Kabanata 47

5.8K 92 22
                                    

Bago ang lahat, binabati ko muna kayo ng MERRY MERRY CHRISTMAS.. sana masaya ang pasko niyo sa taong ito.

Nasa gilid sila AK, bumabati din sa inyo... ^___^/

Ito na ang UD, pagpasensyahan niyo na ang nakayanan ko. Saka wala akong maisip na iba e.. bahala na, uulitin ko nalang kapag di na magulo utak ni writerkuno..

Comments naman kayoooo.. huhu (joke lang.. ^___^)

************************************************************************************************************

Gabe na nang maka uwi si AK sa dorm nila. Di na siya nagulat na madatnan ang mga kaibigan sa sala at naghihintay sa kanya.

“AK!” agad na napatayong sabi ni KL saka mabilis na niyakap ang kaibigan ng makalapit rito. Di narin niya mapigilan ang mapaiyak.

Napaiyak narin si Raizah saka yumakap nadin sa kanilang dalawa.

“Saan kaba nanggaling?”mahinang tanong nito kay AK. “Napalaban ka?”tanong nito ulit ng mapansin ang kunting pasa sa panga ng dalaga.

“Okay lang ako KL, Raizah, gusto ko lang mailabas ang sakit na naramdaman ko kanina” paliwanag nito sa mga kaibigan.

Napakalas naman ang dalawa sa pagyakap sa kanya pagkatapos marinig ang sinabi nito. Kaya hinarap naman ng dalaga si Raydan.

“Sorry”tanging nasabi nito dahil niyakap na niya ito.

“Bakit ka nag so-sorry?”pabulong na tanong niya habang nakabaon ang mukha sa dibdib ng binata.

“Sorry, kasi wala manlang akong nagawa para maibsan ang sakit na nararamdam mo, sorry kasi di kita sinundan agad, ayan tuloy nagkapasa ka. Sino ang may gawa niyan at dudurugin ko ang mukha?”mahabang sabi ng binata.

Nahagikhik nalang si AK. Alam niyang gagawin talaga iyon ng binata sa oras na sinabi niya kung sino ang may pakana kung bakit siya nagkapasa.

“Wala to Raydan, kunting pasa lang yan”nasabi nalang ng dalaga saka kumalas ng yakap rito.

Hinarap naman ulit ng dalaga ang dalawang kaibigan.

“Sa uulitin AK wag kang aalis nalang bigla ha?” sabi ulit ni KL. Nakangiti namang tumango si AK sa kanya.

“Syanga pala AK, tawagan mo muna si Tito Rein, kanina pa yun nag-alala sayo” singit ni Raizah.

Namilog ang mga mata ni AK.

“Ha? Teka” nasabi niya saka inilabas ang cellphone at tinawagan ang ama.

“Hello Pa?” agad na sabi niya pagkatapos sagutin ng ama ang tawag.

“Allea, where are you? What happen?” sunod-sunod na tanong ng ama niya sa kanya.

“Pa, wag kang mag-alala okay lang ako, nandito ako ngayon sa dorm” sagot naman ni AK.

Allea Kixzie: The Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon