Kabanata 54

2.2K 69 44
                                    


Habang mabilis ang takbo ng bigbike nila Raizah at AK, abot abot naman ang kaba ng huli at pepeng nagdadasal na sana di pa huli ang lahat at makarating sa arena bago pa magsimula ang laban ng ama niya at ni Marco Viejj.

Naramdam naman ni Raizah ang paghigpit ng hawak ni AK sa balikat niya kaya naman mas binilisan niya pa ang pagpapatakbo. Wala siyang pakialam kahit madaming sasakyan ang nagagalit sa kanila dahil sa bilis ng takbo nila ang mahalaga lang makarating agad sila ng arena.

Samantala sa arena. Panay hiyawan na ang mga gangsters na nasa loob dahil hindi na sila makapagantay ng gaganaping laban ng King at ni Marco Viejj. Bihira lang ang mga ganitong pagkakataon. Kaya naman lahat ay nasasabik sa napipintong labanan.

Habang nasa front row naman ng mga upuan nakaupo ang limang binata kasama si Rein Anthony. Hindi siya ang ordinaryong Sir Rein ng NCJ-U kundi siya ngayon si Dark Venom ang King of all Gangsters.

"Tito-uhmm-King" nagaalalang tawag ni NJ. Tinapik naman ni Rein ang balikat ng binata saka ngumiti. Na parang alam niya na ang susunod na sasabihin ng pamangkin.


"I have to Prince" sabi ni Rein saka isa isang tiningnan ang limang binata at panghuli ay si NJ. Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanilang anim.

Napabuntong-hininga si Rein aminado siyang hindi siya ganun kagaling makipaglaban. Nang dahil lang kay Rhadz at sa iba pang Formosa Council nalagay siyang King of All Gangsters kahit hindi siya dumaan sa traditional fighting para sa titulo. Kaya naman ganun nalang ang galit ni Marco Viejj dahil kung tutuusin ito dapat ang naging King.

"NJ? Whatever happen tonight, please take care Allea" malungkot na sabi ni Rein pagkatapos ng mahabang katahimikan. Napatingin sa sa kabilang daku ng Arena kung saan nakaupo si Marco Viejj at ang underlings nito kasama ang maraming knight crest. Alam niyang hindi na siya hahayaan pa ni Marco Viejj na mabuhay kaya naman gagawin niya ang lahat para lang matapatan ang galing nito.

"King you know we can cover you" singit ni Raydan. Meron kasing dalawang option sa rule ng Arena. Pwedeng e cover ng mga underlings o kung sino man na nasa mataas na pwesto ang laban ng hari. Lalaban lang ang hari kung matalo ang magcocover rito.

Umiling si Rein.

"No! Haharapin ko siya Prince!" matigas na sabi niya saka humanda na para pumunta sa gitna ng arena.

Napamura nalang si NJ habang sinusundan ng tingin ang tiyohin.

"NJ anong gagawin natin?" pabulong na tanong ni Raydan sa pinsan.

"Di ko alam Tol. Hindi ako makapag isip ng maayos" sagot naman ng binata habang di padin inaalis ang tingin sa tiyuhin na ngayon at nakatayo na sa gitna ng arena kaharap ang nakangising si Marco Viejj.

"King!" tawag nito na mas lalong lumapad ang pagkangisi. "Finally! The long wait is over" dagdag pa nito.

Hindi sumagot si Rein sa halip ay hinanda lang nito ang sarili. Alam niya kung gaano kadaya si Marco Viejj, kalianman di ito lumalaban ng patas.

"Bakit di ka nagsasalita? Natatakot kana ba?" sabi ulit ni Marco Viejj at ngayon naglalakad na ng marahan paikot kay Rein na nanatili lang na nakatayo pero nakahanda siya sa kung anumang gagawin ni Marco Viejj.

Napangisi si Marco Viejj na inaakalang madali niyang matatalo si Rein. Mabilis siyang pumihit para bigyan ng side kick si Rein pero agad naman iyong naramdaman ng huli at agad nakaiwas.

Napaailing naman ang organizer na nag sisilbing referee dahil hindi pa nga nagbibigay ng hudyat para simulan ang laban, umatake na si Marco Viejj. Naiiling nalang itong tumabi dahil nagsimula na namang umatake si Marco Viejj.

Allea Kixzie: The Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon