Kabanata 67

1.2K 27 25
                                    

Writerkuno: I edit this chapter kasi nalito ako ahahaha si TJ pala anak nila Kaithlene at Jason. Sorry.. pati tuloy ako nalito na. ^_^ Basta enjoy reading. Upload ko ang 68 later edit ko lng ng kunti.
----------------------------------------------
Chapter 67

"Emp, may pinaplano si Marco" pagbabalita kay Rhadz ng isa sa mga spies niya nasa nasa lunga ng mga Viejj. Alam niyang napakadelikado ang pinapagawa niya sa mga ito pero kailangan nila iyon para malaman ang bawat galaw ng kalaban.

"Anong pinaplano niya?" seryoso namang tanong ni Rhadz sa tauhan.

"Inutusan niya ang mga underlings niya na kunin ang Formosa" maagap nitong sagot.

Napakuyom si Rhadz yan ang hinding-hindi niya mapapayagang mangyari, dahil kapag nagkataon lahat ng pinagplanuhan nila mawawalan ng saysay dahil siguradong gagamitin ni Marco si AK laban kay KL. At hindi nila masisigurado kung ano ang magiging takbo ng isip ni KL kapag ang kaibigan niya na ang nalagay sa alanganin.

"Okay focus lang kayo sa plano and please be careful" pagtatapos ni Rhadz sa usapan nila ng tauhan at agad na pinatay ang special device na nagkukunekta sa mga ito. Mayroon siyang apat na tauhan na nagmamanman kay Marco Viejj matagal na niyang ginagawa iyon, mabuti nalang at hindi naman ganoon ka focus ang lalaki sa mga tauhan niya kaya wala silang naging problema. Pero kailangan padin ng maiging pag-iingat.

"Anong balita Emp?" tanong ni Spinx ng balingan siya ni Rhadz. Napabuga ng hangin ang babae.

"Hindi parin siya sumusuko, determinado parin siyang tuparin ang mga plano niya" tiim-bagang na sagot ni Rhadz. Napakuyom naman ng kamao ang kausap niya.

"Kung ganun, wala tayong magagawa kundi ang gawin ang huling baraha" sagot nito saka tiningnan ng seryoso si Rhadz. Naiiling si Rhadz ayaw na ayaw niya ng ideang naisip ng Spinx. Hindi sa wala siyang tiwala sa kakayahan ng pamangkin. Pero ang gawin itong pa-in para malure si Marco Viejj iyon ang hindi niya nagustuhan. Hanggang maaari sana ayaw niya ng idamay pa ang mga kabataan sa gulo between Viejj Mafia and Formosa the secret organization na binuo ng mga matataas na officials ng Gangsters Arena noon kung saan sila napapabilang ni Rein Anthony ang King of All Gangsters.

Naramdaman ni Rhadz na tinapik siya sa balikat ni Spinx bago ito tumalikod para umalis na. Hindi naman nakaimik ang babae dahil nasa malalim parin siya ng pag-iisip.

"Kailangang makaisip ako ng ibang paraan" nasabi niya sa isip saka pumikit ng mariin.

"You looks so tired Emp, please rest for awhile" rinig ni Rhadz na sabi ni Greg na nasa bukana ng pinto. Liningon niya ito saka tipid na ngumiti, recently napapadalas na ang mga pag-alala nito sa kanya na hindi naman nito ginagawa before. Ayaw niyang magisip ng kung ano, baka nga siguro concern lang ito sa kanya.

"Thanks Greg, I will after I done here" sagot niya at pagkatapos itinuon na naman sa harap ng laptop ang mga mata. Kanina bago siya tawagan ng tauhan, may mga hinahanap siyang files sa gangsters website. Isang secret files na tanging siya lang ang makakakita dahil nasa kanya ang golden notebook. Sa golden notebook? Sinong mag-aakala na kasama pala talaga ang Viejj sa organization nila Impong Tasyo, pero dahil likas na gahaman sa kapangyarihan ang mga Viejj, naghangad ang mga ito ng sobra. Napatiim-bagang nalang siya saka itinuon muli ang atensyon sa laptop. Malakas ang kutom niyang may makukuhang information doon para mapabagsak ng tuluyan ang Viejj Mafia.

Habang abala si Rhadz sa kung anumang binabasa sa laptop nito, hindi naman magawang maalis ni Greg ang titig rito. Ayaw niyang mapahamak ito, hindi siya makapapayag. Matagal na siyang may gusto sa babae, simula pa noong unang makilala niya ito. Siya ang inatasan ni Spinx na bantayan ito, hindi niya naman sinasadyang mahulog ang loob rito. Kaya lahat gagawin niya para maprotektahan lang ito. Napapikit ng mariin ang lalaki. Nahihirapan siya sa sitwasyon, gusto niyang ikulong si Rhadz sa mga bisig at sabihin kung gaano niya ito kamahal. Pero hindi niya magawa, sa tuwina lagi lang siyang natatameme kahit nakikita at nararamdaman niyang may pagtingin din ito sa kanya. Ayaw niyang pagsisihan sa huli na hindi manlang nasabi sa babae ang nararamdaman niya para dito. Napatiim-bagang siya saka pumihit nalang para pumasok sa kwarto niya. Alam naman niyang walang mangyayaring masama sa babaeng nasa living room. Tiningnan niya muna sa huling pagkakataon si Rhadz na abala parin sa ginagawa. Napangiti siya ng makitang nangingiti ito.

Allea Kixzie: The Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon