Kabanata 5

9K 169 9
                                    

Dapit-hapon na ng mapagpasyahan ng magkaibigang AK at KL na maligo sa talon na nasa gitna ng gubat. Masarap kasi maligo doon dahil maaligamgam ang tubig na parang hot spring.

"AK! May dala ka bang pamalit?" masayang tanong ni KL rito habang abala siya sa pagpili ng ibang damit na nandoon na sa kubo.


"Oo! Meron" sagot naman ni AK sa kanya.


"Tara na! Kanina pa ako nangangati eh" reklamo ni KL habang kinakamot ang tagiliran. Napailing nalang si AK saka nauna nang maglakad para hindi makita ng kaibigan ang sumilay na ngiti sa mga labi niya.



Panay ang dal-dal ni KL habang nasa daan sila. Pero ni minsan hindi siya sinagot  ni  AK tahimik lang ang dalaga habang patuloy sa mabilis na paglakad. Sa huli sumuko narin si KL sa kakasalita dahil mukhang wala talaga sa mood ang kaibigan niyang sumabay sa pagiging hyper niya.




"AK! Mauna kana papuntang talon! Titingnan ko muna kong may nahuli na  ang  bitag na ginawa natin" pagdadahilan ni KL sa kaibigan para lang maitago ang namumuong luha sa mga mata niya. Masyado siyang nasasaktan  dahil baliwala lang sa kaibiganang lahat ng ginagawa niya para mapasaya ito.



Tumango lang si AK sa kanya at nagsimula na itong tahakin ang daan patungong talon. Si KL naman, lumiko sa kanan para puntahan ang ginawa nilang bitag kaninang umaga. Habang papunta siya doon, di na niya  napigilan  ang  mga luhang nag-unahang dumaloy mula sa mga mata niya. Hinayaan niya lang iyon habang patuloy sa paglakad ng marahan. Sa ganoong paraan, mailalabas niya ang lahat ng sama ng loob. Para kapag, sumunod na siya sa kaibigan sa talon, hindi na  nito mahalata na nanggaling siya sa pag-iyak.




Mga ilang minuto din siyang naglalakad hanggang sa marating niya ang kinaroroonan ng bitag nila. Pero laking gulat niya na sa halip manok bukid ang mahuli ng bitag o kung anomang hayop na nasa gubat ay walang iba kundi isang tao at mukhang nawalan na ito ng malay. Napansin din ni KL ang nagdudugo nitong braso. Nataranta si KL sa nakita dahil iniisip niya na baka patay na ito kaya naman  kinuha niya ang dala-dalang kutsilyo at  inakyat ang puno kung saan naka bitin ng patiwarik ang isang lalaki. Hindi pa nakita ni KL ang mukha nito dahil nakatalikod ito sa kinarorooan ng dalaga.


Maingat na pinutol ni KL ang lubid  para malaglag ang lalaking nahuli ng bitag nila. Sigurado naman siyang hindi ito masasaktan kapag nahulog kasi makapal ang mga tuyong dahon  na nasa ilalim  ng puno.


Mabilis na bumaba si KL ng puno pagkatapos malaglag ang lalaki. Nakataob iyon sa lupa kaya naman inayos niya ang pagkahiga noon ng tuluyan na siyang nakababa ng puno. Saka palang nakita ni KL ang mukha nito.


"Grabe! Ang gwapo - gwapo mo! Prinsipe ka ba?" tanong ni KL sa lalaki pagkatapos ng mahabang sandali na napatulala siyang nakatitig rito.


"Ay! Para akong sira! Wala kapa palang malay. Naku sorry ha, nasugatan kapa tuloy ng dahil sa ginawa naming bitag ng kaibigan ko. Pero alam mo kasing kailangan naming gawin iyon para may mahuli kaming hayop na uulamin namin mamaya" tuloy - tuloy na daldal ni KL. Wala siyang pakialam kung hindi man siya naririnig ng lalaki basta ang mahalaga, nakapagdaldal na naman siya.



"Naku! Pasensya kana! Ang daldal ko talaga! Ay! Hindi ko pa nagagamot ang sugat mo! Teka lang ha?" sabi ulit ng dalaga sabay tayo at nanguha ng ilang dahon na pwedeng ilagay sa sugat  ng binata. Napansin niyang patuloy parin iyon sa pagdugo.


"Sorry ha, ang daldal ko kasi, ayan tuloy nakalimutan  ko nang gamutin ang sugat mo" sabi niya ulit ng makabalik sa kinaroroonan nang lalaki at may dala ng mga halamang gamot para sa sugat.




Allea Kixzie: The Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon