Kabanata 64

1.2K 44 30
                                    


Bago ang lahat, gusto ko munang batiin ang isang matyagang reader na hindi nang-iwan, matyagang nag antay ng update kahit matagal. At super active sa pag VOTE and COMMENT. Happy Happy Birthday to you Miss Fely Mariano Flores (aka: user77716970) ^_^ enjoy your special day. I dedicated this chapter to you. Pa spaghetti ka naman. Hahaha Happy Birthday again.

ENJOYYYYY!

------------------------------------------------------------------------------------

Kabanata 64

Mabilis na nakarating sila Alexa at Esther sa NCJ University. Agad na bumaba ng sasakyan ang dalawang dalaga at magalang na nagpaalam kay Greg pagkatapos magpasalamat sa paghatid nito sa kanila.

Napabuntong-hininga si Alexa hindi niya mapigilan mangamba dahil simula sa araw na iyon, doon na sila titira sa dorm kasama ang Formosa kaya hindi malabong magtagpo ulit ang landas nila ni TJ. Speaking of TJ ni minsan hindi na niya nakita ang binata simula ng sunod-sunod na gulong nangyari sa buhay nila.

"T-tara na?" nag aalangang aya ni Esther kay Alexa. Tulad ng dalaga, kabado rin ito dahil ni minsan hindi nito nakausap ang Formosa dahil hindi naman siya lumalapit sa mga ito.

Ngumiti si Alexa sa kanya saka mahinang tumango at pagkatapos hinatak na ang maleta para pumasok sa maliit na eskinitang patungo sa dorm.

Habang marahang naglalakad hindi mapigilang isipin ni Esther ang pwedeng mangyari sa kanya. Oo masakit parin na nawala na ang mga magulang galit siya dahil wala manlang siya doon para tulungan ang mga ito. Pero sa huli naisip din ng dalaga na may magagawa pa siya para mabigyan manlang ng hustisya ang pagkamatay ng mga magulang. Kaya naman hindi siya nagdalawang isip na lumapit sa Empress dahil alam niyang ito lang ang tanging makakatulong sa kanya. Kahit naman underlings ni Marco Viejj ang mga magulang niya, hindi siya sangayun sa kasamaan nito kahit ang mga magulang niya. Iyon siguro ang dahilan kaya nagawa itong ipapatay ng lalaki. Napatiim-bagang si Esther saka bumuga ng hangin para alisin ang bigat sa dibdib. Napalingon naman agad si Alexa sa kanya dahil hindi nakaligtas rito ang ginawa niya.

"May problema ka ba Esther?" tanong niya pagkatapos lingonin ang babae.

Umiling lang si Esther. Hindi pa siya handang magkwento sa ngayon dahil ramdam niya parin ang sakit. Napabuntong-hininga nalang si Alexa at hindi na pinilit pang magsalita ang kasama. Binilisan niya nalang ang paglakad para makarating agad sila sa Dorm. Medyo dumidilim na kaya kailangang makarating na sila doon. Siguradong magugulat sila AK at Raizah kapag nakita silang dalawa ni Esther. Bahala na kung paano sila magpapaliwanag sa mga ito. Kabilin-bilinan ng Empress na wag sabihin rito ang totoong dahilan kung bakit sila biglang nalipat sa dorm.

Sa dorm abala na ang magkaibigan Raizah at AK sa panunuod ng tv sa living room kasama ang apat na binata masyadong napasarap ang kwentuhan nila sa rooftop kaya inabot na sila ng takip-silim. Seryoso sila sa panunuod ng biglang tumunog ang cellphone ni AK. Mabilis namang kinuha iyon ng dalaga. Ang Papa niya ang tumatawag kaya agad niya nang sinagot iyon.

"Pa?" Takang tanong ng dalaga pagkasagot.

"Princess, may darating diyan ngayon sa dorm niyo" sabi nito.

"Po? Sino Pa?" Kunot ang noong tanong ni AK sa ama sa sobrang pagtataka wala kasi siyang maisip na pwedeng pumunta ng dorm sa ganitong oras. Napatingin narin sa kanya si Raizah pati ang limang binata.

"Just wait for them Princess" sabi ni Rein na kahit hindi nakikita ng anak nakangiti siya. Masaya siya sa naging desisyon ng Empress na sa dorm patirahin ang dalawang alaga nito para magbantay sa anak. Alam ni Rein na hindi rin ito papayag na malamangan muli sila ni Marco Viejj. Wala siyang tutol doon dahil alam niyang kailangan ngayon ng anak ang maraming kaibigan para hindi makaramdam ng lungkot.

Allea Kixzie: The Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon