Isang buwan ang matulin na lumipas pero wala paring malay si AK habang nakabawi narin ng lakas si Raizah at ngayon, siya na ang nagbabantay sa kaibigan. Si Hans naman nanatili parin sa ICU at walang pagbabago sa sitwasyon niya. Pero patuloy parin itong lumalaban.
Si NJ, halos araw-araw umaalis para hanapin sa mga hideouts ng Viejj Mafia si KL pero bigo lagi ang binata. Marami narin siyang napatay na mga knight crest para lang malaman ang kinaroroonan ng dalaga. Pero kahit anong gawin niyang pagpapahirap sa mga ito, nanatiling nakatikom ang mga bibig. Kaya naman mas lalong nanggigigil ang binata sa sobrang galit.
"Tol" nag aalang tawag ni Raydan ng makita si NJ na halos naliligo ng dugo. Kakagaling lang nito sa isang hideout ng mga knight crest at tulad ng mga naunang hideout bigo parin siya.
"I'm okay" sabi nito ng makalapit sa pinsan saka itinaas ang kanang kamay para pigilan ang akmang paglapit ni Raydan. "Maliligo lang ako" dagdag ng binata saka tuloy tuloy na sa kwartong nakalaan para sa kanya. Napailing nalang si Raydan habang sinusundan ng tingin ang pinsan.
"Mga tol balik na ako ng hospital" paalam niya kila Cid at TJ na nasa living room ng hideout. Tango naman ang sagot ng mga ito na abala sa kung ano ang mga ginagawa sa kanya-kanyang laptop. Mabilis nalang na lumabas si Raydan sa hideout at sumakay sa bigbike niya para pumunta ng hospital.
Samantala sa mansiyon ng Empress, tahimik lang ang dalawa Alexa at Frans habang kaharap si Rhadz.
"Bakit nangyari ito? Bakit niyo hinayaang makuha siya?" salubong ang kilay na tanong niya sa dalawang nakayuko lang. Hindi niya alam kung ano ang gagawin sa mga kaharap. Isang buwan siyang nawala para asikasuhin ang napaka importanteng bagay tapos pagbalik niya ito ang sasalubong sa kanya.
"S-Sorry Emp" mahinang sagot ni Alexa.
Napabuga naman ng hangin si Rhadz dahil sa sobrang inis. Ngayon, mukhang matutuloy na talaga ang matagal na niyang kinakatakutan. Kaya nga hangga't kaya niya pang pigilan, gagawin niya. Pero dahil nagtagumpay na si Marco Viejj na makuha si KL, hindi niya na alam kung paano maiiwasan ang napipintong mangyayari.
Napapikit ng mariin si Rhadz.
"Wala narin naman tayong magagawa dahil nangyari na. Ang gawin nalang natin ngayon ay hanapin si KL sa lahat ng possibleng pagdalhan ni Marco sa kanya" nasabi nalang ni Rhadz saka mabilis ng iniwan ang dalawang nakayuko padin.
Saka lang sila nag angat ng ulo ng marinig ang pagsara ng pinto ng library.
Napatingin si Frans kay Alexa.
"May Idea ka ba sa possibleng pagdalhan ni Marco kay Karishia?" malumanay na tanong ng binata.
Isang mahinang iling naman ang sinagot ng dalaga. Dahil wala naman talaga siyang alam sa iba pang lugar na pag-aari ng Viejj Mafia.
"Iisang paraan lang ang naisip ko Frans" sabi ni Alexa pagkalipas ng ilang segundong katahimikan.
Agad namang napalingon ang binata sa kanya.
"Ano yun?" agad na tanong nito sa dalaga.
"Balik muna tayo ng hospital" sa halip na sagot nito saka tumayo at tinungo ang mesa kung saan nakalagay ang laptop na gamit lagi ni Trixie.
"Anong gagawin mo diyan?" nagtatakang tanong ni Frans ng simulang ipasok ni Alexa ang laptop sa bag nito.
"Si Trixie lang ang nakakaalam nito, kaya halika na" sagot ng dalaga saka nauna nang lumabas ng library.
Wala namang magawa si Frans kundi ang sumunod nalang kahit wala siyang alam sa sinasabi ni Alexa.
Mabilis naman silang nakabalik ng hospital dahil hindi din naman gaanong malayo mula sa mansiyon ng empress. Agad na nagtungo si Alexa sa private room kung saan nakalagay si Hans. Napatingin ang dalaga sa wala paring malay na si Hans. Kung titingnan halos wala na itong buhay, pero ayaw padin bumitaw ng magkapatid dahil naniniwala silang may pag-asa pa ito.
BINABASA MO ANG
Allea Kixzie: The Gangster Princess
ActionNCJ University Book 2 Writerkuno Allea Kixzie THE GANGSTER PRINCESS Simple lang ang pangarap niya sa buhay. Ang mapagtapos ng pag aaral at alagaan ang mga taong nag aruga sa kanya mula pagkabata. Pero nabago lahat ng iyon ng mangyari ang isang trahe...