Kabanata 46

5.3K 83 10
                                    

Ito na ang update, sorry sa matagal na paghihintay. Sana magustuhan niyo, kasi di ko alam ang mga pinaglalagay ko dito.. kung anu lang pumasok sa utak ko, un lang din ang isusulat ko.. hahaha walang edit-edit to kaya sorry kung may mga maling word o maling grammar..

O siya, ito na! Thank you ulit sa lahat ng nakiramay sa akin.. Mwuaaahhhh!

*********************************************************************************************************

Kinahapunan pagkatapos ng eksena sa may field ng University, nagpasya silang pumunta ng hospital para dalawin si Hans pero di na sumama pa sila NJ, dahil may aasikasohin daw ito kasama ang papa Rein ni AK. Di narin naman nagtanong pa ang dalaga, dahil alam niya namang may tungkuling kailangan gampanan ang ama.

Habang daan di maikakaila ang kabang nararamdaman ni AK. Hindi niya rin maintindihan kung bakit siya kinakabahan ng ganun. Samo’t saring bagay ang nasa isip niya. Wag naman sanang magkatotoo ang inisip niya ngayon.

“Are you okay?” puna ni Raydan sa kanya. Sasakyan kasi ng binata ang gamit nila, at sa harapan siya nakaupo habang sila KL at Raizah naman nasa likuran.

“Bakit AK? May dinaramdam ka ba?” agad namang nag alalang tanong ni KL sabay dukwang para abutin ang noo ng kaibigan.

Natawa ng mahina si AK sa ginawang iyon ng dalaga.

“Okay lang ako KL, may naiisip lang ako” sagot naman ni AK.

“At ano naman yang mga iniisip mo, aber?” giit padin ni KL.

“Syempre ako ang iniisip niyang mahal ko” singit ni Raydan sabay kindat kay AK ng tingnan siya ng dalaga.

Namula naman agad ang pisnge nito dahil sa hiyang naramdaman.

Kasabay naman ng malakas na halakhak nila KL at Raizah.

“Ang lakas ng hangin ha?” natatawang sabi ni Raizah.

“Bakit? May iba pa bang iisipin si Kixzie maliban sa akin?” sabi ulit ni Raydan habang nakapaskil ang masayang ngiti sa labi nito.

“Paano mo masisigurong ikaw lang talaga ang iniisip ni AK?” singit naman ni KL na hanggang ngayon tawa padin ng tawa.

Dahil sa narinig napahinto bigla si Raydan sa pagmamaneho, at muntikan ng masubsob ang dalaga sa dashboard dahil sa biglaan nitong pagpreno. Mabuti nalang at maagab siyang nakabig ng binata.

“Bakit di mo ikinabit ang seatbelt mo?” puno ng pag-alalang tanong ng binata. “I’m sorry” dagdag pa nito na puno ng pagsusumamo ang mga mata.

Ngumiti si AK para iparating sa binata na okay lang siya.

“Sa susunod kasi, wag kang titigil ng biglaan sa gitna ng kalsada” kunwaring inis na sabi ni KL pero naglalaro padin ang mapanuksong ngiti sa labi nito.

“Sorry, nabigla lang kasi ako sa sinabi mo” hinging paumanhin naman ng binata.

“Ano kaba Raydan, syempre bukod sayo, marami pang iniisip si AK. Alam mo naman kung anong sitwasyon mayroon tayo diba?” sabi naman ni Raizah.

“I know, i’m sorry again” sabi nalang ulit ng binata saka tiningnan si AK.

Naiintindihan ni AK ang tinging ipinukol ng binata sa kanya kaya naman, siya na mismo ang umabot ng pisnge ng binata saka mahinang pinisil iyon sabay ngiti rito. Saka lang parang nakahinga ng maluwag si Raydan kaya naman gumanti narin siya ng ngiti sa dalaga.

“Aray! Aray!” halos sabay naman na sabi nila Raizah at KL.

Dahilan para maputol ang sweet moments ng dalawa saka sabay na lumingon sa likuran.

Allea Kixzie: The Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon