Another UD pinagsabay ko na ^_^ Enjoy reading. Para ito sa lahat ng nagtatyagang magbasa. Lalong lalo na sa mga silent readers. Salamat ng marami sa mga Votes and comments sana mas madami pa hahaha ^_^
_-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------_
"Son?" tawag ni Nicole kay NJ ng mapansing naka tulala na naman ang anak habang nakaupo sa beranda. Sabado ngayon at nasa mansiyon ito. Tatlong lingo na ang lumipas mula ng lumabas ito sa hospital. Ganun din sila Rein at Kixzie.
Lumingon si NJ sa ina saka matamlay na ngumiti. Alam ni Nicole kung ano ang dahilan. Ilang beses na ba siyang natetempt na sabihin sa anak kung nasaan si Karisha? Naaawa na siya sa anak kaya ngayon dadalhin niya ito sa kinaroroonan ng babaeng mahal nito. Napabuntong-hininga siya saka nilapitan si NJ at niyakap.
"I'm sorry" tanging nasabi ni Nicole ng marinig ang mahinang paghikbi ng binata. Batid niyang labis labis ang sakit na nararamdaman nito. Kaya naman mas higit pa ang sakit na nararamdaman niya.
"I missed her My" sabi ng binata sa gitna ng mahinang pag hikbi. Hindi na kasi mapigilan pa ni NJ alam niyang naiintindihan siya ng ina. Sa harap lang nito siya bumibigay. Sa harap lang ng ina niya napapakita na may kahinaan din siya, na umiiyak din siya kahit sabihan pa siyang bakla ng mga kaibigan wala siyang pakialam. Anong magagawa niya, sa bawat araw na iniisip niyang hindi na makikita pa si KL para siyang unti-unting pinapatay. Tatlong lingo palang pero parang hindi niya na makakaya pa. Labis na ang pangungulila niya sa dalaga.
"I know, I know" sang-ayun naman ni Nicole saka marahang hinimas ang likod ng anak. "Pwede mo ba akong samahan?" maya-mayang sabi ni Nicole saka marahang kinalas ang pagyakap ng anak sa kanya saka ngumiti na tiningnan ito.
Agad namang bumukas ang pagtataka sa mukha ng binata.
"Where?" tipid na tanong ni NJ. Ngumiti lang si Nicole sa kanya.
"Fix yourself" sabi nito saka tinapik sa balikat ang anak at pagkatapos naglakad na siya papasok ng Mansiyon.
Kahit nagtataka sinunod nalang ni NJ ang ina.
Sa kabilang daku naman nasa dorm na ulit sila Raizah at AK kahit nagpupumilit pa ang ama ng huli na doon na lamang sila tumira sa bahay nito. Magalang na tinanggihan iyon ni AK dahil dahilan niya mas malapit sila sa school. Pero hindi iyon ang totoong dahilan dahil may mga binabalak ang dalaga at inililihim niya din kay Raizah. Simula ng malaman ng arena na siya ang Formosa wala pa namang may nangahas na sugurin siya na labis niyang pinagtataka dahil pakiramdam niya, may hindi magandang mangyayari. Kaya ito siya puspusan ang pagsasanay para ihanda ang sarili. Mula ng lumabas sila ng hospital wala na siyang tigil sa pageensayo.
"AK, break muna" sabi ni Raizah na basang basa na ng pawis ang katawan at mukha. Kasama kasi ito ni AK sa Rooftop, doon silang dalawa para hindi makita ni Rein at limang binata ang ginagawa nila.
Napatigil naman si AK sa ginagawang pagbabalanse ng katawan sa lubid na pinag tulungan nilang magkaibigan na ilagay doon. Patalon na bumaba si AK sa lubid at parang ang gaan ang katawan na marahan itong lumapag. Malungkot na tiningnan ni AK ang lubid. Naalala niya pang kasama nila ni Raizah si KL sa paglagay noon. Si KL? Kamusta na kaya siya? Saan na kaya siya ngayon? Yan ang mga tanong sa isip ng dalaga. Tatlong lingo na kasi ang nakaraan wala padin silang balita kung nasaan na ito. Sa tuwing magtatanong naman siya sa Tita Nicole o di kaya sa Papa niya tanging "She's safe" lang lagi ang sagot sa kanya.
Wala sa loob na napabuntong-hininga ang dalaga saka malungkot na tiningnan si Raizah na inaayos ang merienda nila sa maliit na lamesita. Napatingin sa kanya ang kaibigan at kahit ito may lungkot din na mababakas sa mukha. Siguro naalala nito kapag ganitong nag memerienda sila, laging si KL ang naghahanda at nagluluto.
BINABASA MO ANG
Allea Kixzie: The Gangster Princess
ActionNCJ University Book 2 Writerkuno Allea Kixzie THE GANGSTER PRINCESS Simple lang ang pangarap niya sa buhay. Ang mapagtapos ng pag aaral at alagaan ang mga taong nag aruga sa kanya mula pagkabata. Pero nabago lahat ng iyon ng mangyari ang isang trahe...