Kabanata 70

1.1K 36 14
                                    

Madaling araw na ng makarating sila NJ at KL sa Maynila.

“Sa hideout ka muna tumuloy wife” sabi ni NJ habang seryosong nagmamaneho nang sasakyang pagmamay-ari ng mommy niya na sinadyang iwan sa batangas port para sa kanya.

Napabuntong-hininga naman si KL saka marahan nalang na tumango. Hindi naman siya bobo para ipahamak ang sarili na pumunta ng dorm dahil sa nangyari kila AK alam niyang hindi siya ligtas doon.

Pagkapasok nila sa hideout inalalayan siya ng binata sa pagbaba.

“Alam mo na asan ang kwarto ko, mauna kana doon tawagan ko lang sila Raydan” malambing na sabi ni NJ saka ginawaran ng halik sa noo ang dalaga. Pilit nalang na ngumiti si KL saka agad ng pumihit para pumasok sa kwarto ng binata. Ilang beses narin naman siyang nakatulog sa kwarto nito noon. Kahit ramdam ng dalaga ang sobrang kaba, pinilit niya nalang na inigronahin iyon. May tiwala siya sa nobyo alam niyang hindi siya nito pababayaan.

“Tol?” nagtatakang tanong ni Raydan pagkatapos makitang tumatawag si NJ mag aalas tres na ng madaling araw.

“Tol, we’re here” sagot naman ni NJ.

“What? I thought bukas pa kayo darating?” gulat na bulalas ni Raydan. Narinig niya ang mahinang pagtawa ng pinsan sa kabilang linya.

“Hindi na ako makapag-antay pa. Kamusta si TJ?” sabi nito.

Napangiti naman si Raydan saka tiningnan ang mahimbing na si TJ. Nailipat na ito sa private room dahil ligtas na.

“Okay na siya Tol, nakaligtas siya” pagbabalita ng binata sa pinsan.

Napahinga naman ng maluwag si NJ sa narinig.

“Mabuti naman kung ganun” nakangiti ng sabi ng binata.

“O siya magpahinga ka muna alam kong pagod kapa sa byahe niyo ni Karishia”

“Yes Tol, tomorrow we will going there” sang-ayon naman ni NJ at pinatay na ang tawag saka binitbit ang dalawang maleta nila ni KL at dinala sa kwarto niya.

Naabutan niya ang dalagang papahiga palang sa kama.
“Wife, akala ko natulog kana” nakangiting sabi niya pagkatapos ilapag ang mga maleta.

“Ah nagpalit lang ako nang damit” nahihiyang sabi ni KL saka inayos na ang sarili sa pagkakahiga.

“Hmm okay, magbibihis lang din ako” nakangiti paring sabi ng binata saka tinungo na ang banyo na nasa loob ng kwarto niya. Si KL naman sinubukan nalang na ipikit ang mga mata para matulog.

Biglang may pumasok na lalaki na walang iba kundi si Marco Viejj sa kwarto kung saan mahimbing na natutulog ang dalaga.

“Paano yan mapapasakamay na ulit kita, matutupad na ang mga plano ko Karishia” sabi ni Marco Viejj habang nakatanaw sa natutulog na si KL nakapaskil ang malademonyong ngiti sa labi nito. Sigurado na siyang magagawa na ngayon ang plano.

Napabalikwas ng bangon si KL ng maramdaman na parang may humahaplos sa pisnge niya. Nanlaki ang mga mata niya ng makitang si Marco Viejj iyon.

“T-teka? P-paanong—“ gulat na sabi ng dalaga sa nanginginig na boses.

Ngumisi lang si Marco Viejj habang patuloy na hinahaplos ang pisnge ni KL.

“Maisakatuparan narin ang mga plano ko anak. Ikaw ang magdadala ng tagumpay ko” sabi nito saka humalakhak ng malademonyo.

“Hindi! Hinding hindi ako papayag. Patayin mo muna ako para mapasunod sa gusto mo” sigaw ni KL kahit nanginginig siya sa takot pinilit niyang magtapang-tapangan.

Allea Kixzie: The Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon