Warning: Hindi ko alam ano meron sa update na to ^_^. Enjoy. ^_^ ^_^ ^_^
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Kabanata 65
Maaga pa lang pero halos masira na ang buong library sa mansion ng mga Viejj dahil sa galit. Mag iisang buwan na kasi pero ni isa sa mga underlings niya at mga tauhan walang paring balita tungkol kay KL.
"Damn! Saan niyo tinago ang anak ko wannabe princess" nanggigigil na sigaw ni Marco. Hindi siya makakapapayag na hanggang ngayon hindi padin natutupad ang lahat ng plano niya. Kung kailan halos abot kamay niya na ang lahat ngayon pa mangyayari ito. Naibato niya ulit ang hawak na libro. Kung kailangang halughugin ang buong pilinas gagawin niya para mahanap lang ang natatanging alas para sa magiging tagumpay niya.
"Tawagin niyo si Patricia papuntahin niyo dito sa library" utos ni Marco sa mga tauhan na nakatayo lang sa may pinto ng library agad namang tumalima ang isa sa mga ito at lumabas. Ilang minuto lang biglang pumasok si Patricia.
"What?" walang emosyon niyang tanong sa ama.
"Anong balita sa eskwelahan mo? Nalaman mo ba kung nasaan ang Formosa?" seryosong tanong ni Marco sa babae.
Napasimangot si Patricia.
"Who is Formosa?" tanong niya sa ama kahit may idea na siya kung sino ang tinutukoy nito.
"Idiot! That fucking daughter of Rein who else?" gigil na singhal ni Marco sa kanya. Napapikit ng mariin ang dalaga dahil baka mabulyawan niya ang ama.
"I don't know who is she" walang ganang sagot ni Patricia na direktang tinitigan ang ama.
"God Damn it Patricia, wag mo akong galitin! Use your head!" mas lalong nagalit na sabi ni Marco sabay hampas ng table sa library.
Napasmirk si Patricia hindi siya kailanman nakakaramdam ng takot sa ama. Siguro dahil namana niya ang ugali nito o baka dahil manhid na siya. Kailanman hindi siya itinuring na anak ng ama. Maaalala lang siya kapag may dapat itong ipagawa sa kanya o di kaya may gustong itanong.
"I have no idea who are you talking about" wala parin ang emotion na sagot nito sa ama.
"You! Useless Brat! Get lost!" gigil na sigaw ni Marco saka biglang itinapon ang isang libro papunta kay Patricia. Mabilis naman na umiwas ang dalaga saka agad na lumabas ng library.
"Who cares of your plans" singhal niya habang malalaki ang hakbang papunta sa kwarto niya. Masyado na siyang nasasakal sa mansiyon na ito. Siguro panahon na para gawin niya ang kanyang plano, to leave this hell. Halos masira ang pinto ng kwarto niya ng pabalibag niya itong isinara.
Samantala sa Isla naalimpungatan si KL sa mabagong aroma ng pagkain, bahagya pa siyang nakalimot sa mga nangyari kahapon inakala niyang panaginip lang pero ng makita niya ang nakaayos na higaan sa ilalim ng hinihigaan niyang double deck napagtanto niyang totoo nga lahat ang mga nangyari kahapon nandito nga kasama niya ang lalaking mahal. Nakangiti siyang bumangon at mabilis na pumasok sa loob ng banyo para maghilamos at mag toothbrush ng matapos mabilis siyang lumabas.
Nakita niya si NJ na abala sa kong anong hinahalo sa kusina, pakanta-kanta pa ito na parang ineenjoy talaga ang ginagawa. Nanatili lang si KL sa pinto ng kwarto niya saka pinanood mula doon ang lalaki na nasa kitchen. Gumuhit ang ngiti sa labi ng dalaga ng mapagmasdan ang ayos ng binata. Nakasuot ito ng blue long sleeves at ang cute lang nito tingnan dahil sa white apron na nakatali sa beywang nito. Para namang naramdaman ni NJ na may nakamasid sa kanya kaya napatingala siya kung saan ang kwarto ng dalaga huli na para magtago si KL nahuli na siya nito na nakatingin lang mula sa taas. Ngumiti ang binata saka kinumpas ang kamay urging KL to go down. Mabilis namang tumalima ang dalaga saka nahihiyang marahan na bumababa ng hagdan. Mabilis siyang nakalapit at umupo sa isang mataas na stool sa island kitchen.
BINABASA MO ANG
Allea Kixzie: The Gangster Princess
ActionNCJ University Book 2 Writerkuno Allea Kixzie THE GANGSTER PRINCESS Simple lang ang pangarap niya sa buhay. Ang mapagtapos ng pag aaral at alagaan ang mga taong nag aruga sa kanya mula pagkabata. Pero nabago lahat ng iyon ng mangyari ang isang trahe...