Kabanata 68

1.1K 35 31
                                    

Una sa lahat nagpapasalamat ako sa patuloy na pagbabasa ng story na ito. ^_^ Sa mga bagong followers at mga nag add ng story na to sa library nila. At sa mga votes at comments ninyo. Ang sarap talaga sa feeling na may nakakasama at nababahagian ako sa kabaliwan ko. Hahaha well, malapit na siyang matapos. Iniisip ko pa kung anong pwedeng gawin kay Marco Viejj ^_^ may suggesstion kayo? Feel free to comment. Again, thank you, thank you, thank you hahaha.
Ito na, enjoy reading :D
-------------------------****---------------

Kabanata 68

“Mga inutil! Mga walang silbi!” gigil na gigil na sigaw ni Marco Viejj pagkatapos niyang malaman na hindi nagtagumpay ang mga inutusan niya para kunin ang Formosa. Ngayon alam niyang magiingat na ang mga ito dahil sa kapalpakang nagawa ng mga tauhan niya. Nagpupuyos siya sa galit dahil naiinip na siya.

“Nasaan si Patricia?” galit niya paring sabi sa mga tauhan. May isang tauhan ang mabilis na lumabas ng library para tawagin ito pero ilang minuto lang ang lumipas humahangos itong bumalik.

“B-Boss, wala siya sa kwarto niya” nauutal nitong pagbabalita.

“What?” gulat na sigaw ni Marco at napahampas pa ng table niya sabay tayo at walang anumang salita na lumabas ng library para puntahan ang kwarto ng anak.

Pagdating niya doon mas lalo siyang nagwawala dahil wala na ito marahas niyang binuksan ang closet nito nakita niyang wala ng halos gamit doon.

“Damn! Hanapin niyo siya ngayon na” galit niyang sigaw pagkatapos balingan ang mga tauhan. Mas lalong nadagdagan ang galit niyang dahil sa paglayas ng walang kwenta niyang anak. Alam niyang magagamit niya pa ito para mapalapit sa Formosa pero dahil sa ginawa nito mas lalo lang siyang nanggigil. Naisip niya si Scarlette pero wala naring pag-asa iyon dahil naging parang lantang gulay na simula ng mapuruhan ng bogbog sa nakalaban nito. Wala naman kasi siyang alam na si AK mismo ang nakalaban ng babae.

Nagpupuyos parin siya sa galit ng bumaba ng hagdan at tinungo ang kwarto ni Scarlette na nasa 1st floor. Pagpasok niya palang nakita niya na ang asawa na panay punas sa halos walang buhay na babaeng nakaratay sa kama.

“Tss” nasabi niya nalang saka walang salitang lumabas na muli sa kwarto. Napakunot – noo naman ang ina ni Scarlette dahil nagtataka siya kung bakit hindi nagtagal si Marco sa kwarto ng anak nila. Napatingin siya sa mukha ng natutulog na anak. Buong buhay nito, makukolong nalang sa silyang de gulong kaya hindi siya makakapayag na hindi ito maipaghigante.

“Pangako baby, gagawin ko ang lahat maipaghigante lang kita” gigil niyang sabi habang patuloy sa marahang pagpupunas sa mukha ni Scarlette.

Samantala sa isla, hindi mapakali sila KL at NJ dahil kanina pa sila tumatawag sa cellphone na madalas gamitin para tawagan sila AK at Raizah pero hindi nila ito macontact at mukhang nalowbat nalang iyon dahil sa ilang beses nilang pagtawag.

“NJ baka may nangyari ng masama sa kanila” puno ng pag-alalang sabi ni KL.

“Shhh, don’t say that. Baka may ginawa lang sila at hindi nadala ang cellphone” pag-aalo ni NJ pero alam niya sa sarili na kinakabahan din siya hindi niya alam kung bakit. Maraming mga bagay ang pumapasok sa isip niya, mga bagay na baka sinugod ng mga tauhan ni Marco Viejj ang mga kaibigan at napahamak ang mga ito. Naipilig nalang ng binata ang ulo para alisin ang anumang iniisip. May tiwala siya sa mga kaibigan, hindi ang mga ito basta-bastang matatalo.

“Pero NJ—“ giit ni KL pero pinutol na siya ng binata.

“Wag kang mag-alala, walang mangyayari sa kanilang masama” nakangiti niyang sabi para alisin ang pag-alalang nababakas sa mukha ng dalaga.

Allea Kixzie: The Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon