Lunes ng umaga at abala na sila KL at Raizah sa pag hahanda para pumunta sa venue ng Unilympics na gaganapin sa Romblon. Maliban kay AK na parang lumulutang at wala sa sarili. Di rin mawawala ang matamis na ngiti sa mga labi nito.
"AK? Okay na ba lahat ng dadalhin mo?" tanong ni KL sa kaibigan.
Pero parang walang narinig si AK. Patuloy lang ito sa kung anong kinakalikot sa cellphone niya at paminsan minsan napapangiti.
Nagkatinginan si Raizah at KL saka sabay na napataas kilay at tiningnan ulit si AK, at pagkatapos nagkatinginan ulit sabay ngiti at tango na parang iisa lang ang iniisip nilang dalawa.
"Oi Raydan!" halos sabay na sabi ng dalawa dahilan para mapatingin si AK sa kanila at pagkatapos sa may pinto na buong akala talaga na nandoon nga ang binata.
Napagtanto niya lang na niloloko siya ng dalawa dahil bigla nalang ang mga itong napatawa.
Nakasimangot na hinarap ng dalaga ang dalawang kaibigan.
"Sige tawa pa kayo! Mabilaukan sana kayo!" inis na sabi niya sa mga ito.
Agad namang napatigil sa pag tawa ang dalawa, pero halata paring pinipigilan lang.
"Tss!" ang nasabi nalang ni AK saka mabilis ng dinampot ang medyo may kalakihang backpack saka mabilis na lumabas ng kwarto.
"Hala, napikon yata!" rinig pa niyang sabi ni KL bago siya tuluyang nakalabas.
Tumuloy nalang ang dalaga sa kusina, pagkatapos ilapag sa sofa ang backpack niya. Nakaramdam narin naman siya ng gutom.
"Good Morning Manang!" magiliw na bati niya sa matandang katulong.
"Ay anak! Handa na ang almusal, kakain kana ba?" tanong naman ng matanda pagkalingon sa kanya.
Ngumiti si AK saka nilapitan ang matanda sabay yakap sa beywang nito. Nagulat naman ang matandang katulong pero di na nagprotesta. Napangiti nalang din siya saka.mahinang tinapik ang kamay ng dalaga na nakapulupot sa.beywang niya.
"Maraming salamat po manang! Salamat po sa pag aalaga sa amin!" pabulong na sabi ni AK. Nang mayakap niya ang matanda, namiss niya bigla ang Tiyang Kixzie niya. Ito kasi ang madalas niyang ginagawa kapag naglalambing sa tiyahin.
"Naku ang batang ito, wala iyon! Parang mga anak na ang turing ko sa inyong tatlo!" Nakangiting sabi ng matanda na patuloy paring yakap ni AK. "Oh siya, maupo kana doon at ihahain ko na ang almusal ninyo. Nasaan na ba ang dalawa mong kaibigan at ng sabay sabay na kayo" dagdag pa ng matanda saka hinarap sI AK sabay akay patungong mesa.
BINABASA MO ANG
Allea Kixzie: The Gangster Princess
ActionNCJ University Book 2 Writerkuno Allea Kixzie THE GANGSTER PRINCESS Simple lang ang pangarap niya sa buhay. Ang mapagtapos ng pag aaral at alagaan ang mga taong nag aruga sa kanya mula pagkabata. Pero nabago lahat ng iyon ng mangyari ang isang trahe...