Kabanata 61

1.2K 33 20
                                    

Ito na ang UD ko. Sorry ngayon ko lang naipost dapat kahapon pa. Kaso sobrang hina ng net kaya di ko na upload hahaha. Dapat tatapusin ko na ito pero may hindi pa pala akong nagawa. Yung love story nila TJ at Cid. :D saka syempre kila Klynt at Diana saka kay Empress at Greg ^_^.

Enjoy reading :)

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Mag tatakip silim na ng makarating ang van na sinasakyan nila KL sa pantalan kung saan sila sasakay ng Bangka papunta sa isang tagong isla na titirhan pansamantala ni KL.

Tahimik lang ang dalaga habang nakasunod sa apat na kasama. Parang nawalan siya ng lakas na magsalita. Kanina sa hospital halos ayaw niyang umalis. Iniisip niya parang ngayon palang namimimiss niya na ang mga kaibigan, lalong-lalo na ang pinakamamahal na lalaki. Napakagat labi ang dalaga para pigilan ang mga luhang nagbabadya na namang lumabas sa mga mata. Napaka miserable ng pakiramdam niya. Naghalo ang sama ng loob at hinanakit sa mundo.

"Don't worry Karishia, maeenjoy mo ang Isla" malumanay na sabi ni Irene ng mapansin ang nakayukong dalaga.

Nag-angat ng mukha si KL saka kiming ngumiti sa ina ni Derrick.

"Let's go" tawag ni Raya na nauna na sa kanila para kausapin ang nangangalaga sa private Yatch na pagmamay-ari ni Nicole. Naisakay nadin pala ang maleta ni KL hindi manlang iyon napansin ng dalaga. May ilang lalaki pa na may bitbit na box siguro supplies ng pagkain iyon.

"Tara na Iha" nakangiting aya naman ni Kaithlene kay KL sabay hawak sa kamay ng dalaga. Di naman na tumanggi ang dalaga at sumunod nalang sa paglakad ng mga ito.

"Almost 2hrs ang magiging byahe natin kaya magpahinga ka muna Karishia" sabi naman ni Raya ng makasampa na sila sa Yate.

Marahang tumango ang dalaga saka yumuko, habang halos sabay naman na napabuntong-hininga ang mga kasama niya. Awang-awa sila sa dalaga dahil kahit hindi ito nagsasalita alam naman nilang naghihirap ang kalooban nito.

Puno ng pagmamahal nalang na hinipo ni Yuri ang likod ni KL at iginiya ang dalaga sa cabin kung saan ito pansamantalang magpapahina.

"Rest for awhile Iha, don't think anything. Everything will be alright" nakangiting sabi niya pagkatapos ihatid si KL.

"S-salamat ma'am" sa wakas sa kaunaunahang pagkakataon nagsalita ulit ang dalaga. Ngiti lang ang sinagot ni Yuri saka marahang pinisil ang kamay niya na hawak nito bago siya iniwan pagkatapos maingat na maisara ang pinto ng cabin.

Naiwan si KL sa loob, nilibot niya ang paningin. Mapait siyang napangiti, hindi na talaga mapipigilan, isinasampal na sa kanya ang realidad na malalayo na siya sa mga kaibigan. Dahil sa naisip napahagulgol na naman siya ng iyak, dumapa siya sa higaang nandoon at hinayaan ang sariling umiyak ng umiyak hanggang sa nakatulog na siya.

Samantala, ng iwan ni Yuri si KL sa cabin nito, dumiretso siya sa dining area ng Yate kung saan nag aantay sila Raya, Irene at Kaithlene.

"Yur" agad na bati ni Raya pagkapasok na pagkapasok niya.

"Magiging okay din siya" sabi ni Yuri kahit hindi pa nagtatanong ang mga kaibigan.

"Yeah" napatango naman na sabi ni Irene.

"I feel pity for her" malungkot na sabi ni Kaithlene. Napatango naman ang iba bilang pagsang-ayon.

"Yes me too, but we have no choice. We need to do this, for her safety" paliwanag ni Raya. "And I believe she will be happy after this" dagdag pa nito.

Allea Kixzie: The Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon