Kabanata 33

9.2K 133 9
                                    

Parang kailan lang ang bilis lumipas ng mga araw. Araw na naman ng biernes at masayang nagkukulitan ang mag ama Rein at AK habang naglalaro ng soccer. Noong nakaraang linggo lang sila lumabas ng hospital, at ni minsan hindi nagkakahiwalay  ang mga ito. Samantalang naka tanaw lang sa kanila ang wannabe prince kasama sila KL at Raizah na di rin nawala ang ngiti sa labi. Masaya sila para sa kaibigan.

"Ang sarap lang pakinggan ang tawa ni AK!" nakangiting sabi ni Raizah habang di inaalis ang tingin sa mag ama.

"Oo nga! Ngayon ko lang siya ulit narinig na tumawa ng ganyan, simula noong high school palang kami!" sang ayun naman ni KL.

"Sana lagi nalang ganito! Sana wala ng manggugulo pa!" sabi ulit ni Raizah.

"Hindi mo maiiwasan yan, lalo na at nandiyan pa si Marco Viejj, buhay na buhay" sabad ni Derick na katabi niya lang. Napatingin naman saglit ang dalaga rito pero agad ding nag iwas ng tingin ng lingonin din siya ng binata.

"Tama! Hindi pa tayo tuluyang maging masaya dahil andiyan pa ang hayop na yun!" Sang ayun naman ni NJ saka tiningnan si KL na agad ding napayuko dahil nahihiya parin siya sa ginawa noon sa mall. Bakit ba kasi yun pa ang sinigaw niya? Wala sa loob naman na napangiti ang binata.

"Aisyt! Bakit ba kasi may mga taong hayuk ang laman!" Gigil namang sabi ni Raydan na kila AK nakatingin.

"Ganun talaga tol! Magiging abnormal ang mundo kapag walang masama!" Sabad naman ni TJ.

Marahas namang napalingon ang apat na binata sa kanya.

"Tangna TJ! Ang lalim nun ah! Saan mo nakuha?" Buska ni Cid sa kaibigan sabay pabirong sinuntok ito sa balikat.

"Aisyt! Masama na bang mag seryoso minsan?" Nakasimangot na sagot niya.

"Hindi masama! Pero di lang kami sanay na magseryoso ka! Kasi hindi bagay!" Singit ni Derick.

"Grabe! Yan na ba tingin niyo sa akin? Di marunong magseryoso?" Nakasimangot paring tanong ni TJ.

Pero sa halip na sagutin, tinawanan lang siya ng mga kaibigan. Pati sila KL at Raizah nakitawa narin.

"Siyanga pala! Ready na ba kayo sa tournament next week?" Tanong ni Derick pagkalipas ng ilang minutong tawanan nila.

"Ha? Next week na pala yun?" Gulat na bulalas ni KL.

Allea Kixzie: The Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon