Kabanata 1

11.6K 243 13
                                    

[BANG!]

[BANG!]

[BANG!]

Napabalikwas mula sa pagkakahiga sa malapad na bato na nasa tabi ng talon ang isang dalaga, pagkarinig ng sunod-sunod na putok ng baril. Kakatapos niya lang mag-ensayo kaya humiga muna sa doon para makapagpahinga. Mabilis siyang bumaba sa malapad na bato at patakbong umalis sa lugar na iyon para makauwi agad.

Di niya alam pero bigla nalang pumasok sa isip niya ang kanyang lolo at tiya Kixzie. Mabilis siyang tumakbo pabalik sa kanilang kubo. Ang lakas ng tibok ng kanyang puso habang pababa sa medyo may kataasang parte ng liblib na gubat na iyon.

Di naman lingid sa kanya na may nagtatangka sa kanilang buhay. Yun nga ang dahilan kung bakit palagi silang palipat-lipat ng tirahan. At itong huli nga, dito sa liblib na pook na ito at malayo sa kabayanan. Tiniis niyang maglakad ng malayo para lang makapasok sa eskwelahan at sa awa naman ng diyos nakapagtapos na siya ng highschool ng maayos.

Mas lalo niya pang binilisan ang pagtakbo. Di niya alintana ang maliliit na sanga na humahampas sa mukha niya. Ang mahalaga makarating siya agad sa kanilang kubo. Ang sama ng kutob niya.

"AK!" rinig niyang tawag sa kanya saktong pagkatawid niya sa batis. Huminto muna siya sandali para lingonin ito.

"Ano yun?" sigaw nito ulit mula sa kabilang parte ng batis.

Allea Kixzie Torres ang kanyang buong pangalan, nasa labing siyam na taong gulang, masayahin, palakaibigan, mabait at paborito ng mga guro noong nasa high school siya. Kinaiingitan ng kababaihan dahil sa taglay na talino at higit sa lahat may kakaibang ganda.

Kahit na sa bundok na siya halos lumaki, maputi at makinis ang balat niya.

"KL!" ganting sigaw niya sa kaibigan. "Hindi ko alam!" dagdag pa niya at hinintay ang kaibigan na ngayon ay patalon-talon narin sa malalaking bato para makatawid sa batis.

Karisha Lee Derio ang buong pangalan ng kaibigan niya, magkasing edad lang silang dalawa, masayahin din  na tulad niya. Ito ang pinakamalapit niyang kaibigan simula pa pagkabata. Sabay silang lumaki, kahit na palipat-lipat siya ng tirahan hindi naging hadlang iyon para mas lalo silang maging malapit sa isa't-isa. Lagi silang magkasama bestfriends in  crimes ikanga. Tulad niya may kakaiba  rin itong taglay na ganda.

AK ang tawag sa kanya ng kaibigan. At siya naman KL ang tawag dito. Initials iyon ng kanilang pangalan. Yun ang pet's name nilang dalawa sa kani-kanilang sarili.

"Tara! Samahan na kita!" aya nito pagkatawid. Tumango lang siya sa kaibigan at saka mabilis na silang tumakbo pabalik sa kubo.

Habang papalapit sila sa kubo mas lalong lumalakas ang kabog ng dibdib niya sa sobrang kaba na nararamdaman. Di malabong matunton na naman sila ng mga taong humahabol sa kanila. Hanggang ngayon, palaisipan parin sa kanya kung bakit lagi nalang may humahabol at nagtatangka ng buhay nila. Simulang nagkaisip siya, lagi na silang tumatakas.

Iyon marahil ang dahilan kung bakit sinanay siyang makipaglaban na higit pa sa lakas ng pangkaraniwang lalaki. At lagi ding sinasabi ng lolo niya noon, na balang araw magagamit niya ang mga matutunan niya sa tamang panahon.

Mabilis silang nakarating sa kinaroroonan ng kubo nila.

"Lolo? Tiyang?" tawag niya pagkarating at agad na pumasok sa loob ng kubo. Tumambad sa kanila ang mga nagkalat na gamit na parang dinaanan ng bagyo. Mas lalong kinabahan ang dalaga ng ilang ulit na niyang tinawag ang lolo at tiyahin pero walang sumasagot.

Agad niyang pinuntahan ang kwarto ng tiyahin.

Para siyang ipinako sa sahig ng makita itong walang anumang saplot at naliligo sa sariling dugo. Nakadilat pa ang mga mata nito at may isang butil ng luha ang tumulo mula doon. Nanginginig ang katawan niya habang dahan-dahang nalakad papalapit sa tiyahin. Napapikit siya ng mariin, di niya kayang tingnan ang kalunos-lunos na sinapit nito. Halatang ginahasa muna bago pinatay. Diretso siyang nakatingin sa tiyahin habang unti-unting tumutulo ang luha mula sa mata niya. Inangat niya ang nanginginig na kamay at hinaplos ang mata nito para tuluyang pumikit.

Allea Kixzie: The Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon