Kabanata 42

5.2K 104 12
                                    

“Lex? Sure kaba na kaya mo na? Baka mamaya niyan, dumugo yang sugat mo sa likod” ang alalang tanong ni Trixie sa kaibigan. Nagpupumilit kasi itong lumabas ng hospital dahil, gusto parin nitong magparticipate sa Unilympics.

“Okay lang talaga ako Trix, malayo yan sa bituka” sagot naman ni Alexa. Gustong-gusto niya talaga kasing, makasali sa Unilympics. Saka maayos naman ang pakiramdam niya, maliban lang sa kunting kirot na nararamdaman sa likod dahil sariwa pa din naman ang sugat niya. Pero di na niya pinahalata iyon kay Trixie, para wala na itong maging dahilan pa para pigilan siya.

Lumapit naman si Frans sa dalawa.

“Alexa, wag ka nalang sumali” awat niya din sa dalaga.

Napabuga naman ng hangin si Alexa dahil, nakakaramdam na siya ng inis sa magkapatid.

“Okay nga lang ako” medyo inis na niyang sabi.

Si Trixie naman ngayon ang napabuga ng hangin.

“O siya, kung yan ang gusto mo, hindi na kita pipigilan” sukong sabi nito saka inaya nalang si Frans na umupo para panuorin si Alexa.

“Hard-headed woman” pabulong naman na sabi ni Frans pero sumunod nadin kay Trixie.

Napakibit-balikat nalang si Alexa habang sinusundan ng tingin ang dalawang papalayo. At pagkatapos, pumunta na siya kung saan ang post nila, para kausapin ang kanyang couch.

“Couch” bati niya pagkalapit.

“Oh Alex! Bakit andito ka? Hindi kapa gaanong magaling ah” gulat na sabi nito ng malingonan ang dalaga. Alam naman kasi nito kung ano ang nangyari sa kanya.

Napatirik naman ang mga mata ni Alexa.

“Ito na naman, isa pang pahirap sa buhay ko” sabi niya sa isip.

“E sir, alam mo naman kung gaano ko pinangarap ang pagkakataong to” nakasimangot na sabi ni Alexa.

Napabuntong-hininga ang couch niya.

“I know, but on your situation right now, baka mas lalo ka lang mawalan ng pag-asang makuha ang inaasam mong gold medal” paliwanag nito.

Si Alexa naman ngayon ang natigilan.

“Possible mo bang hindi na ako makatakbo, kung sakaling mas lumala ang sugat ko?” nag-aalala niyang tanong.

Tumango naman ang couch niya sa kanya na nakangiti.

Napayuko si Alexa. Parang gusto niyang umiyak. Bata palang siya, pangarap na niya ito. At ngayong nabigyan siya ng pagkakataon, saka naman may nangyaring hindi maganda. Napahinga siya ng ilang beses saka hinarap ulit ang couch.

“Gagawin ko padin couch” puno ng determinasyon niyang sabi.

Kamuntik ng mahulog sa inuupoang stool ang couch niya dahil sa sinabi ng dalaga. Di makapaniwalang tiningnan niya ito. Pero sinalubong din siya ng seryosong tingin ni Alexa.

Napasigh nalang siya. Nakikita niya kasi sa mga mata ng dalaga, na determinado itong itutuloy ang gusto.

“Okay, kung yan ang gusto mo. Pero alalay lang sa sugat mo sa likod ha?” paalala nito. Agad namang nagliwanag ang mukha ni Alexa at di mapigilang yakapin ang guro.

“Maraming salamat couch! Maraming salamat” tuwang sabi niya pagkakalas ng yakap. “Pramis po, ibubuhos ko ang lahat ng galing para masungkit ang gold medal” dagdag pa ng dalaga.

Tango lang ang sagot ng couch sa kanya.

Samantala sa hotel kung saan nagpapahingan ang mga NCJ-U sinundo na ng limang binata ang tatlong dalaga sa suit ng mga ito.

Allea Kixzie: The Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon