Kabanata 4
Madaling araw palang nagising na ang magkaibigang AK at KL para makaalis sila agad. Medyo may kalayuan kasi ang pupuntahan nila, nasa kabilang bundok iyon.
Inihanda na ni AK ang mga importanteng gamit niya, iilang perasong damit lang iyon saka ang box na bigay ng lolo niya. Doon na sa pupuntahan ang balak niyang manatili hanggang linggo para mas malapit sa highway may kubo naman doon at sigurado siyang maayos parin iyon. Sa lunes ng umaga kasi ang alis nila ng kaibigan patungong Maynila para pumunta sa NCJ University.
Pero bago sila umalis, pinuntahan niya muna ang puntod ng lolo at tiya Kixzie niya sa huling pagkakataon at para magpaalam narin sa mga ito.
''Yan na ba ang mga dadalhin mo AK?'' Tanong ni KL sa kaibigan. Habang papalapit ito.
''Oo ito na lahat'' Sagot naman ni AK at inaayos ang backpack sa pagkasukbit sa likod niya.
''Tara na?'' Aya ng kaibigan saka kinuha sa pagkatali sa puno ang kabayong gagamitin nila. Sumunod naman si AK sa kaibigan pagkatapos nitong sumampa sa kabayo.
''AK ikaw na ang humawak ng tali ni shadow!'' Sabi ng kaibigan sa kanya sabay pasa ng tali sa kamay niya. Hindi naman nag reklamo pa ang dalaga, tinanggap niya nalang iyon saka hinampas ng mahina ang tagiliran ng kabayo gamit ang kanang paa niya, para magsimula na itong maglakad.
Tahimik lang sila habang binabaybay ang makitid na daan palayo sa kubo nila AK. Walang ni isa man sa kanila ang umimik. Pero mukhang di makatiis si KL kaya naman tinawag niya ang kaibigan.
''AK?'' mahinang tawag nito kay AK ng medyo nakakalayo na sila sa kubong tirahan ng huli. ''Excited na ako sa lunes! Sa wakas makikita narin natin ang Maynila!'' Dagdag pa nito na kahit hindi nakikita ni AK ang mukha ng kaibigan alam niyang nakangiti iyon.
''Ikaw? Excited karin ba?'' Tanong ulit ng kaibigan sa kanya. Nagkibit balikat lang si AK alam niyang naramdaman iyon ng kaibigan dahil nakasandal ito sa kanya.
Di nalang din umimik si KL, dahil batid niyang ayaw munang pag usapan ng kaibigan ang tungkol sa eskwelahang papasukan nila. alam niyang ito rin ng dahilan kung bakit nag-aral ito ng mabuti dahil ito ang kahilingan nang tiya Kixzie nito noon. Di rin lingid sa kanya na pangarap ng tiya Kixzie ng kaibigan na makapag-aral sa NCJ University. Pero dahil lagi lang itong nagpalipat-lipat ng tirahan sa hindi malamang dahilan, nawalan ito ng focus sa pag-aaral at natanggal sa pagiging eskolar dahil bumaba ang grades.
''Kapit kang mabuti KL dahil bibilisan ko ang pagpapatakbo kay shadow!'' Sabi ni AK sa kaibigan pagkaraan ng ilang sandali. di naman nagdalawang isip pa si KL agad na siyang kumapit sa lubid na nagsisilbing hawakan nang mahigpit. Alam niya kung gaano kabilis mag patakbo ng kabayo si AK. Katunayan nga lagi itong nananalo sa paligsahan at kaylan man wala pang nakakatalo rito.
Humalinghing si shadow ng biglang hampasin ni AK gamit ang kanang binti. ''Heyaa!'' sigaw ni AK kaya mas lalong bumilis ang takbo ng kabayo. Mas hinigpitan pa lalo ni KL ang pagkahawak sa lubid para hindi mahulog.
Pagkaraan ng tatlumpung minuto, nangangalahati na sila sa patutunguhan.
''Pahinga na muna tayo dito KL'' sabi ni AK ng may matanaw na batis. Tumango lang si KL sa kaibigan sabay talon mula sa likod ni shadow. Ganoon din ang ginawa ni AK.
''Ako na ang magpapainom kay shadow!'' presenta ni KL sabay hila ng lubid ng kabayo at dinala sa tabi ng batis. Di nalang umimik si AK, sumunod din siya sa kaibigan at mabilis na naghilamos ng mukha at pagkatapos bumalik na siya kung saan sila bumaba kanina saka tahimik na umupo sa malapad na bato at pinagmasdan ang kaibigan na tuwang-tuwa habang sinasabuyan ng tubig si shadow. Napailing si AK, kahit kailan talaga ang kaibigan niya para paring isip bata.
BINABASA MO ANG
Allea Kixzie: The Gangster Princess
ActionNCJ University Book 2 Writerkuno Allea Kixzie THE GANGSTER PRINCESS Simple lang ang pangarap niya sa buhay. Ang mapagtapos ng pag aaral at alagaan ang mga taong nag aruga sa kanya mula pagkabata. Pero nabago lahat ng iyon ng mangyari ang isang trahe...