“Kamusta na ang pakiramdam mo?” tanong agad ni Raydan ng makitang nagising na ang dalaga. Kahapon, para siyang mamatay-matay sa sobrang pag-alala dahil buong akala niya, kung napaano na ito.
Napatingin si AK sa binata, pinilit niyang ngumiti kahit na hirap parin siya. Masyado siyang napuruhan kahapon sa ginawang pambubugbog ng mga knight crest.
“Okay na ako” sagot niya sa mahinang boses. Ginagap naman agad ni Raydan ang mga kamay ng dalaga gamit ng dalawang kamay, saka ito dinala sa mga labi. Di niya mapigilang mapaluha.
Natawa naman ng mahina si AK.
“Bakit?” takang tanong niya rito. Iling lang ang sagot ng binata na patuloy parin sa pagdaloy ang mga luha. Nagiging bakla na yata siya sa harapan ng dalaga.
“Masaya lang ako, na ligtas kana” sagot niya habang hawak padin ang mga kamay ni AK. Marahang pinisil naman iyon ng dalaga para iparating dito, na okay na siya.
*Flashback kahapon*
Mahigit tatlong oras na yata silang nakabantay sa labas ng emergency room. Labis – labis na pag-alala na ang nararamdaman nilang lahat.
“Tol, tatawagan ba natin si Tito Rein?” tanong ni Raydan kay NJ. Agad namang umiling ang binata, hangga’t maaari ayaw niya munang ipaalam sa tiyuhin ang nangyari kay AK dahil ayaw niyang mag-alala ito para sa dalaga.
“Sino kaya ang may gawa nito?” tanong naman ni Derick na hanggang ngayon, yakap padin si Raizah na wala tigil sa pag-iyak. “I mean, alam kong knight crest ang may kagagawan, ang ibig kung sabihin, kung sino ang nag-utos sa kanilang gawin ito” sabi ulit ng binata.
Sabay-sabay naman silang napabuga ng hangin dahil kahit sila, naguguluhan din.
“Di kaya, alam na ni Marco Viejj ang tungkol kay Kixzie tol?” singit naman ni Cid sa usapan. Mabilis namang napaangat ng ulo si Raizah.
“Iwan ko kung ano ang kailangan niya kay AK, pero natatandaan niyo ba nung time na kinuha si KL, tapos napalaban kami sa labas ng School. Pinipilit na kunin ng mga knight crest si AK noon” paliwanag niya na tuloy parin sa pag-iyak.
“So, ang ibig sabihin, may alam na si Marco Viejj? Shit masama to” bulalas naman ni Raydan saka tumingin sa pintoan ng emergency room.
“Ano na kayang nangyari kay AK? Bakit ang tagal ng doctor?” hagulgol na tanong ni KL.
“Tahan na, walang masamang mangyari sa kanya” pag-aalo naman ni NJ sa kanya sabay halik sa buhok ng dalaga. Naaawa siya dito, dahil kanina pa ito walang tigil sa pag-iyak.
“NJ, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, kapag may mangyaring masama kay AK” sabi ulit ng dalaga.Umiling si NJ sabay sapo ng pisnge ng dalaga saka pinahiran ang mga luha nito.
“She can make it, I know she can” sabi niya nalang para maibsan ang nararamdaman ng dalaga at pagkatapos, niyakap niya nalang ito ulit. Yun lang ang tanging magagawa niya para rito.
“Raiz?” tawag naman ni NJ kay Raizah habang yakap padin si KL.
Nag-angat naman agad ng ulo ang dalaga saka tiningnan ito. Tulad ni KL, hilam din ng luha ang mga mata nito.
“Paanong nandoon si Frans at Alexa?” tanong niya sa dalaga na inakalang si Frans ang lalaking dinala nila dito sa hospital.
“Di ko alam, naabutan nalang namin sila doon” sagot naman nito.
“Sa nakita ko tol, mukhang niligtas nila si Kixzie” sabad naman ni Raydan sa usapan.
“Pero paanong alam nila na nasa panganib si Kixzie?” singit naman ni Derick.
BINABASA MO ANG
Allea Kixzie: The Gangster Princess
ActionNCJ University Book 2 Writerkuno Allea Kixzie THE GANGSTER PRINCESS Simple lang ang pangarap niya sa buhay. Ang mapagtapos ng pag aaral at alagaan ang mga taong nag aruga sa kanya mula pagkabata. Pero nabago lahat ng iyon ng mangyari ang isang trahe...