa nito.

Napayuko ulit si KL.

"I-iyon lang kasi ang paraang alam ko" mahinang sabi niya.

"No you are wrong Iha" sagot ni Nicole. "Leave it to us" dagdag pa nito saka tumayo na.

"Magpahinga ka muna Iha. Tomorrow we have lot of things to do" makahulugang sabi nito saka tinapik sa balikat ang dalaga bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Naiwan naman si KL na napapaisip sa huling sinabi ni Nicole. Napabuntong-hininga nalang siya saka inayos ulit ang sarili pahiga ng kama at pinilit na matulog.

Samantala, pagkaalis ni Nicole sa kwartong kinaroroonan ni KL tumuloy siya sa underground kong saan nag aantay ang apat pa niyang kaibigan.

"Nics" bati ni Raya pagkapasok niya.

"Kamusta siya?" tanong naman ni Kaithleen.

Ngumiti si Nicole.

"Tingin ko hindi natin siya magiging problema, but we still need to go to our plan" sagot nito saka tumingin kay Irene. "Ren?" tawag niya.

"Naka ready na Nics" sagot naman agad ni Irene.

"Thanks Ren" nakangiti namang sabi ni Nicole.

"Nics? Are you sure about this?" tanong naman ni Yuri.

"Yes Yur. We already know that he plan to use the girl against us all. Kaya kailangan na natin siyang unahan" sagot ni Nicole.

"Did the empress know about this Nics?" tanong naman ni Raya.

Tumango si Nicole.

"Yes and she already know what to do" sabi nito.

"Okay let's start tomorrow then" nasabi nalang ni Raya.

Nagkangitian nalang sila pagkatapos.

Sa kabilang daku sa mansion ni Sebastian Viejj, galit na galit na naman ito dahil sa muli ay bigo na naman itong matuntun ang Hasyenda Ahn Nhg.

"Bakit ba kasi gustong-gusto mong makita ang hasyendang iyon uncle?" na iinis ng tanong ni Marco kasi kahit siya naguguluhan nadin sa tiyuhin kung bakit pilit nitong hinahanap ang lugar na iyon.

"Di mo alam kong ano ang meron sa hasyendang iyon Marco, kaya manahimik ka lang" galit na asik nito sa pamangkin.

Napaismid naman si Marco saka tumayo nalang sa pagkakaupo sa sofa at akma ng aalis.

"Saan ka pupunta Marco?" galit na tanong ni Sebastian.

"I'm going home" sagot naman nito.

"Ano na ang nangyayari sa plano natin?" tanong ulit ni Sebastian.

Napatiim-bagang si Marco. Dahil mukhang masisira ang plano niya dahilan ng pagtakas ni KL at hanggang ngayon di niya malaman kong saan na ang dalaga.

"Well?" tanong ulit ni Sebastian.

"Don't worry Uncle, tayo parin ang magtatagumpay" nasabi nalang ni Marco. Wala pa siyang panahon para makipag discussion sa tiyuhin sa ngayon. Madami pa siyang gustong gawin, una na doon ang Arena. Dahil natalo niya ang King sa laban nila, dapat lang na siya na ang magiging bagong King.

"Siguraduhin mo lang na hindi ka papalpak" asik ni Sebastian sabay kumpas na parang tinataboy na ang lalake.

Napaismid naman si Marco saka walang salita na tumalikod at tuluyang umalis.

"Kailangang ako ang magiging bagong hari sa Arena, para mawalan na ng position ang Wannabe Prince pati na ang mga magulang nila" sabi niya sa isip. "Sa ganun, wala ng hahadlang sa mga plano ko" dagdag niya pa.

"Arena" sabi niya pagkatapos sumakay ng sasakyan. Agad namang pinaharorot ng knight crest na nagmamaneho ang kotse niya para pumunta ng arena. Lingid sa kaalaman ni Marco na ang driver na iyon ang tauhan ng Empress. Alam nilang may pinaplano na ang lalake kaya uunahan na nila.

Palihim na pinindot ng driver ang isang maliit na device sa jacket nito para malaman ng Empress kung saan na siya.

"Emp, papunta na siya sa Arena" sabi ni Alexa ng marecieve ang signal ng sasakyan ni Marco Viejj.

Napaismid si Rhadz alam na niya kung ano ang pakay ng lalake sa Arena. Kaya naman nagawan na agad nila ng paraan iyon.

"Okay, tingnan nalang natin kung ano ang gagawin ni Marco Viejj pagdating niya doon" sabi niya saka ngumiti. Kinuha niya ang cellphone para tawagan si Nicole at ipaalam dito ang pagpunta ni Marco sa Arena.


"Yes Silent papunta na siya doon" sabi niya ng sagutin ni Nicole ang tawag.

Napangiti naman si Nicole.

"Okay thanks Emp. Alam na namin ang gagawin" sagot naman nito sa kabilang linya.

Nagpalitan pa sila ng ilang salita bago kanya-kanya ng nagpaalam.

"Alex, ready mo ang sasakyan pupunta tayo ng Arena" utos ni Rhadz sa dalaga na agad din namang tumalima.

"Humanda ka Marco, panahon na para pagbayaran mo lahat ng atraso mo sa pamilya ko at sa lahat ng mga taong nasagasaan mo" gigil na sabi ni Rhadz sa isip.

Allea Kixzie: The Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon