Kabanata 43

5.2K 103 17
                                    

WARNING: Nakakabaliw ang kabanatang ito, kaya mag handa ng tissue. >.<

Sa mga gustong magpadidicate, maraming available, from Kabanata 7 - 43, comment lang sa may gusto. ^___^

Siya ito na ang UD, sorry kung medyo na late ha, inulit ko pa kasi. Mukha kasing di katanggap-tanggap ang nauna. 

Enjoy!

***********************************************************************************************************

Lunes na naman at nakabalik na sila AK sa University. Maayos naman na nagtapos ang Unilympics, maliban lang sa nangyari sa kanya wala ng iba pang masamang nangyari. Overall Champion ang NCJ-U, iniexpect nila NJ na gagawa ng hindi maganda ang mga athlete ng VIEJJ-U dahit ito ang mahigpit nilang katunggali, pero salamat nalang at malugod nilang natanggap ang pagkatalo na labis na pinagtataka ng mga athelete ng NCJ-U. Alam kasi nilang, sa tuwing gaganapin ang Unilympics hindi natatapos ang laro na walang nasasakatan. Kung sa bagay, si AK isa narin naman sa nasaktan, pero ibang sitwasyon naman ang nangyari sa dalaga.

Simula pala ng mangyari iyon sa kanya, hindi na niya ulit nakita si Patricia. Siguro nagtatago, o baka hindi lang nila alam at may pinaplano na namang masama laban sa kanila.

Si Alexa naman, pagkatapos dalhin ni TJ sa hospital wala namang naging problema, maliban lang sa pagdugo ng sugat niya. Pero siya din ang tinanghal na winner at nakakuha ng gold medal. Mangiyak-ngiyak ang dalaga noon habang sinasabitan ng medalya. ‘Sa wakas, natupad narin ang pangako niya sa ama na masungkit ang gintong medalya.

At tungkol naman sa mga naging pasa ni AK sa mukha at braso, magagawan na niya ng paraan yan. Ayaw niya na kasing pag-alalahanin ang ama. Hindi niya pa pala ito nakausap simula noong huling beses na nag-usap sila. Namimiss na niya ang ama. Di bale, magkikita naman sila mamaya.

“Good morning AK? Ang aga mo yatang nagising” masiglang bati ni KL pagkapasok sa kusina. Napalingon naman si AK sa kaibigan at nakangiting gumanti ng bati rito.

“Good morning din sayo KL” sabi niya saka ipinagpatuloy ang ginagawa. Siya ang nagluluto ng almusal nila, dahil hindi pa bumabalik ang mga kasambahay. Pinagpahinga kasi muna nila ang mga iyon nang pumunta sila ng Romblon.

“Ano bang niluluto mo diyan?” tanong ulit ni KL sabay lapit sa kaibigan.

“Ano pa nga ba, kundi ang madalas nating lutuin tuwing umaga” nakangiti paring sagot ng dalaga.

“Tocino, sinangag at itlog” sabay nilang bigkas at pagkatapos nagkatawanan.

“Aba! Aba ang saya naman ng mahal ko” nakangiting sabi ni Raydan na kakapasok lang din ng kusina.

“Oh? Ang aga mo yata?” tanong ni AK habang namumula.

Ngumiti ang binata.

“Syempre, gustong ko umaga palang masilayan na ang mahal ko” sabi niya.

Si AK naman ngayon ang natawa.

“Ikaw talaga, ang galing mong mambola” sabi niya.

“Oi! Hindi ah!” tanggi naman agad ng binata.

Si KL naman, natatawa nalang sa dalawa.

“Good Morning! Ang daya niyo hindi manlang ako ginising” bati naman ni Raizah habang nakasimangot na pumasok ng kusina.

“Wag kanang sumimangot dyan, umagang-umaga papangit ka sige” pagbibiro ni AK.

“Ang sama!” nakasimangot parin na sabi ni Raizah.

Saka namang pagpasok ng apat na binata.

“Oh? Bakit nakasimangot kana, umagang-umaga?” puna ni Derick sa dalaga.

Allea Kixzie: The Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon