Malayo na ang sasakyan na kinalululanan ng dalawang matanda pero nandoon parin sila AK at Raizah at tinanaw ito. Hanggang sa tuluyan ng nawala sa paningin nilang dalawa. Saka lang ipinasya ni AK na bumalik na ulit sa loob ng University.
Nilingon ng dalaga si Raizah na nasa tabi niya lang, mabilis parin ang pagtaas baba ng dibdib nito, sanhi ng matinding galit na nararamadaman nito kanina ng makita si Marco Viejj.
"Raiz?" Tawag niya sa kaibigan.
Nilingon naman agad siya ni Raizah na nakapaskil ang ngiti sa labi.
"Bakit AK?" tanong nito.
"Wag kanalang kayang ngumiti, alam ko namang naninikip parin yang dibdib mo sa sobrang galit!" Puna ni AK dahilan para mawala agad ang matamis na ngiti sa labi ni Raizah saka napabuga ng hangin.
"True friend nga kita, kasi nakikita mo ang mali sa akin" malungkot na sabi nito.
Si AK naman ngayon ang napabuga ng hangin.
"Kalimutan nalang natin yun! Pero Raiz, iniexpect ko talaga na ang tinatawag mong Marco Viejj ay matanda na at napapanot" seryosong sabi ni AK sabay yakap sa kaibigan.
Napabulanghit naman ng tawa si Raizah ng sabihin ng dalaga iyon saka kumalas ng yakap rito. Puno naman ng pagtataka na tumingin si AK sa kanya.
"Yun talaga ang iniexpect mo kay Marco Viejj?" Tumatawa paring sabi nito.
Napatango si AK.
"Kasi naman sa pagkukwento mo, para siyang halimbawa ng isang drug lord!" Nakasimangot na sabi ng dalaga.
"Bakit? Drug lord naman talaga siya ah!" sagot naman ni Raizah.
"Ganun ba?" nasabi nalang ng dalaga. Anong magagawa niya kung yun talaga ang expectation niya patungkol kay Marco Viejj. Pero kanina ng malalaman niya na ang kaharap ang lalaking dahilan ng pagkamatay ng ina niya, parang gusto niya itong durugin ng suntok. Kung di lang siya pinigilan kanina, di niya alam kung ano na ang nangyari. Dalawa lang naman iyon, ang siya ang mapahamak o ang hayop na iyon.
Napabuntong hininga nalang si AK. Mukhang nalalapit na ang pagbubunyag ng katotohanan tungkol sa pagkatao niya, na pilit paring itinatago ng tiya Rhadz at tita Nicole niya para sa kaligtasan ng lahat.
"AK?" tawag ni Raizah sa kanya.
Lumingon siya para tingnan ito.
"Paano pag nalaman ni Marco Viejj ang tungkol sayo?" tanong ng kaibigan sa kanya.
Napabuntong hininga ulit si AK.
"Di na siguro mapipigilan pa ang bagay na yan Raiz, kaya dobleng pag iingat nalang siguro." mahinang sagot niya.
BINABASA MO ANG
Allea Kixzie: The Gangster Princess
ActionNCJ University Book 2 Writerkuno Allea Kixzie THE GANGSTER PRINCESS Simple lang ang pangarap niya sa buhay. Ang mapagtapos ng pag aaral at alagaan ang mga taong nag aruga sa kanya mula pagkabata. Pero nabago lahat ng iyon ng mangyari ang isang trahe...