Kabanata 69

1.3K 39 31
                                    

Chapter 69

"Tol, kamusta kayo diyan?" agad na tanong ni NJ pagkasagot ni Raydan sa tawag niya. Mula pa kahapon silang tumatawag ni KL sa mga ito pero ngayon lang ulit sila nakacontact.

"To be honest tol, we're not okay" malungkot na sagot ni Raydan. Nasa labas padin sila ng ICU. Kahapon nagpanic silang lahat dahil sa nangyari kay TJ buong akala talaga nila, bumigay na ito. Pero parang himala na biglang bumalik ang pagtibok ng puso nito dahil sa pagpasok ni Alexa sa loob.

"What happen?" tanong ni NJ.

"Sinugod ang dorm ng mga underlings ni Marco Viejj kasama ang mga knight crest medyo napuruhan si TJ" paliwanag ni Raydan. Napasinghap naman si KL dahil naka loud speaker ang cellphone kaya malinaw niyang narinig iyon. Habang si NJ napatiim-bagang.

"Kamusta kayo? Kamusta si Kixzie?" agad na tanong nito sa pinsan dahil alam niyang ang dahilan ng mga knight crest sa pagsugod para kunin ang Formosa.

"Okay siya Tol, pero si TJ" sagot ni Raydan saka napabuntong-hininga at tinapunan muli ng tingin ang kaibigan na nasa ICU.

"Bakit anong nangyari kay TJ?" tanong ni NJ sa kabilang linya.

Napabuntong-hininga ulit si Raydan.

"He's in ICU right now" sagot nito sa pinsan. Napakuyom ng kamay si NJ habang napatakip naman ng dalawang kamay sa bibig si KL dahil sa gulat. Ayaw niyang umiyak pero kusang lumalabas ang mga luha sa mga mata niya. Habang silang dalawa ng nobyo nagpapakasaya dito sa Isla, ang mga kaibigan naman pala nila ngayon labis ang dinadala.

"W-what the doctor say?" nauutal na tanong ni NJ. Ayaw niyang isipin na mawawalan na naman siya ng kaibigan. Hindi niya na matatanggap pa iyon.

"He have a low chance to survive" sagot naman ni Raydan. Narinig niyang napamura ang pinsan sa kabilang linya kaya naman napapikit nalang siya ng mariin.

"I'm going home" sabi ng pinsan pagkaraan ng ilang segundong tumahimik ito. Nilingon nito si KL saka hinawakan ang kamay. "We will going home" sabi niya ulit saka binigyan ng matamis na ngiti ang dalaga.

"What? No Tol, alam mo namang yan ang purpose ni Marco Viejj. He needs Karishia kaya hindi pwedeng makita siya. Delikado kung dadalhin mo siya pabalik dito" bulalas ni Raydan kaya naman napalingon si AK sa kanya. Itinaas ng binata ang isang kamay saka sumensyas sa dalaga na saglit lang. Marahang tango naman ang sinagot ni AK saka nilingon si Raizah na tulad niyang nagtatanong din ang mga mata.

"R-Ready na ako" pabulong naman na sabi ni KL kahit hindi siya ang kausap ni Raydan sa telepono, malinaw naman iyong narinig ng binata.

"I protect her no matter what. I don't want to lose her again" matatag naman na sabi ni NJ saka pinisil ang kamay ni KL na hawak niya parin.

Napabuntong-hininga nalang si Raydan alam niyang wala siyang magagawa para pigilan ang pinsan. Mukhang buo na ang loob nito. Ibinaba niya nalang ang cellphone pagkatapos patayin ang tawag.

"Anong sabi ni NJ tol?" tanong agad ni Derrick ng harapin sila ng binata.

"He will going home together with Karishia" mahinang sabi niya.

"Ano?" halos sabay naman na bulalas nila AK at Raizah. Habang si Esther tahimik lang sa tabi ni Cid at si Alexa naman nasa loob ng ICU at kasama si TJ. Wala ang mga mommies nila dahil inihatid ng mga ito ang Tita Kaithleen nila na parang ayaw pang iwanan ang anak. Wala paring tigil ito sa pag-iyak.

Tumango si Raydan.

"P-pero, delikado para kay Karishia na bumalik dito" singit ni Cid sa usapan.

Allea Kixzie: The Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon