Kabanata 60

1.4K 41 20
                                    


Hi! Salamat sa mainit na pag welcome sa akin :).. Hindi ako makareply sa mga comments niyo kasi sobrang hina ng net dito sa lugar namin kaya dito ko nalang sasabihin.

To Empress "Rhadz Jamoyot" hahaha Don't worry Emp, magkakalove life ka dito sa story bago matapos ito. :D

Salamat kay Rhentaps, dhaidhai14, charl03, kirlyne21, user77716970, QuinPia, nhenerose10, loreliebaguna, Kimsoeun22, DivineBayabosMalit at Miyahome. :) Di ko kayo mareplyan kaya mention ko nalang kayo lahat dito. ^_^

Maraming salamat sa matyagang pag aantay. Promise pipilitin kung makapag update agad para di na kayo maiinip hahaha.

O siya tama ng daldal. Ito na ang Kabanata 60, sana magustuhan niyo. Medyo nangangapa pa ulit ako sa plot. Pagpasensyahan niyo na hahaha.

Again Thank you ng maraming marami. ^_^ ^_^ ^_^ <3

_______________________________________________________________________________

Sa mansiyon ng mga Viejj nag uumapaw ang galit ng Mafia Lord dahil sa hindi natupad ang gusto niyang mangyari dahil lang sa isang singsing. Napurnada ang lahat ng plano niya dahil lang sa isang bagay na iyon.

"Hindi ako papayag na mababaliwala lang lahat ng pinaghandaan ko" galit na galit niyang sigaw sabay tapon ng hawak na kopita, nabasag iyon ng tumama sa pader ng living room ng mansiyon.

"Calm down Marco" pag –aalo ng mommy ni Scarlette dito. Isang matalim na tingin naman ang sinagot ni Marco sa kanya saka naglagay ulit ng alak sa bagong kopita at agad na tinungga iyon.

"They will pay for this! They want war? I'll give it to them" nangangalit ang ugat sa leeg na sabi ulit ng lalaki. Matagal na panahon na niyang pinaghahandaan na mangyari ang araw na ito. At iyon nga napurnada pa dahil lang sa isang walang kwentang singsing. Kung bakit kasi nauso pa ang rules of Golden Ring sa gangster arena. Kahit gaano siya ka sigurado sa sarili na makukuha ang pwesto ng King alam niyang wala ding silbi iyon dahil sa singsing. Napatiim-bagang ulit ang lalaki saka naglagay muli ng alak sa kopita at ininom.

Nakatingin lang si Patricia na nasa hagdan. Pababa na sana siya ng marinig ang pag dating ng ama at iyon nga agad itong nagwala. Napa ismid ang dalaga saka pinasyang wag nalang tumuloy sa pagbaba. Saktong nakapasok ang dalaga sa kwarto nito ng dumating si Karl Lester kasama ang anak nito.

Nakangisi ito habang tinitingnan ang nagpupuyos sa galit na kapatid.

"Mukhang di mo parin nakukuha ang gusto mo big bro" pang aasar nito.

Bigla namang napatingin si Marco sa kanya at mas lalong nanlilisik ang mga mata sa galit.

"Kung pumunta ka lang dito para insultuhin ako, umalis ka nalang bago kita ipapatay sa mga tauhan ko." Gigil niyang sabi.

Natatawang itinaas ni Karl Lester ang dalawang kamay na parang susuko.

"Relax big bro, di ko intensiyong galitin ka lalo" nakangisi nitong sabi. "Sa katunayan, we are here to help you" dagdag pa nito.

Napakuyom naman ng dalawang kamay si Jester mukhang idadamay pa siya ng ama sa mga kasamaang binabalak ng mga ito.

Napataas ng dalawang kilay si Marco Viejj dahil hindi siya naniniwala na tutulungan siya ng kaharap.

"Really?" patuya nitong sabi. "Anong tulong naman ang pwedeng mong ibigay?" dagdag pa ng Mafia King. Kahit kalian hindi siya maniniwala na tutulungan siya ng kaharap dahil unang una hindi niya ito kalianman kinilalang kapatid. At ayaw na ayaw niyang sa anak nito mapupunta ang lahat ng pinaghirapan ng ama niya dahil ni isa wala siyang anak na lalaki.

Allea Kixzie: The Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon