Kabanata 63

1.3K 40 47
                                    

Tatlong lingo? Ganun katagal na siyang parang patay at walang sigla. Simula ng ihatid siya nila Raya, Yuri, Kaithlene at Irene sa isla, ni minsan hindi niya na aappreciate ang ganda nito. Naalala niya pa ang unang gabi niya sa Isla, kahit sinamahan pa siya ng mommy’s ng mga binata wala siyang maramdamang kung ano. Sakit, lungkot at pangungulila sa mga kaibigan lang ang tanging nararamdaman niya.

“You will enjoy here” naalala niya pang sabi ni Raya pagkadaong palang nila sa Isla. Pero wala siyang naramdamang saya.

Mapait na napangiti si KL habang nilalaro ng mga paa ang buhangin. Andito na naman siya naglalakad sa tabi ng dagat. Pilit nililibang ang sarili kahit alam niyang kunting-kunti nalang ay parang mababaliw na siya.

“Sobrang miss ko na sila” malungkot na sambit ng dalaga sabay tingin sa walang katapusang dagat. Mahina ang alon nun na parang nag aayang lumusong siya. Pero hindi iyon napapansin ng dalaga, dahil ang tanging nasa isip niya lang ang pangungulila sa mga kaibigan lalong-lalo na kila AK at NJ.

Hindi lubos maisip ni KL kung paano niya nakayanan ang tatlong linggo na mamuhay mag-isa sa isla. Para lang siyang robot na walang pakiramdam.
Maya-maya lang nag uunahan na naman ang mga luha ng dalaga. Halos araw-araw nalang siyang umiiyak. Siguro kung naiipon lang ang luha niya, ilang libong timba na iyon.
Napaupo siya sa batong madalas niyang tambayan. Doon na siya aabutan ng takip silim. Blanko lang ang isip na nakatingin sa dagat.
Napatingin ang dalaga sa papalubog na araw. Ayan na naman ang mga luha niya, nag uunahan na naman sa pagdaloy. Naalala niya kasi ang mga araw na laging kasama si NJ sa panunuod ng paglubog ng araw.

“Bakit kasi nangyari pa ang lahat ng ito? Bakit ako pa?” puno ng hinanakit sa boses na sabi ng dalaga. Wala namang ibang makakarinig sa kanya kaya okay lang kahit magsisigaw pa siya doon.

Galit ang unti-unting lumulukob sa puso ng dalaga dahil sa mesirableng kalagayan. Hindi niya matanggap na ganito ang naging buhay niya. Nasira sa isang iglap ang lahat ng pangarap niya kasama si AK. Akala niya isa lamang siyang ordinaryong babae, walang problema. Naaawa pa nga siya dati sa kaibigan dahil hindi normal ang naging buhay mula pagkabata. Iyon pala, mas higit pa siyang kaawa-awa.

Napasubsob nalang ang dalaga sa mga palad at doon hinayaan ang sariling umiyak ng umiyak.
Napapitlag siya ng may biglang yumakap sa kanya.

“Don’t cry please” mahinang sabi nito na umiiyak narin. Parang biglang tumigil ang pag inog ng mundo ni KL hindi niya alam kung nananaginip lang ba siya o talagang andito ngayon sa tabi niya ang lalaking mahal at yakap siya ng mahigpit.

“Paanong---“ takang sabi ng dalaga at pinilit na tingalain ang taong kanina lang laman ng isip niya. Pero pinigilan siya ni NJ, gusto pa siyang yakapin ng mahigpit. Kanina ng malaman niya mula sa ina na pupuntahan nila ang dalaga, kulang nalang talunin niya ang pantalan kung saan nag aantay ang yateng maghahatid sa kanila sa islang kinaroroonan nito.

*Flashback*
“Where her, Son” nakangiting sabi ni Nicole pagkarating nila sa pantalan kung saan nakadaong ang yate nila.
Pagtataka naman ang nababakas sa mukha ng binata pagkamulat ng mga mata at mapansing nasa tabing dagat sila.

“Where are we, My?” tanong ng binata saka nilingon ang ina.
“Batangas port” maikling sagot ni Nicole na nakangiti parin.
Napakunot noo si NJ kasi wala siyang maisip na dahilan bakit siya dinala ng ina doon.

“We we’re going to where your heart is” makahulugang sabi ni Nicole.
Nanlaki ang mata ng binata. Iisa lang ang pumasok sa isip niya.

“Do you mean---“ paninigurado niya pero naputol na ang sasabihin niya dahil tumango na ang ina at mas lumapad ang pagkangiti.

Allea Kixzie: The Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon