Kabanata 3

10.2K 186 10
                                    

Kabanata 3

Malalim na ang gabi pero masaya paring nag kakarera ang limang magbabarkada.



 "Ang hihina niyo talaga!" tumatawang sigaw ng isa sa kanila dahil siya ang naunang nakarating sa finish line. Nasa mini airport silang school napinapasukan at pagmamay-ari ng kanilang mga magulang. Bagamat gabi na maliwanag parin ang lugar dahil sa maraming poste ng ilaw na nakapalibot dito.

Ang binata ay si Nicolai Jeadan Park anak ng kilalang negosyanteng si Jaeadan Patrick Park at Nicole Coollene Jade-Park. Tulad ng kanyang ama, gwapo din siya at habulin ng mga babae. Nahilig din sa racing sports tulad ng inaniya. Tulad din ng mga magulang, magaling din siyang makipaglaban at leader ng isang sikat na gang na ipinasa sa kanya ng kanyang lolo Brandon husband ng lola Margarette niya.

Bumaba siya ng bigbike niya sabay hubad ng helmet at inipit iyon sa pagitan ng kanang braso at beywang niya habang nakangising tinitingnan ang apat pang kabarkada na nakalaban sa motor race.

"Ang halimaw mo talaga! Manang-mana ka kay Tita Nicole" sabi ng second cousin niyangsi Al Raydan Park anaknina Keaydan Keith Park at Raya Allyson Parle-Park. Magaling ding makipaglaban at kasama niya rinsa gang. Bumaba din ito sa bigbike nito pagkatapos itabi sa bigbike ng naunang binata at humakbang papalapit dito habang tinatanggal ang suot na helmet. Sinuntok niya ng mahina ang pinsan sa kaliwang balikat ng makalapit dito. Tumawa lang si NJ (Nicolai Jeadan) sa kanya at gumanti rin ng suntok dito.

Siya namang dating ng tatlo pa nilang kabarkada na sina Derick Ian Lim anak nila. Dylan Paul Lim at Irene Laurel Liu-Ting -Lim. Same age at magaling ding makipaglaban.

Si Tomas Jake Kashimyeta anak nila Jason Kashimyeta at Kaithleen Courtney-Kashimyeta labing walong taong gulang palang at magaling din makapaglaban.

Si Clyde Cid Spencer anak nila Cedric Marty Spencer at Yuri Yzza Hukaro-Spencer ka age ni TJ (Tomas Jake) at marunong ding makipaglaban. Ang tatlong huling dumating ay myembro din ng kanilang gang.

"Ibang klase ka talaga NJ! Napakahalimaw mo!" sabi ni Cid pagkatapos makababa sa bigbike nito. Nag brotherhood handshake sila pagkalapit nito sa dalawang binata na nauna kanina. Ganun din ang ginawa ng dalawa pa.

"Hanep! Wala paring kupas!" nakangisingsabini Derick pagkatapos ng hand shake nila.

"Syempre! Ako pa!" pagmamayabang naman ni NJ sa kanila at nagsimula ng maglakad palabas ng mini airport.

"Oo ikaw na talaga! Ikaw na ang mayabang!" sabay na sigaw ng mga ka-gang niya at sumunod narin sa kanya. Panay ang kantyawan nila habang palabas ng gate ng mini airport. Ganun sila kalapit sa isa't - isa, siguro dahil narin sa magkakabarkada ang mga daddy nila at magka gang naman ang mga mommy nila noon na ang tawag Wannabe Princess Gang.

Palabas na sila ng mini airport ng may biglang huminto na sasakyan sa tapat nilang lima. Inihanda naman ng mga binata ang kanilang sarili dahil baka kalaban ang dumating. Di naman kasi maiiwasan na lagi silang napapaaway lalong-lalo na ngayong sila ang pinakamalakas na gang sa buong pilipinas. Wala pang nakakatalosakanila.

"How are you son!" sabi ng kadarating lang na isang matikas na lalaki na sa kabila ng edad, malakas parin ang hatak sa mga babae. Siya si Jeadan ang ama ni NJ. Parang nakahinga naman ng maluwag ang limang binata ng makita ito.

"Dad! You're here! Well, I'm good! Still handsome as you!" tuwangsagot ng binata. Pagkatapos makabawi sa pagkabigla ng makita ang ama. At mabilisnalumapitdito para yakapin. Namiss niya ang ama dahil ilang buwan din itong nawala. Pumunta kasi ang ama niya sa ibang bansa para sa negosyo nila

Allea Kixzie: The Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon