Prologue
[19 Years Ago]
"Uhaaa! Uhaaa! Uhaaa!" lumalaganap ang boses ng umiiyak na sanggol sa isang liblib na gubat. Dala-dala ng ina niyang sugatan dahil tumakas ito mula sa mga taong dumukot sa kanila.
Hinding-hindi siya makakapayag na ang anak niya ang gagamitin laban sa kanyang asawa para lang makapaghiganti ang taong dumukot sa kanila. Di niya papayagan na mamulat sa kasakiman at karahasan ang kanyang anak.
Ngayon nya lubos na pinagsisihan kung bakit noon pa hindi siya naglakas loob na tumakas mula sa mga kamay ng mga taong dumukot sa kanya. Magta-tatlong buwan palang ang kanyang anak, pero naranasan na ang sakit mula sa mga kamay ng taong walang puso. Patuloy lang siya sa pagtakbo para hindi maabotan. Dahil sigurado siyang di na sila ulit makakaligtas kapag nahuli sila.
"Allea! Hinding-hindi kayo makakatakas sa akin!" sigaw ng isang lalaki sa di kalayuan. Sa tindig at porma palang, di mo maipagkakailang hindi basta-bastang tao lamang.
Nagtago ang babaeng tinawag na Allea sa matataas na talahib para di makita. Pilit sinisikap na wag makalikha ng ingay. Halos di na siya humihinga para lang di maramdaman ng mga taong humahabol sa kanya.
Nanghihina na siya, dahil sa sugat na natamo niya kanina sa pakikipaglaban para maitakas ang anak. Mabuti nalang at tumigil na sa kakaiyak ang sanggol na nasa kanyang likuran. Nakalagay iyon sa parang basket na matibay at ang hawakan nakasulbit sa dalawang balikat niya. Napakislot ang babae ng makitang nasa harapan niya lang tumigil ang mga taong humahabol sa kanya.
"Ano!? Nakita niyo ba?" sigaw ng lalaki sa mga kasama niyang naghahabol sa babae.
"Hindi Boss! Bigla nalang nawala!" sagot ng isa sa mga tinanong niya.
"Mga wala kayong silbi!" galit na sigaw niya at walang awang pinagtataga ang mga lalaking nasa harapan niya.
Bagsak lahat sa lupa ang mga ito at wala ng buhay.
Napatakip sa baba ang babae para mapigilan ang mapasigaw dahil sa gulat. Di niya akalain na ang lalaking minsan na niyang hinangaan. Nagawang kumitil ng mga inosenteng buhay.
"Allea! Kahit saan ka man magtago, mahahanap din kita!" sigaw ulit ng lalaki saka inilibot ang tingin sa paligid.
Nagtagal ang tingin niya sa parteng kinaroroonan ng babae dahill napansin niyang gumagalaw ang mga dahon doon kahit walang hangin.
Dahan-dahan siyang humakbang papunta doon at nang makarating padarag niyang hinawi ang mga talahib. Isang manok-bukid lang pala ang nandoon.
Galit na galit naman niyang pinaghahampas gamit ang katanang hawak ang mga talahib. Napatigil siya sa pagwawala ng makita ang mga tauhan niyang tumatakbo papunta sa kanya.
"Boss! May paparating!" sigaw nito.
"Boss! May paparating na mga pulis!" sigaw din ng isa.
Nag-aalinlangan pa siyang umalis sa lugar na iyon pero kailangan na niyang makatakas dahil baka mahuli pa siya ulit ng mga pulis. Ayaw na niyang maranasan ang makulong ulit. Kung di lang dahil sa kagagawan ng Nicole Jade na yun noon, hinding-hindi sana niya mararanasang makulong. Siya si Marco Viejj ang Mafia Lord nagawang ipakulong ng isang ordinaryong babae lamang. Kaya nga sukdulan hanggang langit ang galit niya sa pamilya Jade.
"Boss! Kailangan na nating umalis!" rinig ulit niyang sabi ng tauhan niya. Naikuyom niya na lang ang mga kamao at walang sabi-sabing umalis na sa lugar na iyon.
Ilang minuto ang nakalipas pagkaalis ng mga lalaki ng dumating ang mga pulis at kasama ang isa pang matikas na lalaki. Puno ng pag-alala ang mukha niya dahil sa nakitang mga bangkay na nakahandusay sa lupa. Napapikit siya ng mariin, di niya kayang isipin na baka ganito narin ang sinapit ng mag-ina niya.
BINABASA MO ANG
Allea Kixzie: The Gangster Princess
ActionNCJ University Book 2 Writerkuno Allea Kixzie THE GANGSTER PRINCESS Simple lang ang pangarap niya sa buhay. Ang mapagtapos ng pag aaral at alagaan ang mga taong nag aruga sa kanya mula pagkabata. Pero nabago lahat ng iyon ng mangyari ang isang trahe...