NOTE: Bago ang lahat, gusto ko munang humingi ng sorry sa inyo dahil medyo natagalan bago ako nakapag update ulit. Ang totoo kasi, bukod sa busy sa work, e wala talagang ideas na pumapasok sa utak ko. Super blank talaga, lahat ng naisip ko fail. Kaya panay ulit. Ngayon, bahala na, kung magustuhan niyo man tong UD na to, dahil kahit ako, parang alang wenta. hahaha
Pagpasensyahan niyo na ha. Ayaw ko pa kasing matapos to, dahil marami pang secrets ang mabubunyag.
Oh siya, ayan na ah.. Pasensya na kayo ulit.
THANK YOU DIN SA LAHAT NG MGA BAGONG FOLLOWERS, SA MGA NAG COMMENT'S AT VOTE AT HIGIT SA LAHAT SA MGA NAG ADD NG STORIES KO SA RL NILA. THANK YOU THANK YOU NG MARAMI.
Okay ito na talaga ang UD.. Pagpasensyahan niyo na ha.
****************************************************************************************************************
Dalawang linggo na ang nakalipas pagkatapos mailibing ang tatay Rod ni KL at ngayon, pinipilit na nang dalagang bumalik sa normal. Pilit niyang tinatanggap sa sariling, masaya na ang tatay Rod niya, saan man ito naroroon ngayon.
“KL?” mahinang tawag ni AK sa kaibigan. Tulad ng nakagawian, nasa field na namang silang tatlo at kumakain.
Lumingon si KL kay AK na nakapaskil ang ngiti sa labi.
“Bakit AK?”tanong niya. Habang si Raizah tuloy lang sa pagkain.
Napabuntong-hininga muna si AK bago nagsalita. Ayaw niya na sanang tanungin pa ito dahil nakikita niyang ginagawa ng kaibigan ang lahat para bumalik sa dati.
“Okay kana ba talaga?”nagaalangang tanong niya.
Nakangiti padin si KL pero di na iyon umabot pa sa mga mata niya.
“Oo naman AK, alam kong malulungkot si Tatay kapag nalulungkot din ako”sagot nito.
“AK? KL? Gusto niyong mag overnight ulit tayo sa apartment ko?” tanong naman ni Raizah.
“Apartment?”sabay naman na tanong ng dalawang dalaga sa kanya.
Natawa ng mahina si Raizah.
“Apartment tawag ko sa beach house” paliwanag nito.
“Ibang klase ka talaga Raiz” naiiling nalang na sabi ni KL.
“Teka nga, bakit kanina pa wala manlang umiistorbo sa atin dito?” nagtataka namang tanong ni AK sa dalawang kaibigan na ang tinutukoy ang limang binata. Kaninang umaga pa kasi na hindi nila ito nakikita. Pati ang Papa Rein niya, di niya rin napansin. Oo nga pala, hindi niya pa natatanong ang ama kung paanong naging hari ito ng lahat ng mga gangsters dahil kung titingnan, parang hindi nito kayang manakit ng tao.
“Oo nga noh?” sagot naman ni KL na nagpalinga-linga pa sa paligid. “Ano kaya ang pinagkakaabalahan ng mga iyon ngayon?”dagdag pa niya.
“Ay si KL, namimiss na agad si NJ” tukso ni Raizah sa kaibigan.
BINABASA MO ANG
Allea Kixzie: The Gangster Princess
ActionNCJ University Book 2 Writerkuno Allea Kixzie THE GANGSTER PRINCESS Simple lang ang pangarap niya sa buhay. Ang mapagtapos ng pag aaral at alagaan ang mga taong nag aruga sa kanya mula pagkabata. Pero nabago lahat ng iyon ng mangyari ang isang trahe...