Kabanata 52

2.4K 63 19
                                    


"Trixie?" pabulong na sabi ni NJ saka mabilis na niyakap ang dalaga. Pero agad din siyang bumitaw pagkatapos marealized ang ginawa saka walang lingon-likod na umalis. Akma siyang susundan ni Trixie pero pinigilan siya ni Raydan sabay iling. Wala namang nagawa ang dalaga, parang nanghihina na napaupo nalang siya sa upuan na nandoon sa labas ng emergency room.

"Anong nangyari?" basag ni Rein Anthony sa katahimikan. Dahil narin sa sobrang pag alala sa kalagayan ni AK.

Lahat napatingin sa tatlo, Trixie, Frans at Alexa na naghihintay sa sasabihin nila.

"Doon dinala si Karishia at Kixzie sa tambakan ng lumang cargo container" simula ni Frans sabay yuko. "King, patawad" mahinang sabi ni Alexa na agad din nag takip ng bibig sabay palinga linga sa paligid. Alam niya ang rules ni Rein Anthony, wag na wag siyang tatawaging King sa labas ng Gangster Arena. "Hindi po naming agad na track ang GPS sa cellphone ni Kizxie, dahil mukhang nabasag S-sir" singit naman ni Trixie.

Napamura si Rein sabay suntok ng pader at pagkatapos namumula ang mukha sa galit na hinarap ang tatlo.

"Diba kayo ang itinalaga ng Empress na mag babantay sa kanya?" mahina pero madiin na sabi nito sa tatlo. Nahihiya namang sabay na tumango ang tatlo saka yumuko. Napatingin si Rein sa tatlong kabataan. Alam niyang walang kasalan ang mga ito, dahil ginagawa lang din ng maayos ng mga ito ang tungkulin.

"S-sir, biglaan ho kasi ang lakad nilang tatlo at hindi namin alam kung saan sila pupunta" paliwanag ni Alexa. Napabuga ng hangin si Rein. Galit siya oo, galit na galit pero hindi para sa mga kabataang kaharap kundi kay Marco Viejj.

"How about Karishia? What happen to her?" tanong ulit ni Rein. Lingid sa kanila, tahimik lang na nakikinig si NJ sa kabilang side ng kinaroroonan nila. Parang ayaw niyang munang huminga habang inaantay ang sagot ng tatlo, kung ano ang nangyari sa dalaga. Ayaw niyang isipin na may masama ng nangyari rito.

"Dinala po siya ni Marco Viejj Sir" sagot ni Frans. "Nung dumating kami ng bodega, si Kixzie nalang ang natira doon" dagdag pa ng binata.

Napakuyom ng sobrang higpit si NJ saka malalaki ang mga hakbang na naglakad palayo. Hindi siya makakapayag na gamitin rin ni Marco Viejj si Karishia para sa pansarili nitong interes.

Napamura nalang sa isip si Rein dahil sa sobrang galit na nararamdaman. Pilit niyang kinakalma ang sarili. Alam niyang kahit kailan hindi maganda kung magpadala siya sa galit.

"Trixie" tawag ni Raydan rito. Nag aalangan namang nag angat ng mukha ang dalaga para tingnan ang binata.

"Akala namin patay kana" singit ni Cid na seryosong tinitigan ito.

Napalunok muna ng ilang beses ang dalaga para alisin ang bara sa lalamunan.

"P-pinalabas ng Empress na patay na ako para sa kaligtasan ko at para paniwalain si Marco Viejj" mahinang sagot ng dalaga.

"All those years, nasa paligid ka lang at tinitingnan ang pagdurusa ni NJ?" seryoso ding tanong ni TJ. Minsan lang maging seryoso ang binata lalo na kapag si NJ na ang sangkot.

"N-natakot ako" tanging nasagot ni Trixie saka humagulgol ng iyak dahil di niya na makayanan ang matinding emosyon sa dibdib niya.

"I will tell everything about us" singit ni Frans nahalata niya kasing nahihirapan na ang kapatid sa parang nagaakusang titig ng mga kaharap nila. Samantalang tahimik lang si Alexa dahil wala naman siyang karapatang sumabad sa usapan, hahayaan niya nalang na ang magkapatid ang magpaliwanag.

"Say it!" parang boss na utos ni Raydan saka kanya kanya silang upo para makinig sa sasabihin ni Frans. Napabuntong hininga muna ang binata bago sinimulan ang sasabihin.

Allea Kixzie: The Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon