"Walang silbi!" asik ni Marco Viejj pagkatapos sampalin ng malakas si KL. Pero walang naramdamang sakit ang dalaga kahit na parang bumakat ang palad ni Marco sa pisngi niya at namula iyon. Habang si Gray naman napakuyom ng kamao habang nakamasid sa gilid.
"I told you to kill her!" sabi ulit ni Marco at binigyan pa ng isang malakas na sampal si KL dahilan para mapaupo sa sahig ang dalaga. Mabilis naman siyang dinaluhan ni Gray at tinulungang makatayo. Wala paring imik si KL sa halip isang masakit na tingin lang ang pinukol niya kay Marco Viejj.
"Get lost!" gigil na sabi ni Marco sabay kumpas ng kamay na parang tinataboy na ang dalawa. Mabilis namang tumalima si Gray inalalayan niya si KL palabas ng library. Pero bago pa tuluyang nakalabas ang dalaga nilingon niya ulit si Marco at binigyan ng matalim na tingin saka tuluyan nang nagpaakay kay Gray.
"Okay ka lang?" nag-alalang tanong ng binata sa dalaga ng makapasok sila sa kwarto ng huli. Isang mahinang iling ang sinagot ni KL saka bumulalas na ng iyak na kanina pa niya pinipigilan.
"Nasaktan ko si AK, Gray" sabi niya sa gitna ng paghikbi.
Nilapitan naman siya ng binata saka hinagod ang likod.
"Hindi mo kasalanan, wala ka sa sarili kaya nagawa mo iyon. At alam kung maiintindihan ka naman ni AK" palumanay na sabi ni Gray.
Napatigil naman si KL saka marahas na nilingon ang binata.
"Una palang alam mo nang ganun ang plano ni Marco, bakit di mo sinabi sa akin?" may halong hinanakit sa boses na tanong ng dalaga.
Natameme saglit si Gray saka napabuntong – hininga.
"Sa tingin mo kaya mapipigilan mo ang sinabi ni Marco kung wala ka sa sarili?" balik tanong niya sa dalaga. "Kaya nga kita palihim na ginagamot dahil kung hindi ko ginawa yun, baka napatay mo na nga kanina ang kaibigan mo" dagdag pa ni Gray.
Iyon naman ang biglang pagbukas ng pinto. O mas tamang sabihin na pabalibag na binuksan ang pinto.
"Traydor!" gigil na sigaw ni Marco.
Nagulat naman ang dalawa saka sabay na napatayo sa pagkakaupo sa kama.
"Sinasabi ko na nga ba! Katulad ka rin sa mga magulang mong traydor!" singhal ulit ni Marco saka sumigaw para tawagin ang mga knight crest.
"Wag na wag mo siyang sasaktan" gigil na sabi ni KL sabay harang sa mga knight crest para kunin si Gray pero nakay Marco siya nakatingin.
"Get him!" utos ulit ni Marco.
"Hindi" sigaw din ni KL saka agad na sinipa ang unang knight na nagtangkang lumapit.
"Stay out of her Karishia" gigil na sigaw ni Marco na mas lalong nagpadagdag sa gigil ding naramdaman ni KL.
"Wala kang karapatang diktahan ako" balik singhal din ni KL sabay sipa sa isa pang knight crest na papalapit sa kanila.
"KL please baka mapahamak ka lang, hayaan mo nang kunin ako ng mga knight crest" pabulong na sabi ni Gray sa dalaga.
Matigas na umiling si KL.
"Hindi Gray, mamatay muna ako bago ka nila makuha" sagot ng dalaga.
"Pero ayokong masaktan ka" giit ni Gray.
"Baliwala ang sakit ng suntok at sipa ng mga knight crest Gray kaysa sa sakit na nararamdaman ko sa dibdib ngayon" sagot ulit ni KL.
"Pero—" kakatwiran pa sana ang binata pero pinutol na siya ni KL
"Magisip ka ng paraan para makatakas tayo rito" pabulong na sabi ni KL sabay pihit para sipain ang isa pang knight crest na papalapit. Mahirap para sa kanila ang gumalaw dahil nasa loob sila ng kwarto.
BINABASA MO ANG
Allea Kixzie: The Gangster Princess
ActionNCJ University Book 2 Writerkuno Allea Kixzie THE GANGSTER PRINCESS Simple lang ang pangarap niya sa buhay. Ang mapagtapos ng pag aaral at alagaan ang mga taong nag aruga sa kanya mula pagkabata. Pero nabago lahat ng iyon ng mangyari ang isang trahe...